Prologue

311K 6.3K 2.2K
                                    

#SB5

This is a work of fiction

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Start date: September 27, 2023
End date:

----------------------------------

ANG DAMING PAGBABAGO. Ganoon siguro talaga kapag nagkaka-edad ang isang tao. Nagbabago hindi lang ang pisikal na anyo, kundi pati pagkilos at pananaw. Hinuhubog ang isang tao ng kanyang mga pinagdadaanan at karanasan, kaya walang tao na maari mong husgahan sa kung sino man siya at ano man ang nagawa niya sa nakaraan.


Naglalakbay ang diwa ko. Iniisip iyong mga nagawa ko, kung bakit ko nga ba nagawa? At kung anong klaseng isip ba noon ang meron ako?


"Wala pa ba ang boyfriend mo?" boses ni Mama mula sa likuran ko ang pumukaw sa akin.


Tumingin ako sa labas ng sliding window. Madilim na. Hindi ko alam kung darating pa ba ang taong itinatanong sa akin ni Mama. Hindi ko naman magawang mag-follow up dahil wala naman akong number nito. Sa chat naman ay ang last convo pa namin ay noong isang linggo.


Bagsak ang balikat na sumunod ako kay Mama sa dining. Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib nang makitang masaya si Mama habang naghahanda ng mga plato—tatlong plato.


Napapitlag ako nang biglang tumunog ang doorbell. Sabay pa kami ni Mama na napatingin sa pinto. Habang si Mama ay malawak ang ngiti, ako naman ay tila magigiba ang dibdib sa kaba.


Si Mama ang nagbukas ng pinto. "Tutoy! Akala ko hindi ka na darating! Nagluto pa naman ako ng favorite mo!"


Tutoy... Iisang tao lang ang tinatawag ni Mama sa ganoong pangalan.


Nahugot ko ang aking paghinga nang mula sa pinto ay pumasok ang isang matangkad, moreno, at semi calbo na lalaki. Napakalinis tingnan sa suot na puting shirt at faded baston jeans. Ang makinis na mukha ay bahagyang pangahan, ang bridge ng matangos na ilong ay mataas, ang mga kilay ay itim na itim at makakapal, at ang mga labi ay maninipis at natural na mapupula.


"Laila, andito na ang boyfriend mo!" masayang baling sa akin ni Mama.


Napalunok ako nang tumingin sa akin ang guwapong lalaki. Ang ngiti sa mapulang mga labi niya para kay Mama kanina ay naging malamig nang magtama ang aming mga mata.


"H-hello..." Kahit halos hindi ko mahanap ang aking boses ay sinikap kong batiin siya.


Humakbang siya palapit sa akin at ganoon na lang ang pagsinghap ko nang halikan niya ako sa noo. "Hi." Maaligasgas ang buong-buo na boses niya.


South Boys #5: Crazy StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon