Of Fairytales and Lies (Compilation)

86 0 0
                                    

Of Fairytales and Lies

A Short Story by

Shirlengtearjerky

Copyright © 2012 by Shirlengtearjerky Stories

ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by any information storage and retrieval system, without the written permission of the author, except where permitted by law.

Ang magreproduce o magpost nito sa ibang site without my permission, tutubuan ng malaking pigsa sa ANO. (I am darn serious.)

Name: Barbara Ramirez Date: September 3, 20XX

Section: IV - Archimedes Honors Class: Creative Writing

Fairytales Are For Dummies

Siguro tatawanan mo ang title ko. Siguro iisipin mo na walang kwenta 'to. Siguro aakalain mo na may sayad ako.

Eh di bahala ka!

Kahit pseudo-formal paper 'to, bawal pa rin magmura. Drat.

Fairytales are for dummies.

O Lean, ba't tumaas yang kilay mo?

Tch. Fairytales? Hindi ako maloloko nyan.

Ayoko talaga sa fairytales simula pa nung nagkaisip ako. Tanda ko pa dati, pag nasa mall kami nina Ate, nagpapabili sila ng lunchobox na ya Disney Princesses designs o di kaya yung mga trolley. Nag-away pa sila noon, kesyo sa kanya dapat si Cinderella o Aurora. Ako? Nakuntento na lang ako sa Robbie Rabbit na bag, may water bottle pa.

Hindi ako naniniwala sa fairytales. Fantasy lang naman kasi yun. Kaya nga ayaw kong kasama sa kwaryo ang mga ate ko kasi palagi silang nagpapakwento ng fairytales kay Mama bago matulog. Dehado ako kasi ako bunso, no choice kundi makinig. Nasa "Once upon a time" pa lang, tulog na ako.

Ayaw ko rin sa Disney. Nakakainis sila! Siguro alam mo naman Lean na desensitized ang lahat ng fairytlaes ng Disney. Siguro kung buhay lang sina Hans Christensen at ang Grimm Brothers, magfifile yun ng lawsuit laban sa Disney. Malayo sa original ang ginawa ng Disney. They took out all the sordid details para tanggapin ng mga tao. That sucks.

Isang paglalapastangan sa literature ang ginawa ng Disney. Ginawa nila itong biro. Kung may common sense ka, mapapansin mo ang mga mali nila. Syempre, napakatalas ng common sense ko kaya napansin ko yun.

Para sa ikakatahimik nina Christensen at Grimm, eto ang mga kasinungalingan sa "fairytales", Disney version.

And they lived happily ever after. (Lul! Sinong maniniwala dyan? Okay na sana, kaso buzzkill ang word na "happily". Walang nabubuhay dito sa mundo na palaging masaya. Gawin na lang 'tong "And they lived in their own ever after" or simply "And they lived". Simple as that. Mamamatay din naman sila.

Pag hinalikan ang frog, magiging prince. (Ididssect ko na lang sila, thank you.)

Someday my prince will come. (Psh. Kalokohan! Hindi sa lahat ng pagkakataon dadating ang prince na nakalaan para sa'yo. Siguro yung ibang prince napunta sa ibang princess. Kaya nga may single blessedness!)

You can always wait or count on someone to save you. (Not always true. Minsan ang nakakaligtas sa sarili mo ay ang sarili mo rin. Wag maging dependent sa ibang tao.)

It's normal to see another person when you look in the mirror and actually talk back to you. (Shunga ka?)

That stepmothers are evil. (Not always true.)

Na hindi nababasag ang glass slippers kahit nagtambling-tambling na ito sa hagdan. (First of all, sinong tanga ang gagamit ng glass slippers? Well, kasalanan nga naman ito ng isang French translator. Ang layo naman ata ng glass sa leather. Shunga lang.)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 23, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Of Fairytales and Lies (Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon