Chapter 26: Advice

4 0 0
                                    

Ayana's POV

"Saan ka na naman pupunta?"

"Paano kita hahayaan, Ayana?! Paano kita hahayaan kung hanggang ngayon ay nararamdaman ko na nasasaktan pa rin kita?! Paano?! Tapos aalis ka na naman?! Tatalikuran mo na naman ako tulad ng ginawa mo noon?!"

'Yan ang mga salitang kanina pa tumatakbo sa aking utak na tila ba isang sirang plaka na walang humpay sa pagsasalita sa aking utak.

Dumadagdag na rin ngayon ang hindi ko pa rin maintindihan na nararamdaman.

Nakakainis naman talaga! Ano ba ang problema ng isip at puso ko?!

"I hate you, Daven!" inis kong bulong at sinipa ang maliit na bato na nakaharang sa aking dadaanan.

Nakatingin sa akin ang bawat taong nadadaanan ko, nagtataka siguro sila kung bakit ang haggard na ng mukha ko kahit na maaga pa naman.

Sino ba naman kasi ang hindi magmumukhang haggard kapag umiyak ka nang todo todo, tingin ko nga parang pugad na rin ngayon ang buhok ko dahilsa gulo nito, hindi ko na kasi inaayos ang buhok ko sa tuwing nililipad ito ng hangin.

Hay, ni hindi ko na nga alam kung saan ba ako papunta, basta lakad lang ako nang lakad papunta sa kung saan man ako dalhin ng aking mga paa.

Uuwi talaga sana ako kanina, kaya nga lang ay ayaw ko namang makita ako ng pamilya ko na ganito ang aking itsura.

Habang naglalakad ay may nakakuha ng aking atensyon, at 'yon ay ang isang kulang dark violet na tent at ang karatula na nakalagay sa tabi nito.

"Open for fortune telling," basa ko sa nakasulat sa sign board. "Wala naman sigurong masama kung magpapahula ako ng kapalaran ko, at para na rin maging ready ako kung sakaling may mga kamalasan pa na darating sa buhay ko."

Pinunasan ko na ang aking pisnge gamit ang aking mga kamay. Pinunasan ko pa talaga kahit na natuyo na talaga ang mga luha ko kasi malay mo may napunta palang dumi sa mukha ko kanina.

Inayos ko na rin ang aking buhok habang naglalakad ako papalapit sa tent at nang makarating ako rito ay bahagya ko munang sinilip kung may tao ba sa loob nito.

Nakita ko naman ang isang babae na nakatalikod at nakaupo sa kaniyang upuan, at mayroon namang isang bolang kristal at mga tarot cards na nakalapag sa kaniyang lamesa. Punong puno rin ng mga dekorasyon ang bukana at loob ng kaniyang tent.

"Tuloy ka," wika ng babaeng nakaupo.

Hmmm... familiar ang boses n'ya ah! Hindi ko nga lang sure kung saan ko narinig ang boses na 'yon.

"Sige po, papasok na po ako," sabi ko naman at pumasok na sa loob ng kaniyang tent.

Nilibot ko ang aking paningin habang naglalakad ako papalapit sa kaniya.

May kadiliman ang loob ng tent at napakarami pala talagang palamuti sa loob ng tent niya! I wonder kung papaano niya liligpitin ang lahat ng ito kapag ililipat o aalisin niya na ang tent na ito. Sa pagkakatanda ko naman kasi ay wala naman ang tent na ito dati, kaya mukhang bago lang siya rito.

"Maupo ka," ani ng manghuhulang nakatalikod pa rin hanggang ngayon.

Sinunod ko naman ang sinabi niya at naupo ako sa upuan na nasa tapat niya at ng kaniyang lamesa. Bale ang lamesa niya ang nakalagay sa pagitan naming dalawa.

"How may I help you today?" tanong niya kasabay ng kaniyang pagharap sa akin.

Parehas naman na nanlaki ang aming mga mata nang makita namin ang isa't isa.

The Fragrance of Love (Love Potion Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon