Kabanata 48

73 2 0
                                    

“Hoy, bruha! Mag-ingat ka nga! Pabayaan mo na silang ayusin lahat ang nga 'yan! Ikaw ang pinakapasaway na buntis na kilala ko!” sigaw ni Brenda na nakapameywang.

“Ako lang naman talaga ang kilala mong buntis!”

Napanguso nalang ako. Tanghali na akong nagising dahil sa biyahe at sa mga nangyari kagabi. Biglang uminit ang aking pisngi sa aking ginawang kaharutan, hindi ako makapaniwalang nagawa ko pa ang bagay na 'yon kahit anim na buwan na akong buntis. Hindi lang isa, kambal pa.

Hindi naman talaga iyon ang pakay ko, eh. Gusto ko, na ako ang unang babati sa kanyang kaarawan, iyon lang!

Pero malala ang nangyari. Minsan talaga hindi ko maiwasan ang mga kapilyuhang pumapasok sa sa utak ko, kaya nangyari iyon. Hanggang ngayon, nangangalay tuloy ang aking balakang.

Tiningnan ko muna si Kaito na naglalaro sa bakuran kasama ang kanyang Yaya at ilang katulong. Naririnig ko pa mula rito sa aking kinatatayuan ang kanyang matinis na tawa habang naglalaro ng frisbee.

“Ang yaman talaga ng asawa mo, Ri! At ang sarap!” napakagat-labi pa siya kaya umirap ako. Hawak niya pa ang isang tasang tsaa na animo'y lalaking lalaki ang tindig, naghahagikhikan pa ang ilang kasambahay dito sa mansion nang bumungad siya mula sa kotse pagdating namin kanina.

He giggled.

But me, as his bestfriend, I know better. Pawang pagpapanggap lang ang lahat.

“Tumigil ka nga. Nag-ala pakwan na nga itong tiyan ko pinapantasyahan mo pa ang asawa ko!”

“Ano ba'ng pakiramdam na makuha ang gusto mo, Ri?”

Biglang lumungkot ang kanyang boses kaya hinarap ko siya, nasa lupa ang kanyang mga titig. Malalim. Malungkot. Seryoso. Malayo sa Brendang kilala ko.

“Ano ba 'yang pinagsasabi mo? Ang alam ko lang pinaglaban ko kung anong gusto ko, ginawa ko ang lahat ng walang pagdadalawang-isip, Bren, alam mo 'yan!”

Naaawa man ako sa kanya pero wala rin akong magawa. Sinundan ko ang kanyang tingin, patungo sa kawalan.

“I'm getting married yet everything with me was chaotic. To tell you frankly, Ri, I am confused...between marrying her and running away. Chase my dreams and do all the perks of being a successful man!”

“Gawin mo kung ano ang maluwag sa puso mo, Bren! Sa bawat desisyong ating binibitawan, may kapalit, ganoon ang buhay!”

Isang malungkot na ngiti lang ang kanyang tugon bago nilapitan ang isang organizer. Kumuha ako ng ilang tao upang mag-decorate ng paligid. Gusto kong maging memorable ang kaarawan niyang ito.

Matapos ang ilang oras tinawagan ko na sina Cree at Vitus.

“Stop talking to your phone, V! Importanteng mahanap natin ang asawa ko, mamaya na 'yan!” bulyaw niya ang aking naririnig sa kabilang linya. Napangiti ako sa kawalan niya ng pasensya. Ano kayang magiging reaksyon niya?

“Okay, baby! Take care!” tanging sambit ni Vitus bago ko binaba ang tawag.

Nagawa ko pang matulog ulit. Magtatakip-silim na ng ginising ako nina Brenda. Nakalugay lang ang aking mahabang buhok, ilang dampi ng pulbo at liptint. Suot ang isang puting bestida na hanggang tuhod, pumanaog na ako upang paghandaan ang kanilang pagdating.

May komosyon kaming naririnig sa labas ng mansion kaya nanatili kaming tahimik.

“Why is this house so dark? Fuck!!! Naputulan ba ng kuryente? Manang Azon!!!”may naririnig na akong bulungan. Alam kung takot sila pero ako hindi. Bahala siyang magalit.

Gusto ko nalang takpan ang tenga ni Kaito sa mga pagmumura niya. Sarap pektusan!

May tunog ng pagbunggo sa isang matigas na bagay. Ilang pagmumura pa ang kaniyang pinakawalan.

Bolts Of DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon