Ayana's POV
Pagkauwi ko sa bahay ay nadatnan kong patay na ang lahat ng mga ilaw at nakalock na ang pinto at gate, mabuti na nga lang talaga ay may dala akong kopya ng susi namin sa gate at main door.
Nang makapasok na ako sa aming bahay ay muli kong ikinandado ang gate at main door at agad akong dumiretso sa aking kuwarto.
Naglinis lamang ako sa aking katawan at nagpalit na rin ako ng damit at nang makatapos na ako sa lahat ng bagay na dapat kong gawin ay humiga na ako sa aking malambot na kama.
"It's now okay, Ayana," I whispered to myself as I touched my chest.
Ang bilis ng mga pangyayari, ni hindi ko nga inaasahan na halos wala akong maramdaman kanina.
Akala ko kasi talaga maiiyak ako nang todo todo, kaya nga lang wala, puro pigil ang mga luha ko at kapag naman handa ko nang ilabas ay hindi ko mailabas. Hindi ko nga alam kung namanhid o naging bato na ba ang puso ko.
Pero at least okay na, at magaan na rin ang aking pakiramdam, feeling ko rin ay natapalan na ang malaking butas sa puso ko at kailangan na lang nitong humilom para tuluyang gumaling.
Ito lang pala ang kailangan ng puso ko para maging mapayapa ito.
Although may kaunting bigat pa rin sa aking puso dahil hindi ko pa rin napapatawad si Hazel sa kaniyang ginawa, masasabi ko namang mas magaan na ang aking pakiramdam kaysa sa nararamdaman ko noon.
Oo, hindi ko pa napapatawad si Hazel dahil pakiramdam ko ay hindi ko pa siya kayang patawarin. Ayos lang naman 'yon dahil my feelings are valid at hindi rin naman madaling magpatawad.
Pagdating naman kay Eric ay alam kong tama ang ginawa ko. Hindi naman kasi puwedeng magmahal na kaagad ako sa kabilang sitwasyon ng aking puso, alam ko rin naman na naiintindihan niya ang nais kong sabihin at nais kong ipahiwatig noong sinabi kong hintayin niya muna ako ulit, at seryoso rin naman ako noong sinabi kong ibibigay ko sa kaniya ang aking puso sa pagbalik ko.
Gusto ko nang suklian ang pagmamahal niya dahil nararamdaman ko na rin naman na unti-unti na akong nagkakagusto sa kaniya, pero sabi nga nila ay may tamang panahon para sa lahat ng bagay, at tingin ko hindi pa ito ang tamang panahon para sa damdamin kong 'yon.
Tungkol naman kay Daven, napatawad ko naman na siya dahil napagtanto ko na parehas kaming may mali sa nangyari sa amin. Tinanggap naman niya na noong sinabi ko na ayaw ko na siyang balikan pa.
"Ah! 'Yong binigay niya nga pala!" Agad akong napabangon nang maalala kong may binigay sa akin si Daven na isang envelope kanina.
Kinuha ko ang aking body bag at kinuha ang envelope na galing kay Daven.
Binuksan ko muna ang ilaw ng aking kuwarto para naman makita ko ang laman ng envelope.
Laking gulat ko naman nang makita kong puro pala letters ang laman ng sobreng 'yon.
Isa isa kong binuksan ang mga nakatiklop na papel at binasa ang mga nilalaman no'n.
Hindi ko na alam kung ano na ang petsa ngayon, basta ang alam ko lang ay durog na durog ang puso ko nang dahil sa pagkakahiwalay nating dalawa.
Yellow roses and yellow carnations... is this really your way of breaking up with me?
It hurts so bad Ayana, it hurts so bad hindi lang dahil nagkahiwalay tayo kung hindi dahil nagiba rin ang mga pangarap na sabay nating pinangarap noon.
Paano na 'yong dream wedding nating dalawa? 'Yong dream house natin? 'Yong dream engagement ring mo ay nabili ko na, nakapag ipon na rin ako para sa kasal natin pati na rin sa dream house natin, kaso bigla namang nagkaganito.
BINABASA MO ANG
The Fragrance of Love (Love Potion Series #2)
RomanceSome relationships end without a proper goodbye, and that's what happened between Daven and Ayana. Ayana Valdez is a florist who inherited her family's flower shop and a girl who's not been into romance ever since she broke up with her ex-boyfriend...