Prologue

1 1 0
                                    

Sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko... hindi ko lang ito nararamdaman. Naririnig ko sa sobrang lakas.

Yung paligid ay nababalutan ng black-white na piltro. Kung nasa hollywood movie ito ay marami na ang namangha. Pero ako? Sobra ang kaba ko.

Nang lamunin nito kanina lang ang paligid ng ganitong kulay ay napuno ako ng pagtataka. Milagro!

Halos hindi ako makahinga sa kaba... dahil ako lang ang tanging may kakayahang gumalaw.

Tila tumigil ang oras. Hindi pala tila. Tumigil talaga ito maging ang mga taong naglalakad!

Naramdaman kong may papalapit. Paglingon ko ay nanlaki ang mga mata ko. Hindi ako makapaniwalang sa buong buhay ko ay makakasaksi ako ng kahindik-hindik na pangyayari.

"I-ikaw! Ikaw ang luminlang sa kaibigan ko!" Sinugod ko ang lalaking nakasumbrero ng itim. Hindi ko matukoy kung itim ba talaga ang kulay o ano dahil nakalimutan ko na kung ano ang kulay ng paligid dahil black and white na ito.

Malapit ko nang mahuli... pero biglang naglaho ito. Sa isang iglap ay nasa likuran ko na ito at nakahawak sa balakang ko.

"Isn't this sweet?" Aniya na may mapaglarong labi. Siniko ko ito sa kaniyang t'yan. Dumuling ang mga mata nito marahil ay napaimpit sa sakit.

"Run if you can." Tatakbo na sana ako ngunit tila nahipnotismo ang katawan ko na kagagawan ng lalakeng nasa likuran ko.

"Stop using magic on me!" Reklamo ko. Sasabog ako sa inis anumang oras.

"Just-"

"Oo! Papayag na ako sa plano mo. Just don't harm anyone here!"

"I promise, but I don't include you." Napaawang ang labi ko.

Unbelievable!

"Paparating na sila. You need to enter at that huge thing." Ngayon ay halos malagutan ako ng hininga. Nanlaki ang mga mata ko nang makakita ng buhawi!

Pilyong ngumiti ang misteryong lalakeng nasa tabi ko. Kinumpas nito ang tungkod.

Magician. Siya ang nasa Art of Magic at ngayon ay naniniwala na akong hindi lang babae ang bruha.

Napunong muli ang pagtataka ko. Ang napakalaking buwahi ngunit hindi tinangay ang mga taong nanigas na sa kinatatayuan maging ang mga bahay ay hindi ito nadamay.

Maging kami lang. Hinahangin ang buhok ko. Habang papalapit ang buhawi ay gusto kong magtakbo ngunit under control pa rin ako sa mahika na likha ng lalake.

Damn! Gusto kong magmura pero pinigilan ko ang sarili. Namataan ko ang isang baka na nililipad.

"MOOO!" Umaatungal ito at hindi na maawat ang pagtakbo nito hanggang sa hinigop siya ng bugawi.

"Iuuwi ko ang b-baka." Pagsasalita ng lalake na animo'y nahihiya.

"Ha! Sa kabila nang lahat ay nahiya ka pa. Kunin mo na lahat ang baka sa mundo at iwan mo ako!" Tumawa nang pagak ang lalake.

"I'm not yet satisfied. I wan't to see your reaction if the whirlwind absorb us."

"AHHHH!!!" Pumikit ang mga mata ko. Humalakhak ito.

"Interesting." Hindi pa pala ako hinigop. Pero ito na ang totoo. Unti-unti kaming hinigop ng buhawi.

"ASSHOLE!" Gusto kong umiyak dahil sa inis pero lalo akong nainis nang tumawa nang tumawa ito. Prente itong sinalubong ang loob ng buhawi.

"Ugh! Parang Wizard of OZ!" Naalala ko ang panood na iyon. Bumilis ulit ang tibok ng puso ko.

Hindi pwede... hindi!

Baka may mga nilalang na nakakatakot. Mukha pa lang ng lalake ay gusto ko nang tumakbo sa hukay.

"Pagbabayaran mo ang lahat ng ito. Fuck you!" I raised my middle finger woth full of anger. Kung hindi lang black and white ang kulay ng paligid ay kitang-kita na ang pamumula sa galit ko.

"Yes, fuck me." Lumabas ang puting ngipin nito. Kung nahihiram lang ang ngipin ng iba iba ay ginawa ko na. Naingit ako dahil perpekto ang ngipin ng lalake.

Yung pakiramdam na gusto mong bumawi dahil sa inis. Lahat-lahat pati luha mo na gusto mong ilabas pero hindi mo magawa. The feeling is intense right now!

Pakiramdam ko ay namutla ako nang tumigil sa pag-ikot ang buhawi. Hilong-hilo ako pero tuluyang bumagsak ang katawan ko sa sahig. Tumama ang pwit ko sa isang saganang hill.

The views were totally green. Ang lupa ay hindi kayumanggi ang kulay. Ginto! Shit. This is incredible.

"Babalik ka pa ba?" Umawang ang labi ko sa pagkamangha.

"Ang ganda..." I uttered.

"We're now in the home of Warlocks."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 04, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

WARLOCKSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon