NAIPON na ang lahat, bigat ng loob at sakit ng damdamin kaya naging ganoon ang naging reaksyon ko ng makita si Alba.
He is my big brother.
Siya ang aking tagatanggol sa lahat mula noon. Kaya ngayon, para akong batang inagawan ng laruan na nagsusumbong sa kanya.
“Huwag mong sabihing pati sipon, makikiligo ako!” marahan niya akong inaalo. Akala ko tumuyot na ang luha ko kagabi, hindi parin pala.
“Mabuti nga at kinausap ng asawa mo ang presidente ng aming kompanya kaya napayagan akong magbakasyon na hindi pa natatapos ang kontrata ko!”
“Sino?? Si Leon?!”
Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Is this for real? Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari.
Surprised was an understatement.
“Sino pa ba sa isip mo? Ikaw talaga! Saan ka galing kagabi at nahihilo na ako sa kakabiyahe?” pinitik niya ang aking noo.
“Don't h—!” hindi na natapos ang kanyang sinabi nang takpan nina Cree at Vitus ang bibig niya.
“Una sa syudad. Pero ilang minuto ang dumaan, dito nanaman ako pinapadiritso. Bunso, hindi ka si Dora kaya huwag kang mag-explore. Alam mo namang bawal sa akin ang magpuyat at baka mabawasan pa ang kagwapuhan ko!”
“Sira! Ang pangit mo na nga! Bawas na bawas na!”
“Tsk. Tsk. Hindi na ako magtataka. Nag-iba na type mo, eh. Mga Daddy version!”
Nahihiya akong humarap sa kanila. Bitbit ng aking mga pamangkin ang cake. Suot-suot nila ang party hat na nagpalitaw ng kanilang kaguwapohan.
Umangat ang aking tingin papunta sa kanya. Hindi magkamayaw ang tibok ng aking puso nang makita siyang hawak ang isang bungkos ng bulaklak.
He sweetly smiled...
Napakagat-labi ako at marahang humakbang patungo sa kanya. Puno ng pagdadalawang-isip. Nahihiya ako sa aking inasta mula pa kagabi.
Ngayon lang naging klaro ang lahat ng nangyari. Hinusgahan ko siya. Mali pala ang pagkakaintindi ko sa lahat.
He forwarded his pace when I stopped in the middle.
“Leon—, a-akala ko —!”
“Happy Birthday, Pangga!” he was staring at me. Yumuko ako at pinaglaruan ang aking mga daliri. Paniguradong nagmumukha akong kamatis dahil sa pula ng pisngi ko ngayon.
Hindi ko alam kung ano ang aking unang maramdaman. Kasiyahan ba o kahihiyan.
Tinanggap ko ang binigay niyang bulaklak at sinamyo ito bago nag-angat ng tingin sa kanya.
Ang mga masasaya niyang mga mata.
Sa kanyang pagngiti, gumuhit ito patungo sa gilid ng kanyang mga mata. It crinkled, that my lips curved a smile simultaneously. Hindi ko alam kung bakit nagbibigay ng kaginhawaan sa akin ang kasiyahan niya.
“I hope you're happy!”
“Sobra!!!” dahil sa galak sinunggaban ko siya ng yakap. Hinahaplos niya ang magulo kong buhok sa likod.
Ang aming mga mata, animo'y nagdiriwang, parang mga serye ng ilaw, buhay na buhay.
Nakakonekta...sa isa't-isa, na kung mapupunde ang isa'y 'di na gagana ang lahat.
Our gaze were deep. Digging in the depth of our soul that any words can't measure.
“May plano ka pa bang, i-blow itong kandila? Nangangalay na itong mga pamangkin mo o!Mamaya na kayo maglampungan diyan at nang 'di naman magutom itong mga bisita mo!”
BINABASA MO ANG
Bolts Of Desire
RomanceWhat happens when a handsome bachelor wake up with a young girl? ***** He was deeply inlove with someone else who was forbidden. When the love of his life married his friend, he promised to himself not to marry in this lifetime. But a young girl ca...