Daven's POV
"Oo, tatalikuran na naman kita tulad ng ginawa ko noon, at alam kong hahayaan mo na lang din akong maglakad ulit papalayo tulad ng ginawa mo noon."
Tumagos sa aking puso ang mga katagang 'yon... at tama siya, hinayaan ko na naman siyang maglakad papalayo ngayon.
Nanigas na naman ako at hindi man lang ako kumilos o gumawa ng kahit na ano para pigilan siya sa kaniyang pag-alis.
"Damn it, Daven!" whispered to myself.
Bakit ba kasi napakaduwag ko?! Bakit ba kasi umaatras ako sa tuwing haharapin ko na si Ayana?! Bakit?!
Ayon na eh! Masasabi ko na sana! Maipapaliwanag ko na ang side ko kanina!
"Kainis!" madiin kong bulong sa aking sarili.
Naglakad na ako papalabas ng flower shop at hahabulin ko sana si Ayana kaya nga lang mukhang huli na ang lahat... hindi ko na siya makita pa at mukhang nakalayo na siya.
"Nakakainis talaga!" sigaw ko at sinabunutan ang aking sarili.
What's wrong with me?! Mukhang 'yon na nga lang ang huling pagkakataon para maipaliwanag ko sa kaniya ang side ko at para makahingi ako sa kaniya ng tawad pinalagpas ko pa!
"How was it, Daven? Ano ba ang nangyari? Bakit lumabas si Ayana at umiiyak pa?!" sunod-sunod na tanong sa akin ng isang babae na nasa aking likod.
Inis ko naman siyang nilingon. "Wala na, Hazel, wala na talaga tayong magagawa."
Nangunot naman ang kaniyang noo. "Anong pinagsasasabi mo?! Akala ko ba kakausapin mo si Ayana?! Eh anong nangyari ngayon?!" naguguluhan niyang tanong sa akin.
Napayuko naman ako at hindi ko alam kung papaano ko ba sasabihin sa kaniya na inunahan ako ng takot kaya hindi ko nagawa ang plano namin.
"Daven! Tell me what happened!" natataranta niyang sigaw at hinawakan niya ako sa magkabila kong braso upang ipaharap ako sa kaniya. "Daven naman! Akala ko ba kakausapin mo siya tapos kapag nakausap mo na siya tsaka na ako papasok? Ano ba kasi ang nangyari?! Bakit umiiyak si Ayana kanina?!"
Ginawa ko naman talaga ang plano namin. Pumunta kami sa flower shop, nag-abang ako sa labas samantalang siya ay nag-abang mula sa malayo, tapos kinuha ko ang atensyon ng mga kasamahan ni Ayana sa flower shop para papuntahin kaagad si Ayana, tapos noong nakapunta na siya rito ay kinausap ko naman siya... kaya nga lang hindi ko nasabi sa kaniya ang pinakaimportanteng bagay na dapat kong sabihin sa kaniya.
"Ang hirap, Hazel," wala sa sarili kong bulong.
"Ha? Ano? Hindi kita marinig, ang hina ng boses mo," ani Hazel at inilapit ang kaniyang tenga sa akin.
"Ginawa ko naman ang lahat, Hazel, pero hindi ko talaga kaya," maluha luha kong sabi habang nakayuko pa rin.
"Ano ba kasi ang nangyari, Daven?!" muli niyang pag-uulit sa kaniyang katanungan kanina.
Iniangat ko ang aking ulo kasabay ng pagpatak ng mga luha sa aking mga mata. "Natatakot ako Hazel! Naunahan ako ng takot na baka hindi naman maniwala sa akin si Ayana kahit na wala pa naman akong sinasabi! Ang hirap, Hazel! Ang hirap niyang harapin lalo na't nagu-guilty ako na wala man lang akong ginawa noon, at nagagalit na rin ako sa sarili ko dahil hanggang ngayon ay wala pa rin akong ginawa!" tumatangis kong wika. "Sobrang sakit, Hazel! Sobrang sakit na naging ganoon na kababa ang tingin niya sa akin! Sobrang sakit kasi hanggang ngayon nasasaktan ko pa rin siya at hanggang ngayon ay wala pa rin akong nagagawa para sa kaniya!"
BINABASA MO ANG
The Fragrance of Love (Love Potion Series #2)
RomanceSome relationships end without a proper goodbye, and that's what happened between Daven and Ayana. Ayana Valdez is a florist who inherited her family's flower shop and a girl who's not been into romance ever since she broke up with her ex-boyfriend...