V

7 1 0
                                    

Elyza's POV

"Class dismissed."

I immediately fix my things and stood up when the adviser said that. Nagdiretso ako sa building nila Jasmine dahil sabay kaming uuwi for her birthday. Sabi ni Mommy ay magpaparty daw siya sa resort namin sa Rizal to celebrate her birthday. I invited some of her friends, and classmates to join the party. Jasmine is so excited about that, she jump to me when she saw me outside their room.

"Let's go na?" She said excitedly.

I just nod and get my puyod to tie her hair. She's jumping while we're walking sa hall, she's like a kid. She almost tripped because of running that's why I just held her hand until we got into the parking lot.

"Dadaan muna tayo sa condo ko, ok?  Papalit tayo ng damit." Ani ko.

Tumango lang siya at patuloy na kumain ng fries. Pinagpalit ko lang siya ng damit at nagderetso kami sa Resort para magcelebrate, medyo pagabi na ng makarating kami pero ayus lang dahil night party naman siya. Madami ang tao sa loob kaya mas lalong lumawak ang ngiti sa labi ni Jasmine.

"Thank you for this party, Tita!" Salubong niya kay mommy ng makita niya ito. Humalik lang si Mommy sa noo niya at ngumiti. Nakipagbeso lang rin ako at hinayaan na sila.

Naupo ako sa gilid ng pool at nilublub ang paa ko. Nagbabasa ako ng libro tungkol sa law dahil may recitation kami next week so I really need to study. Di ako natawag last week so there's a possibility na ako matawag. Dapat prepared. 

"Busy?" napalingon ako sa nagsalita. 

"Kinda." sagot ko at bumalik sa pagbabasa. Naupo siya sa tabi ko inilublob rin ang paa niya sa tubig. Ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso ko. Yza, stop please!

"Oh, too busy to follow me back?" tanong niya habang deretso lang ang tingin. May hawak pa siyang bote ng wine.  

Lumingon ako sa kaniya at magsasalita sana. Napatigil ako sa hitsura niya, he's kinda drunk na ata but he's hot. Seryoso ang mga mata niya, galit ba siya? Hindi naman sa'kin diba?

"Too busy to use my phone." I corrected him. 

Pero joke lang yun, meron ako time mag phone, di man ganon kahaba pero may time. Ayoko lang na ifollow siya pabalik, nakakahiya.

"But not busy to view my brother's story, huh?" sa kawalan parin siya nakatingin habang lumalagok ng iniinom niya. "Do you like him?" 

Napalunok ako ng tumingin siya sa'kin, namamag-asa mga mata niya pero parang naiinis rin. 

What the hell is wrong with him? Eto nga, o. Ambilis ng tibok ng puso ko, tumabi palang siya. Tapos tatanungin ako ng ganiyan? Are you for real dude?

"I don't have time for that like-like, Mayor." natatawa kong sabi. Pampaalis awkwardness. 

"Are you attracted to Simon?" tanong niya pa ulit. Wala ngang time bat ba makulit?

"Yo-" naputol ako ng dumating nga si Simon. 

"Yow, Attorney." naupo rin siya sa tabi ko at nakisilip pa sa librong binabasa ko. 

Napalingon kami ng sabay kay Sandro ng tumayo siya at inihagis ang bote sa gilid ng puno. Napatingin rin ang ilang nakarinig ng pagkabasag ng bote pero wala siyang pakialam at nagderetso sa loob ng parang cottage. 

"Problema ng Kuya mo?" tanong ko kay Simon, nakasunod lang ang tingin kay anino ni Sandro. 

"Ewan ko, pero anlaki ng sama ng loob niya sa'kin. Wala naman akong ginagawa." sagot niya sakin. 

His Hidden WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon