8
"Hon, bakit kanina mo pang hindi sinasagot yung tawag ko?"
"My phone's on my bag and I am driving.."
"Saan ka na naman pupunta?"
"Wag na ngang maraming tanong, Jc, please?"
Pangatlong araw ko na pero wala pa kaming matinong pag-uusap. Kung may pupuntahan, tulog naman, kung hindi naman tulog, lalabas.
"Ok. Just drive safe, hon. And I miss you.."
"Really? Namimiss mo na ako?" may tono ng paglalambing. Napapangiti tuloy ako.
Bahagya akong tumawa at saka humiga sa aking kama. Regalo ni kuya 'tong unit ko na 'to nung tinanggap kong magtrabaho sa club nya noon. Magulo at makalat ngayon dito kasi wala akong time para maglinis, kailangan kong magmix ng mga bagong beat at syempre matulog.
"Sige na, hon. I need to end this na.. Magpahinga ka na. I love you, Jaustin."
Nakangiti kong ipinikit ang mga mata ko upang matulog.
Naalimpungatan lamang ako at napatingin sa orasan dahil sa tawag.
"Oh, hon. You're home na?" pagtatanong ko.
"Nandito ako sa harap ng Legacy Hotel.."
Kailan pa nagkaroon ng Legacy Hotel sa SQ?
"Wait.. Nasaan ka ulit? Dapat ay nasa SQ Realty ka na, ah?"
"Legacy Hotel, naka-park yung sasakyan ko sa mismong harap ng Club Anthem, hon, nasaan ka ba?"
"Sht!" agad akong napabangon sa pagkakahiga at tumayo. "Hintayin mo ako dyan, hon. Pababa na ako!"
Ni hindi ko na tinignan sa salamin kung ok pa ba akong tignan. Pagkalabas ko sa lobby ay agad kong tinungo ang labas at nakita ang red na Accent kong sasakyan na pinagagamit ko sa kanya.
Lumapit ako doon at binuksan ang driver's seat tapos tiningala nya ako. Nakangiti sya kahit mukhang pagod kaya napangiti na rin ako. Kinalas nya ang kanyang seatbelt at saka binigyan ko sya ng konting space para makababa sya.
"Sorry, hon. I drove many hours para makita ka. Namimiss na kasi talaga kita.." mangiyak-ngiyak na nitong sabi sakin.
Humakbang ako para mayakap sya. " You made it.. You made it for me, Aleina. Nakatungtong ka ng Baguio hindi dahil sa memories nyo ni Allen kundi dahil mahal mo ako.. Thank you, hon."
I held her nape and kissed her. How I missed her lips..
BINABASA MO ANG
Mistress Turned into Wife ( Mistress Series Part 2 )
RomanceMistress Series Part 1 : The 17-Year-Old Mistress -- Date started: APRIL 26, '15 Date finished: AUGUST 26, '15 -- Dati nagtanong ako kung gaano ba kasakit ang maging pangalawa ka lang sa taong mahal mo.. Ngayon, siya naman ang nagtatanong nito sa ak...