LYZA's POVNatulog ako saglit dahil nags-speech si ma'am. Di naman ako makikita dito sa likod eh.
ZZZZzzzZZzzZz................
After a while, naririnig ko na ang ingay ng classroom. Naka-full volume ako pero naglalaban na yung ingay at yung song.
"Ui!" Isang familiar na mukha ang una kong nakita.
Teka? Tulog pa ba ako? "Hindi mo ba ako namiss?" Tanong nya.
"R-ralph? Totoo nga."
"Wala ba man lang akong...."
"Wala kang?..."
"Hug." Si Kryzzel ang sumagot.
"Kayo talaga. You're very noisy!" sigaw ng classmate namin. Kaklase ko pala 'to. Sya yung nanalo sa title ng Ms. Intrams last year.
"Guys, settle down." pumasok na si ma'am.
"So, nag-meeting kami ngayon. Our section's muse & escort selection starts today, at 9:30. Then, tallying will be until 10. Tapos announcement, then you can go. Sayang, gusto ko sana kayo makilala muna ngayon pero mukhang, marami pa talagang ihahanda for you guys."
Aww.
May kamay na pumupunta sa harap ko at nakita kong nag-iwan pala si Ralph ng note.
"Labas tayo mamaya."
RALPH's POV
Nag-15 minute break kami bago daw magstart yung selection. Lumabas ako agad para tignan yung dalawang unggoy kung nasan.
"Sya ba yung new student?" "Hala! Sya yung Ralph, balita ko gwapo din mga kaibigan nyan." "Balita ko galing sa exclusive international school yan." "Ang gwapooooo."
Naririnig ko mga bulungan ng students.
Hindi naman na bago sakin yun. Sa school na pinanggalingan namin, ganito din yung nangyayari. Kesa matawag na masungit, snob at iba pa, pinapabayaan nalang naming apat.
"Ralph!" Nilingon ko kung sino yun, si Kryzzel pala.
"Oh?"
"Mag-isa mo lang rito? I mean, sabi ni tita lumipat din si Carlo."
"Ha? Ano yun?"
"Ah e, sila Wi--" bakit mukhang curious na curious sya? Gusto nya siguro si Wilson.
"Wilson?! Ayie!"
"Wi- ah eh WIND! Makaalis na nga!"
"HAHAH joke lang huy!"
"Nagbibiro lang naman ako eh."
"Kasama ko silang lahat. Nasa section B."
"Sige! HAHHAHA Teka, hinihintay mo si Lyza?"
"Hindi eh, mukhang busy sya kanina."
"Ah, sige. See you nalang sa cafeteria."
Sabay sabay na kaming pumuntang apat sa canteen. Buti nalang hindi overpopulated dito sa school na 'to.
"Sila nga yun. Yung mga transferees." "Nakita ko yung Ralph kanina, kausap si ate Lyza ng seniors." "Ang gwapo nila!"
Unang table na nakita ko ay yung table nung apat.
"Pwede ba kami maki-table?"
"Pwedeng pwede." Sagot ni Marisse.
"Sabi ko sainyo eh. Yung close lang nila yung group nila ate Kryzzel." Sabi naman ng isang lower year na nasa malapit lang.

BINABASA MO ANG
Unexpected Love ♥ (EDITING)
Teen FictionSabi nga nila, "We trust the liars, curse the innocent, and FALL for the HEARTBREAKERS." Naniniwala ka ba jan? Naexperience or nadaanan mo na ba ang love? Nainlove ka na ba? Minsan, dumadating yan sa mga panahon na hindi mo inaasahan. Minsan nga eh...