Chapter 10

8 0 0
                                    

Pagkatapos naming maligpit lahat ng kinalat namin sa backyard ay diretso na kami sa aming mga kwarto. Since di pa naman kami magasawa ni Drew, may sari-sarili kaming kwarto dito.

Pero usually ayaw ni John na magisa siya sa kwarto niya kaya ako ang kasama niya sa pagtulog.

Minsan naman umeepal si Drew at nakikisawsaw... Tumatabi din siya pag naiinggit siya katulad nalang ngayon na nauna ng nakahiga sa kama.

Kakalabas ko lang ng banyo at ito ang madadatnan ko? XD Ang saya nga naman tignan... Magkayakap pa yung dalawa habang natutulog. Ang sweet sweet nilang magkapatid. Mukha silang mag-ama. Sabagay, magkamukha naman sila...

Humiga na ako sa tabi ni John. May malawak na espasyo sa gilid niya at alam kong para sa akin yun... Pinagtatalunan kasi nila kanina kung saan ako hihiga eh kama ko naman yun.. Sila pa talaga ang nagdedesisyon kung sino ang dapat kong katabi.

Gusto ni Drew, magkatabi kami pero ayaw ni John haha.. Gusto ni John, dun ako sa tabi niya. Gusto niya daw kasing katabi si mommy niya.

Wala siyang panalo kay John... Bata kasi ehh xD haha

Pagkalagay ko ng kumot sa magkapatid, naramdaman kong may humawak sa kamay ko..

"Ayy. Pusang gala!" Nabulong ko ng pabigla. Si Drew pala yun, dilat ang mga mata. Nakangiti naman siya ng malawak. Hinayupak na yan. Kala ko tulog na XD haha

"You've never changed.. hehe" tawa niya na medyo mamalat kasi kakagising niya lang.

"Bakit naman ako magbabago? Ganito ako eh... Nga pala, alam mo ba na uuwi tayo ng Pinas?" Iniba ko usapan.. Para kasing malalim patutunguhan nun eh...

"Mmm.. I know" sagot niya

"Wow... Bakit di ko alam yun? Naglilihim ka ah... Ang bad mo..." sinabi ko na medyo nakasimangot... Alam pala nila eh. Samantalang ako, hindi??

" It was supposed to be a surprise.. Nagtatampo ka ba?" tanong niya... Hindi ba halata? Grabe to itatanong pa eh kita naman. Hindi ako umimik. Nakatingala lang ako sa kisame...

"Well, it was a surprise... I shouldn't and couldn't tell you that..."

"Dont talk to me." maarte kong sinabi.

"Why not? You're my girl" pasweet niyang sinabi.

"Che. Matulog ka na!" sabay talukbong ng comforter na kumot... Ewan ko ba kung bakit ako ganito. Laging iretable yung mood ko pag nagtatampo ako. Ayoko ng ganitong feeling.

"I love you..." ito ang huli niyang binanggit at wala ng sumunod pa.

Nakaramdam ako ng parang may gumalaw sa kama. Umalis ata si Drew. Yan ininis ko pa ata. Surprise nga eh tapos di pa ako natuwa? OA mo na talaga Jen. Tskkk..

Hindi ako umalis sa pagkakatalukbong sa kumot ko. I have to keep my pride with me. Nakarinig pa ako ng nagkukus-kusan na yapak sa sahig... hanggang sa mawala ito. Yung ingay nalang ng aircon ang maririnig sa loob ng kwarto. Wala na siguro siya.

Ohhh ano Jen?? Nganga ka ngayon. Sa lahat lahat ba naman kasi, ngayon ka pa naginarte... nakakainis kaaa...

Grabe naman itong konsensiya ko. Hindi na nga nakakatulong, nangiinsulto pa!

Hindi mo ba siya pupuntahan para magsorry? Mahiya ka naman sa tao!! Nag 'I love you' pa siya. Sige ka... pagsisisihan mo yan sa huli...

Sige na! Oo na! Ako na ang may kasalanan.

I got up and saw John sleeping soundly beside me. Tama ako. Umalis nga si Drew sa kwarto. Lumabas ako at tinignan kung bukas ang ilaw ng kwarto ni Andrew... Well, tama ako. Bukas nga yung ilaw ng kwarto niya at nakalimutan din ata niyang isara ang pinto niya.

Hindi ko muna pinuntahan iyon at dumiretso sa kusina. Bigla akong nagutom, siguro gutom din yung lalaking iyon. Nagda-diet kasi siya haha nagpapalaki pa ng muscles sa katawan. Di ko alam kung anong trip nun XD

Madalhan na nga lang siya ng pagkain sa kwarto niya. Ako nang bahala kung paano ako makikipag-ayos... Diskarte ko na yun haha. Good luck sa akin! Aja!

Pagkatapos painitin yung 2 delatang corned tuna na nakita ko sa cabinet ay umakyat na ako sa kwarto niya. Nagdala din pala ako ng 2 basong gatas at Isang loaf ng bread para dun sa corned tuna. Masarap din yun haha.

Pagkakita ko sa pintuan niya, bukas parin ang pinto at ilaw. Sinasadya niya kaya yun? Ehh... papasukin ko na nga nalang yung kwarto niya.

"knock! knock!" sabi ko sabay katok din sa pintuang bukas.

Nandun siya sa kama at nakahilata... Napatingin siya sakin ng naka-bored look...

"Why are you here?" bored niyang sinabi... naka-poker faced look pa. Paano ko ba to sisimulan?

"Uhhmmm... nagugutom kasi ako eh... Nagugutom ka din ba? Samahan mo naman ako kumain ohh..." Pagpapacute ko.

"Nope. Im full." tipid niyang sagot. Grabe... mahihirapan ata ako dito sa lalaking ito. Sa matagal na panahon kong kasama ito, ngayon lang siya nagpabebe.

#PabebeSiDrew... mamaya nga matweet yang hashtag na yan ahahaha... pero bago yan. Kailangan ko itong lambingin. Baka yun lang hanap nito. Hindi kasi kami nagbabonding na... Puro kasi siya trabaho eh edi magpapakabusy narin ako... kaya dumami rin yung work ko.

"Hindi ka kaya busooog... Diyeta ka nga eh..." sabi ko.

"huh?" curious na respond niya.

"Ayy... Diet pala. Youre on a diet, right? Nagpapalaki ka ng muscles XD " tanong ko na paasa.

"Nooo..." naiinis niyang sagot. haha eto naaa...

"Oh di pala ehh... Samahan mo na akong kumain. Alam kong konti lang kinain mo. Ikaw pa?" pagyaya ko sa kanya.

"Kumain ka nalang sa dining room." ang cold niya parin.

"Walang tao dun eh... Ang loner ko naman tignan kung ganun.Gusto ko ikaw kasama ko ehh... Pleaseeee" sabi ko sa kanya ng nakapout. Ang hirap naman pala nitong pilitin. Ngayon ko lang talaga to naexperience!!! Ugh...

"Oh siya. Diyan ka nalang kumain sa may table. Isara mo yung pinto." sabi niya... teka O.o isasara ang pinto?

"P-pinto? B-bakit naman?" sabay takip sa aking hinaharap.

"Yung aircon bukas. Lalabas yung lamig..." Psh. Ano ba yang pinagiisip ko. Kala ko kung ano na.

"Tsss..." Sabay ngisi niya at binuksan ang kanyang tv gamit ang remote control.

"Ayyyy! Nood narin tayo ng movieee! Masaya yuuuun!" Sambit ko pero nakatanggap lang ako ng masamang tingin... Ano ba? May period ba itong lalaking ito?

"Bakit? Ayaw mo?" tanong ko pa sa kaniya habang ngumunguya na ng pagkain.

"Ayoko. I'll watch basketball." sabi niya ng hindi man lang tumitingin sa akin. Ang snob netong lalaking ito ahh. Humanda kang maarteng lalaki ka... Wait for my next move.

A/N:
Sorry guyysss...wala pang masyadong throwback kasi ayoko muna. Kiligin muna sana kayo sa present ni Jen at Drew kasi Past is Past. XD Enjoy sa humaharot na Jen at pabebeng Drew. Please continue to read, vote and comment! Thank you sa mga nagbabasa nito :D Thank you din sa mga silent readers... Vote naman din kayo diyan haha... Follow me guyssss ^3^

One Sided Love Nga Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon