Ayana's POV
"Basta ang payo ko lang sa'yo ngayon, give them a chance and listen to them; heal your heart too."
'Yan ang kanina pang laman ng aking isipan. Hindi na nga rin ako nakapasok sa trabaho at hindi na rin ako nakakain ng kahit anong pagkain ngayong araw sa sobra kong daming iniisip at isa na doon ang sinabi ni Madam Divina kanina.
"Hay! Sana talaga hindi ako isumbong ni Rose!" wika ko habang naglalakad pauwi.
Nagpaalam kasi ako kanina kay Rose na hindi muna ako makakapunta o makakapagtrabaho ngayon sa flower shop, sinabi ko rin na 'wag niyang sabihin sa mga magulang ko na hindi ako nagtrabaho ngayon, pumayag naman siya. Sana lang talaga ay panindigan niya ang sinabi niya na hindi ako isusumbong.
"Gutom na ako," reklamo ko nang marinig at maramdaman ko ang pagkulo ng aking tyan.
Sino ba naman kasi ang hindi magugutom kapag hindi ka kumain sa loob ng buong araw?
Pero sa totoo lang talaga ngayon lang ako nakaramdam ng pagkagutom, ang dami ko kasi talagang iniisip kanina, plus wala pa ako sa sarili ko kanina, biruin n'yo naglakad ako nang naglakad hanggang sa hindi ko namalayan na napunta na pala ako sa may beach, kaya ayun, doon na ako nag muni muni kanina.
Pakiramdam ko nga papayat na ako ngayon, puro lang kasi lakad ang ginawa ko ngayong araw.
"Hay! Teka lang! Heto na!" inis kong bulong sa aking sarili at mas binilisan ang paglalakad nang muli kong maramdaman ang pagkulo ng aking tyan.
Natatanaw ko naman na ang bahay namin mula sa kinatatayuan ko ngayon, kaya nga lang ay may umagaw sa aking atensyon.
May isang babae na nakakulay puting hoodie ang nakatayo sa tapat ng isang poste ng ilaw na ilang hakbang lang mula sa aming bahay. Nakabulsa ang kaniyang mga kamay at nakayuko siya kaya hindi ko makita ang kaniyang mukha, idagdag pa natin ang mahaba niyang buhok na nagtatakip din sa kaniyang mukha.
"Wala naman sigurong masasamang loob ang nagsusuot ng kulay puting hoodie 'di ba?" bulong ko sa aking sarili upang maiwasan ang mangamba.
Ang weird lang kasi, tsaka parang iba ang feeling ko sa kaniya, pero at the same time parang familiar siya, hindi ko nga lang alam kung saan ko ba siya nakita.
Buong tapang na lamang akong naglakad, dumistansya rin ako at nagkunwaring hindi ko siya nakikita nang papalapit na ako sa kaniya.
Hindi naman siguro ako aanuhin no'n 'di ba? Tsaka kapag sinaktan niya ako sisigaw na lang ako para marinig ng pamilya at mga kapitbahay namin.
"Ayana!" wika ng isang babae kasabay ng paghawak niya sa aking braso.
"Anak ng!" Agad naman akong napasigaw at napaatras nang dahil sa kaniyang ginawa. Rinig na rinig ko na rin ang napakalakas na pagkabog ng aking dibdib.
Tinakpan naman niya ang aking bibig at kitang kita ko rin ang gulat sa kaniyang mga mata.
Nanlaki rin ang aking mga mata nang mapagtanto ko kung sino siya.
BINABASA MO ANG
The Fragrance of Love (Love Potion Series #2)
RomanceSome relationships end without a proper goodbye, and that's what happened between Daven and Ayana. Ayana Valdez is a florist who inherited her family's flower shop and a girl who's not been into romance ever since she broke up with her ex-boyfriend...