Ayana's POV
Hindi ko alam kung naging bato na ba ang puso ko dahil hindi ko man lang nagawang mag-react ng todo sa mga sinabi at naging rebelasyon ni Hazel sa mga tunay na nangyari, o baka sadyang mataas lang talaga ang pride ko at hindi ko matanggap na may pagkakamali rin ako dahil kailan man ay hindi ko pinakinggan si Daven sa tuwing sinusubukan niyang ipaliwanag ang side niya.
Hindi ko man sigurado kung nagsasabi ba ng totoo si Hazel pero sigurado naman akong genuine ang paghingi niya ng tawad sa akin.
Mataas kasi ang pride ni Hazel at never ko pa rin siyang narinig o nakitang humingi ng tawad sa kahit na sino, never ko pa rin siyang nakitang umiyak at nagsisi sa kaniyang ginawang mali kaya sigurado ako na genuine siya at kung hindi man genuine ang paghingi niya ng tawad ay sasabihan ko talaga siya na mag audition bilang isang artista.
"Hay." Napabuntong-hininga ako nang makarating na ako sa tapat ng coffee shop ni Daven.
I guess I really have to listen to his side to fix what's broken inside.
Alam kong kahit na anong gawin namin ngayon ay hinding hindi na namin maibabalik ang oras, pero sigurado naman ako na gagamutin nito ang mga sugatan naming puso.
Nilunok ko ang aking pride kasabay ng pagbukas ko sa glass door ng coffee shop.
"Welcome!" bati ng mga staffs ni Daven na nakalimutan ko na ang mga pangalan.
Pamilyar silang dalawa sa akin dahil dati ko pa sila nakikita rito, kaya nga lang ay hindi ko na talaga matandaan ang kanilang mga pangalan.
Nginitian ko na lamang sila at natigilan naman sila nang makilala nila kung sino ako.
"Nasaan si Daven? Nasaan ang boss ninyo?" tanong ko sa kanila na hanggang ngayon ay tulala pa rin.
Binasa ko naman ang kanilang mga pangalan sa kanilang name tag.
Aha! Troy at Tanya! Sila nga ang kasama at katulong ni Daven sa pagmamanage ng café na ito!
"A-Ah..."
Hindi naman silang dalawa makasagot sa akin at tila ba gulat na gulat pa rin sila na makita ako rito.
"Ayana?" tawag ng isang lalaki mula sa aking likod.
Napalingon naman ako at nakita ko si Daven na nakatayo sa aking likod. Nakasuot siya ng apron at may hawak siyang isang tray. Hindi naman maitago ng kaniyang salamin ang mga eye bags niyang may kalaliman pati na rin ang kaniyang mga mata na mukhang pagod kakaiyak.
Mukhang tama nga si Hazel... Daven is suffering too.
"Can we talk?" I asked which made him shocked.
"A-Ah! S-Sure!" natataranta niyang sabi at agad na inilapag ang tray sa counter.
May sinenyas din siyang kung ano kayna Troy at Tanya bago niya ako inayang umupo sa pinakalikod na parte ng kaniyang café.
"Sigla pa rin ng coffee shop mo ah?" mangha kong sabi kasabay ng pag-upo ko sa upuang nasa tapat ng kaniyang kinauupuan.
Medyo magaan na ngayon ang aking loob sa kaniya dahil sa mga sinabi ni Hazel. Alam kong hindi ako 100% sure kung legit nga ba talaga ang mga sinabi ni Hazel, pero handa ko naman 'yon panghawakan sa ngayon.
Bakas ang pagtataka sa mukha ni Daven ngayon, marahil ay nagtataka siguro siya kung bakit ang gaan gaan ng pakikitungo ko sa kaniya eh kaninang umaga lang ay para aking dragon sa harap niya.
"Ano nga pala ang gusto mong pag-usapan natin?" tanong niya sa akin.
Bago pa man ako makapagsalita ay biglang dumating si Troy at naglapag ng dalawang tasang kape sa aming harap.
BINABASA MO ANG
The Fragrance of Love (Love Potion Series #2)
Lãng mạnSome relationships end without a proper goodbye, and that's what happened between Daven and Ayana. Ayana Valdez is a florist who inherited her family's flower shop and a girl who's not been into romance ever since she broke up with her ex-boyfriend...