Bumalik ako sa realidad ng may mag-tawag sa pangalan ko. Hindi ko alam kung ilang minuto akong tulala at pag-buntong-hininga na naman ang tangi kong nagawa.
'Hindi maganda 'to, spacing out na naman Luna tumigil ka!'
Kada-umaga nangyayari sa akin ito ngunit ngayon hindi ko mawari kung normal pa ba.
"Ate ayos ka lang?, upo ka muna ako na kukuha ng pagkain mo." Tumango nalang ako kahit alam ko namang hindi ko siya gaanong narinig.
Last month nangyare na naman to, baka masyado lang akong nag-iisip ng mga bagay-bagay.
"Ate oh, kain ka ng marami," inabot na sa'kin ni Irish ang pagkain ko at ng makuha ko iyon hinagod niya ang likod ko at sinabing gumiti na ulit ako. Hindi ko alam pero gustong tumulo ng mga luha ko subalit pinigilan ko.
'Kailanma'y hindi na ako mag-titiwala, laging nasisira eh. Mag-kwekwento ako tapos iiwan din naman nila ako. Cycle lang, nakakapagod.'
Mapait akong napangiti ng mapagtanto kung gaano ako nahirapan, buong buhay ko ni minsan hindi ko naramdamang malaya ako. Tanging ang buwan ang saksi ng aking pag-iyak. Saksi ang kalawakan sa kung paano ko minsang hiniling na tama na.
Natapos ang araw na yon na sinubukan kong ngumiti, maingay pa din ako pero alam ko sa sarili kong hindi ako naging totoo sa mga oras na yon.
"Huy! Ayos ka lang" Tanong ni Klang, isa sa mga delegado. Cute siya sa tawa pa lang niya sure na masasama ka.
"Naman! ako lang to!" Natatawang sagot ko pero tinitigan lang niya ako.
"Wag kang magsinungaling halatang hindi ka okay," Nakangising saad niya bigla. Kinabahan ako pero kailangan ma-convince ko siyang ayos lang talaga ako.
"Nahihilo lang kanina," I lied. Spacing out pwede pa.
"Alla, mag-pahinga ka muna kasi," Nahimigan ko sa boses niya ang pag-aalala pero ngumiti lang ulit ako at umiling.
"Ayos lang ako!" Natatawang saad ko, nang makita siyang ngumiti napanatag na ako dahil mukang nakumbinsi ko na siya.
"Magaoay dito!" Napatigil ako ng maranig ang apelyidong yon, nakaramdam ako ng tuwa! andito ang isa sa mga kaibigan ko.
"Huy!" Sigaw ko ng makita siya at nakipag-appear.
"Ba't ka narito?" Pasiring na sagot ko,
"Runner ako baliw," Nakangiting sagot niya. Nakaka-tuwa naman kahit kailan hindi ko pa 'to nakitang sumimangot. Nagpaalam na rin siya matapos non at titignan ang mga kasama niya.
"Sij, tara kain!" Boses ni Jp isa rin sa mga kaibigan ko. Sabi na iyon ang pangalan niya! Sij, ano ba naman ba't ngayon ko lang naalala.
I tried to get along with them since ganon naman dapat talaga. Nakipagbiruan, Nakipagtawanan. Sa oras na yon nasilayan kong muli ang buwan. Lumayo ako sakanila saglit upang mas mapagmasdan ko ang buwan. At ng makita iyon pumikit ulit ako at sinabing,
' Maaari bang maging payapa kahit saglit lang?, maaari ko bang maramdaman na hindi ako mag-isa kahit sandali lang?'
Nung oras na yon tuluyang bumagsak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
Gusto kong sumigaw, gusto kong iiyak lahat. Hindi ko alam kung saan nagsisimula ang lungkot na nararamdaman ko. Hindi ako okay, iyon lang ang alam ko sa mga oras na 'to.
Pasimple kong pinunasan ang mga luha ko, humingang malalim atsaka sinubukang ngumiti. Ngumiti sa buwan na may taglay na liwanag na nagsasabing kaya ko 'to.
Ngunit ganoon nalang ulit ang lungkot ko ng makita ko ulit ang mga matang walang lakas upang magsalita. Muli ko siyang pinagmasdan.
'Ganito rin ba ako?, Anong ginawa nila sakaniya? '
Natagpuan ko nalang ulit ang sarili kong nakikipag-kwentuhan sakanila, kasama ko pa rin si Irish syempre, hindi siya pwedeng mawala. Having her is kinda comforting.
Tumatawa ako sa mga biruan nila, ang cute nilang tignan. Lights off na pero dahil nga nais namin mag-kape naiwan kami sa labas at sumakto naman na narito sila kaya napasali na din kami sa tawanan nila.
Nagtama ang mga tingin namin at hindi ko alam kung bakit ang bigat nito sa pakiramdam.
"Ano ay kuya!" Sinubukan kong maging masaya, nagawa ko naman. Nakita ko kung paano kumalma ang mga mata niya.
"Ano ay?" Nakangiting saad niya. Makulit siya, laging tumatawa. Pero may tanong na naglalaro sa aking isipan.
'Alam nga ba niya ang halaga niya?'
Nalulunod na siya pero pinipili niyang tumawa para sa mga taong nasa paligid niya. Sa kabila ng ngiting iyon ay ang lungkot na hindi niya masabi. Kung gaano kasinungaling ang kaniyang ngiti sa kaniyang mga mata makikita ang sakiit.
"Ayos lang, Kuya." Nakangiting saad ko. Nagpatuloy kami sa tawanan hanggang sa dumating ang oras na hindi ko inaasahan.
Niyakap niya ako, at nakakat'wang naramdaman ko kung gaano kabigat ang dinadala niya. Ayaw ko mang tugunan ang yakap na iyon, pero tila ba may isip ang aking mga kamay.
Yakap pabalik, bakit parang may mali? Bakit parang nakaramdam ako ng kapayapaan? Ang pag-yakap pabalik ang tangi kong naibigay sapagkat iyon lang ang nakikita kong tama ngayon. Ilang minutong nakayakap at mukang nahanap na niya ang kalayaan.
Nang siya'y kumalas sa yakap akala ko dun na iyon matatapos subalit niyakap niya akong muli mula sa aking likuran. Hinayaan ko siya sapagkat naramdaman ko na sa oras na iyon nais niyang makalaya sa kung ano man ang pinagdaraanan niya.
Naramdaman ko kung paanong gumaan ang kaniyang pakiramdam. At ng kumawala na siyang tuluyan, muli kong tinitigan ang kaniyang mga mata.
'Masaya ako, kahit papaano nabawasan ang iyong kalungkutan.'
Hindi ko mapigilang ngumiti dahil nakita ko na napawi ang ilang sakit, mas masaya na siyang pag-masdan ngayon kesa kanina.
Hindi ko alam kung para saan ang mga kaganapang ito ngunit totoong masaya ako dahil may isang tao na namang ngumiti dahil sa presensya ko.
Maaaring pagod na pagod siya subalit mababasa mo sa kaniyang mga mata kung gaano siya katatag. Nakaka-proud siya, minsan kaya may nakinig na sa mga hinaing niya? Kasi kung wala kawawa naman sila dahil hindi nila nasaksihan ang totoong ngiti na nagmumula sa mga labi niya.
Hindi ko alam kung ano ang papel ko sa buhay niya at ganon din siya sa buhay ko pero ngayon isa lng ang masasabi ko, hindi ko na kailangang tumakbo dahil gaya ni Kuya kailangan ko lang ilabas lahat ng sakit. Hindi ko alam kung anong papel niya sa buhay ko, pero sa sandaling iyon naramdaman kong malaya ako.
'Kung tayo ay nag-tagpo upang itakas ang isa't-isa sa masakit na reyalidad, paano?.'
Hindi ko alam kung ano ang plano ng Panginoon, pero sa sandaling ito masasabi kong kakampi niya ako, kakampi ako ni Kuya.
' Ang mahalaga ay ang makita siyang maging masaya at malaya.'
----------------------------------
Late night update para sa OLN, kung gaya ka rin ni Luna at Sij na naghahanap ng kapayapaan tumingala ka lamang sa alapaap at alalahanin mo ang Maykapal, siya ang gawin mong sandigan.
Your feelings are valid so choose to live your life the way it was written.
Remember that you are valued and loved.
Good night my Stars! You will be healed soon!
I love you guys <3 Trust the process.Always,
~Luna~
BINABASA MO ANG
One Last Night
Non-FictionHindi kailanman naging madali ang magmahal subalit sa kabila ng mundong walang kasiguraduhan, Kaya mo bang sumugal? Dalawang pusong sugatan, Dalawang taong nais ang kalayaan, Dalawang pusong naghahanap ng kasagutan, Dalawang puso'y nagtagpo sa panah...