Kabanata 41

56 2 0
                                    

“You don't know anything. Kaya tumahimik ka!” sigaw niya bago sinalya si Volcan sa pader.

“Don't you remember, Katie? She was my girlfriend but you almost killed her! Damn you, Kuya.”

“Wala akong naaalala! At wala akong panahong alalahanin ang mga taong hindi importante sa akin!”

“If she cheated on you then she was not for you, Volcan!”

“Pakawalan mo na si Amirie, Kuya! Stop using her.”

Natulos ako sa aking kinatatayuan. Gusto kong tumakbo. Ngunit napakabigat ng aking mga paa. Animo'y nanigas kasama sa konkretong sahig na aking kinaroroonan.

Alam kong nagkamali ako.

Pero hindi lang pala hanggang doon. Hinayaan ko ang aking sariling maniwala sa kanya. Iyon ang napakalaking pagkakamali ko.

TRUST.

It was broken.

No! Hindi ito nabasag dahil simula pa lang, wala namang nabuong pagtitiwala. Imahinasyon ko lang ang lahat dahil sa tindi ng pagmamahal ko sa kanya.

We started off in a wrong foot!

Kaya 'di na ako dapat pang magtaka. Gustuhin ko mang lumayo, ngunit pinipigilan ako ng aking konsensya. Pinipigilan ng isang bagay na aking hawak-hawak. At pilit na pinapangalagaan.

Pinahid ko ang mga basang likido sa aking pisngi. I need to compose myself. Ilang ulit akong lumunok ng laway kahit pakiramdam ko'y may nakaharang na bato sa aking dibdib.

Humugot muna ako ng malalim na hininga bago tuluyang binuksan ang pinto na naging dahilan upang mapalingon silang dalawa sa aking direksyon.

Nanlaki ang mga mata ni Leon na nakatitig sa akin. Daling binitawan ang pagkakahawak sa kwelyo ng kapatid niya. Saglit na dumaan ang takot sa kanyang mga mata. Ngunit bigla ring nawala at umaktong masaya.

“Y-you're here, baby! Ngayon ka lang?”

Don't do this to me, please Leon! sigaw ng aking isip. Gusto ko siyang sigawan. Pero kailangan kong kontrolin ang aking sarili. Kung gusto kong mamuhay ng tahimik, kailangan kong tapusin ang lahat.

Nilapag ko sa kanyang mesa ang dalang lunch box. Sinulyapan ko si Volcan na nag-aayos ng nagusot na damit. Atsaka ko siya hinarap.

“Totoo ba iyon, Leon?”sinadya kong gawing mababa ang aking boses.

Ayaw kong mas magmukha pa akong kaawa-awa sa harap niya o sa kung sino mang parte ng pamilya niya.

“What? I don't understand what you mean!”

“Narinig ko ang lahat, Leon! Please tell me the truth.”

I acted cold. Natigilan siya at inestema ang aking kabuuan. Pinipigilan ko ang sakit ng aking damdamin, huwag lang niyang makita kung gaano akong nasaktan.

Amanos na kaming dalawa.

“Baby, l-let me explain!”

“Answer me. Totoo ba?” tiningnan ko ang kanyang mga mata. Pinanatili kong kalmado ang aking ekspresyon. Sana sabihin mong hindi ito totoo. Para naman hindi ako masaktan ng ganito.

“I-im sorry! I was—!”

“Enough, Leon! Alam mo bang ang sakit marinig ng salitang sorry mula sa'yo?” kalmado kong putol sa kanyang sinasabi. Seryoso ko siyang tiningnan.

“S-si Ate Alya pa rin ba ang mahal mo kaya hindi mo maatim na makasal sa 'kin?” pumiyok ang aking boses. Napakasakit parin pala. Tuwing naaalala ko ang narinig na usapan nila ni Cree, nanghihina pa rin ako. Dapat hindi ko iyon kinalimutan, eh! Nasaan ba napunta ang utak ko't naging ganito ang naging takbo ng lahat?

Bolts Of DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon