Epilogue

21 0 0
                                    

Ayana's POV

"Good morning everyone!" bati ko sa buo kong pamilya na nakakagising lamang at kakalabas lang din mula sa kanilang mga kuwarto. "Breakfast is ready na!"

"Ate, ikaw pa ba ang kapatid ko? Feeling ko hindi na ikaw 'yan eh!" hindi makapaniwalang sabi ni Nalin.

"Ikaw talaga! Ayaw mo bang pinagluluto ko kayo ng umagahan? Ayaw n'yp ba no'n?" kunot-noo kong tanong sa kaniya.

"Gusto naman namin, kaya nga lang nagtataka lang kami kung bakit parang ang sipag sipag mo naman yata at lagi ka nang naging masayahin?" tanong naman ni Papa kasabay ng paglapit at pag-akbay niya sa akin.

"Papa, sabi ko naman po sa inyo ayos na ako, nakapagpatawad na ako at naging maayos na rin lahat ng bagay na nagulo six years ago!" proud ko namang sabi.

"Masaya talaga ako para sa'yo anak," masayang wika ni mama at niyakap ako.

Nagyakapan naman kaming lahat at nagdaldalan hanggang sa nauwi sa kainan an gaming pagkukwentuhan.

It's been a year since everything started to be okay.

Sa loob ng isang taon ay nalibang ko ang aking sarili sa trabaho pati na rin sa mga bagay na nakapagpapasaya sa aking sarili.

Sa loob din ng isang taon ay napatawad ko na si Hazel sa lahat ng mga nagawa niya sa akin at sa amin ni Daven noon, bumalik na rin kami sa pagiging magkaibigan which is a good thing dahil hindi na namin kailangan pang magtarayan at maging awkward sa isa't isa sa tuwing magkikita kami sa mga okasyong sabay naming nadadaluhan.

Naging friends naman na kami ni Daven dahil napagusapan naming 'wag na maging awkward sa isa't isa at maging magkaibigan na lamang kami. Masaya na rin naman na siya ngayon sa kaniyang buhay dahil sa pag asenso ng kaniyang negosyo. Nagkaroon na rin kasi ng ilan pang branch ang kaniyang coffee shop.

Si Eric naman ay naging matalik ko ring kaibigan. Naging friends kami tulad ng napag-usapan at naipangako namin sa isa't isa, but I guess that will change starting from today.

"Mauna na po ako," paalam ko kasabay ng aking pagtayo sa upuan nang matapos na akong kumain.

"Oh? Tapos ka na kaagad? Ang bilis naman yata?" gulat na tanong ni Papa.

"Opo, Pa, may lakad po kasi ako ngayon," masaya ko namang sagot.

"Ay sus! Magkakaroon lang siya ng boyfriend ngayon kaya nagmamadali at masaya 'yan," pang-aasar naman sa akin ni Nalin.

Pinangdilatan ko naman siya ng mata. "Nalin, ikaw ang maghugas ng pinggan ah," madiin kong utos sa kaniya.

Tumalikod na ako at naglakad na papunta sa aking kuwarto, narinig ko pa ngang umangal ang tamad kong kapatid dahil inutusan ko siyang maghugas ng pinggan pero bahala na siya, malaki na siya at kaya n'ya na 'yon.

Kapag hindi niya pa alam kung papaano maghugas ng pinggan ay ewan ko na lang sa kaniya. Ang laki niya na kaya dapat alam niya na 'yon.

Nagtoothbrush at nag-ayos na ako sa aking kuwarto.

Pinagmasdan ko naman ang aking sarili sa harap ng salamin.

I'm now wearing a white floral dress with matching red rose necklace.

Habang pinagmamasdan ko ang aking sarili sa salamin ay nagulat ako dahil may biglang bumusin sa labas kasabay naman ng pagsigaw ng magaling kong kapatid.

"Ate! 'Yong date mo nandito na!" mapang-asar na sigaw ni Nalin mula sa kusina na hanggang dito sa kuwarto ko ay rinig na rinig ko pa rin.

Natataranta ko namang kinuha ang aking body bag at sinukbit ito sa aking katawan at nagmamadaling lumabas sa aking kuwarto.

The Fragrance of Love (Love Potion Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon