Oneshot Story
A/N: Inspired by the movie Death Bell.
---------------Mey POV
"GO SEXY! GO SEXY! GO SEXY SEXY LO----acccckkk!"
"Wala. Alis. Panget. Ang lakas din naman ng loob mong mag-audition!" bulyaw ni Wang kay Miggi. Nakatingin lang kaming mga members ng cheering squad. Nagpa-audition kasi kami kasi last year na namin to dito kaya kelangan na ng mga bago.
"I just want to audition. Masama ba? Huhu. Lahat kayo ganyan. Lahat ng nasa cheering squad mga bully! Huhu."
"Eh ang kapal din kasi ng mukha mo. Ang panget mo kaya." kommento ni Ericka, kamember din namin.
"Yah right. And graduating ka na din kaya shooo." kommento din Rina.
"Hahaha no panget allowed here kaya! Cant you see? You're not nababagay or should i say, you're not our kalevel kaya. Hahaha." sabi pa ni Arlyce at nag apir sila ni Kaye.
"Guys guys guys. Tama na yan. Pwede naman natin syang paalisin nalang diba. Kung ayaw nyo sya. Next na tayo, hapon na oh." wika ko. Dalawa palang yung natatanggap namin out of 15 kaya dapat mag madali na kami.
"Tandaan nyo. Pagbabayaran nyo lahat ng ginawa nyong pambubully sakin. Sisiguraduhin kong dugo at pawis ang ibubuwis nyo bilang kabayaran. Tandaan nyo yan." then umalis na sya.
.
.
.
.
.
*kruu-kruu*
.
"Oh-kay? She's....creepy sometimes." nag-aalinlangang sabi ni Zanne.
"Creepy naman talaga yun. Para nga syang mangkukulam eh. At naiiba talaga sya sating lahat." ani Jade.
"Tsk. Ano na Wang?" tanong ko. Malapit na din kasing mag gabi kaya siguro kelangan na namin umuwi.
"Hays. Uwi na. Tomorrow 3:00 am sharp." sagot nya. At dahil sa sinabi nyang yun...todo reklamo naman sila.
'waahaat?! No way!'
'Ehhh maaga na naman tayo dito?'
'Wang naman. Wag naman parati!'
'Masyadong maaga!'
'Nakakatakot dito pag maaga!'
'Wang Wang Wang wag!'"Aish. Stop. Kelangan maaga tayo kasi may special event tayong sasalihan, kelangan nating magpractice. Tsaka last performance nayun. Basta 3:00am tomorrow sharp! Arasseo?"
Wala ng sumagot.
"Silence means yes. Tara na." pag-aaya ko.
Nagkanya kanya na kami ng uwi. Btw I'm Mey but you can call me Dyosa. I'm 17. Ass. Leader ng cheering squad. Si Wang yung Leader.
Teka. May kakaiba talaga kasi akong nararamdaman. Nagsimula to dun sa sinabi ni Miggi. What does she mean? Nabother ako bigala. Aish. Wag mo na isip Mey. Maaga pa kayo bukas.
.
.
Aish. Pero kasi eh. Oo na bully na kung bully. Di lang talaga namin feel yang si Miggi. Classmate namin sya. Kaya lang naman namin sya nabully kasi lapit sya ng lapit samin, gusto nya daw makipag kaibigan. Eh ayaw nga namin. Manamit palang, wala na. Para syang manang na mahilig sa black, tapos mga loosen shirts, matataas na palda, mahaba ang buhok buhaghag pa, masyadong pale ang skin, in short ang creepy nya. Geez. Ayoko na isipin nakakakilabot.