KENNETH's POV:
"Tama na yan Jay. Ang dami na nito oh" Sabi ko.
Kanina pa kasi kami palibot libot dito sa mall at lahat ata ng nagugustohan ng tokmol na to para sakin bibilhin nalang. Tas ngayon hito
kami ngayon sa chanel at pinakukuha niya ang medium na size ng t-shirt."Its okay. Sabi ko naman sayo babawi ako" sabi niya.
"Eh madami ka na ngang pinamili oh. Hindi na nga natin halos madala lahat." Reklamo ko.
Eh sa dami kasi ng shopping bags na bitbit namin. Hindi na namin alam kong paano pa namin bibitbitin ang lahat ng to.
"Dont worry. Dadalhin ko yan sa kotse pagkatapos nito.." natatawang saad nito.
Dumating naman ang sales lady, dala ang t-shirt na pinakuha ni Jay.
"Ito na ba lahat yon.?" Tanong ni Jay
"Opo Sir." Sabi ng Babaeng sales lady.
Kinuha naman ni Jay ang shopping bag. Akala ko aalis na kami. Pero nilapag muna iyon ni Jay.
"Jay, umalis na tayo." Sabi ko.
Bitbit ko ang ilang shopping bags.
"Teka lang, may nakita kasi ako ditong maganda eh." Sabi nito.
At pumunta siya sa mga heels na nakahilira. Kinuha niya ang kulay brown na high heel at sinuri iyon.
"Lika dito. Sukat mo kong kasya sayo" sabi ni Jay.
Napakunot ang noo ko.
"Ano na naman ba yan. Akala ko ba aalis na tayo.." reklamo ko.
Natawa naman si Jay. Maging ang saleslady ay natutuwa pa ata saamin ni Jay. The F.
"Last na to promise.." saad nito.
Pinaupo niya ako.
"Ano size mo?" Tanong niya saakin.
"Size Eight. Last na yan ah.." pahabol ko.
Ngumiti naman si Jay.
"Ms. Size eight nga nito.." sabi ni Jay sa babae.
"Sir, size eight na po yan." Nakangiting saad ng babae.
"Good, pakikuha nalang ng pares niya. Thank you." Sabi ni Jay.
Agad namang tumalima ang babae.
Lumuhod naman sa harap ko si Jay. Tinanggal niya ang heels na soot ko. Tas sinoot niya ang heels na napili niya.
"Oh diba bagay sayo. Ang ganda ng paa mo ah.." sabi nito.
Tiningnan ko ang isinoot niya. Maganda naman sya. Kahig ganun ang kulay niya maganda siya dahil medyo kumikinang ito. Lalo na siguro pag gabi at natamaan ng ilaw, maganda rin amh pagkakadesinyo nito.
Pero masyado yatang mataas ang isang to. Baka mag ika-ika na ako nito maglakad.
"Sir ito na po yung pares ng napili niyo." Sabi ng babae.
Tinanggal ko naman ang heels na sinukat ko at ibinigay ko kay Jay. Para mabayaran na at ng makaalis na kami dito.
At habang binabayaran ni Jay ang mga pinamili niya. Biglang nagtanong ang cashier. Nakaupo lang kasi ako dito sa tabi pero rinig ko ang usapan nila.
"Sir girlfriend niyo po ba ang kasama niyo." Sabi ng cashier.
Napalingon ako sa sinabi ng babae. Aba't dakilang chismosa din ang isang to.
Natawa si Jay ng bahagya.
"Hindi pa." Nakangiti sabi ng loko.
Anong hindi pa. Tokmol na to.
BINABASA MO ANG
She's A Man
Rastgeleѕα mundσng αtíng kínαgαgαlαwαn αt mαgíng αng αtíng вuhαч, ítσ αч nαвαвαlσt ng kαѕíчαhαn αt mgα mαpαg pαnggαp nα mgα tασ. híndí pαrα mαg tαgσ dαhíl ѕα nαg kαѕαlα. kundí sa tαkσt. ѕα вαwαt αrαw nα nαg dαrααn mαч mgα вαgαч nα вαѕtα-вαѕtα nαlαng nαngчα...