The Story

55 5 8
                                    

"Mommy, gumising ka. Please Mommy."

"Lance, ingatan mo ang kapatid mo. Mahalin mo si Leila."

"Mommy, please wag kang mamatay. Paano kami ni Lei? Mommy please."

"Anak, wag mong pabayan si Leila. Hanapin niyo ang Daddy niyo. Mahal na mahal ko kayo."

Binitawan na ni Mommy ang kamay ko. Tumakbo na kami palayo sa malapit ng masunog na sasakyan kasama si Mommy.

"Mommy!"

"Lance, tama na yan. Patay na ang Mommy mo."

"Daddy, hindi ka man lang ba iiyak? Hindi mo ba mahal si Mommy? Ang sama mo!"

"Lance, si Sandra na ang bago niyong mommy. Galangin niyo siya."

"Ayoko. Gusto ko si Mommy."

"Lance! Wala na ang mommy mo! Siya na ang mag-aalaga sa inyo ni Leila."

"Dominic ako na lang kaausap sa anak mo."

"Sige. Doon lang ako sa sasakyan."

Nakatingin lang ako sa puntod ng kakalibing ko pa lang na ina.

"Lance, ako na ang bago mong Mommy. Kailangan mong tanggapin yun. Wala ka naman ibang matatakbuhan kundi kami eh."

"Ayoko sayo. Masama ka. Dahil sa iyo nawala si Mommy."

"Lance, I am sorry kung nawala Mommy mo pero wala na tayong magagawa. Mamili ka, sasama ka o kukunin namin si Leila sayo. Walabka namang ipangbubuhay sa kapatid mo."

Tumawa ang babae na parang wala ng bukas.

"Kuya Lance!"

Nagising ako sa masama kong panaginip. Sumigaw kasi ang kapatid ko.

"Gising na Kuya. Late na ako oh."

"Gising na ako."

Lagi na lang ganoon ang panaginip ko. Masakit pa rin na wala na si Mommy at may ibang pamilya na ang magaling kong ama.

Pinangako ko sa sarili ko na hindi na ako hihingi ng tulong sa magaling kong ama.

Wala siyang kwenta. Hinayaan niya kaming palayasin ng magaling kong madrasta.

Pabigat lang daw kami ng kapatid ko. Kaya, ngayon mag-isa ko siyang binubuhay.

Gabi-gabi sumasali ako sa gang war. Kapag nanalo may pera akong maiiuwi. Kapag talo, dumedelihensya ako kung saan-saan.

"Kuya, May pasa ka na naman. Ano ba yan? Nakipag-away ka na naman?"

"Ok lang ako. Kamusta pag-aaral mo?"

"Ok naman po. Kasali ako sa quiz bee."

"Magaling yan. Ipagpatuloy mo lang."

"Kuya, pumunta si Daddy dito kagabi."

"Ano?!"

"Dumalaw lang. Kuya naman. Ama pa rin natin siya."

"Kahit na. Inabondona na niya tayo. Hahanap na tayo ng bagong matutuluyan."

"Kuya, hindi natin kayang magtago na lang palagi."

"Leila, hindi na natin siya kailangan. Para saan pang makikita natin siya?"

"Kuya naman. Grade 4 na ako. Bukas makalawa high school na. Kaya mo pa ba akong pag-aralin? Magcocollege ka na."

"Kaya ko. Kakayanin. Kaya magbihis ka na. Hatid na kita sa school."

Fourteen DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon