THE MAJOR VALENTINE DISASTER

225 12 21
                                    

It's mourning, este, morning pala. Fourteenth day of February 2013. As usual, kunot-noo na naman ang lola nyo habang naglalakad papunta sa HS Building. Sa laki ba naman ng university namin, kainis. Napagitnaan pa talaga ng college at elementary departments ang building namin.

Routine ko na naman to every morning eh. Pero ewan, ngayong araw lang ata ako mareklamo. Madalas naman akong late pero di ako nagrereklamo sa layo. Ngayong araw lang talaga

Baka naman nababanas ka lang tingnan ang mga binebentang bulaklak at balloons. Alam mo kasing wala kang matatanggap! Kainis naman tong utak ko. Ipinagduldulan pa talaga. Oh well, what can I do? Baka sa sobrang ganda ko, takot silang lumapit sa pag-aakalang taken na ko? That thought made me smile. Buti na lang walang nakakita. Baka akalaing baliw ako.

Sa wakas! Nasa sa building na ako. Habang paakyat ako sa room, marami=rami na rin akong nasaksihang "kilig sessions". :( Di man lang sila nahiya sakin.

Nasa labas na ko ng room, milagrong ang tahimik ng mga kaklase ko.

Anyare sa mga taong 'to? Shocking ah.

Pagpasok ko, as usual, dumating na si Sir, adviser namin.

"Good morning, Sir"

Tumawa si Sir. "Aga natin ah."

"Masanay ka na, Sir." Napangiti na rin ako. Parang vibes na vibes lang namin si Sir. Tuwing discussions lang kami nagseseryoso.

Papunta na sana ako sa seat ko nang biglang sumigaw ang isang classmate kong lalaki.

"Jane! May nagpapabigay sayo, oh." sabi nya sabay abot ng stationery sa kin

"Ano 'to?"

"Ewan. Di ko kilala yung nag-abot eh. Basta ang sabi, ibigay ko raw sayo"

Totoo ba 'to? I mean, is this for real?! May nagpapabigay ng letter sakin?! How sweet. Who would have thought? Napangiti ako. Magsimula na kong kantiyawin ng mga kaklase ko-na pinangugunahan ng bestfriends ko. Grabe! Ang ingay na ng mga kaklase ko! Lalo tuloy akong napangiti.

Pag-upo ko, pinagkaguluhan ako ng mga kaibigan ko, lalo na ang pinakamatalik kong kaibigang si Pia.

"Sino nagpadala?!" excited nilang tanong

"Ewan! Di ko pa nga nababasa diba?" I said, rolling my eyes.

"Basahin mo na, dali!" sabi naman ni Shane

"Atat ha? Ssh lang kayo."

I started reading the letter. I have to admit, kinilig ako. The message was inspiring. Pero may na-feel akong deja vu. Parang something's familiar talaga sa letter eh.

FROM: YOUR SECRET ADMIRER

May "secret admirer" ako? What's happening to the world!

Nasa malalim akong pag-iisip nang may umagaw sa letter. Mga kaibigan ko. Sinimulan na nilang pagpasa-pasahan ang "love letter" na natanggap ko. Aaminin ko, talagang gusto kong makatanggap ng something sa V-Day. Pero di ko inakalang magkakatotoo.

"Sino kaya nagbigay niyan?" tanong ng isa kong kaibigan

"Aba, malay ko. Secret admirer nga eh" sarkastikong sagot ko.

"May palagay akong Junior din may bigay niyan." sabi ni Pia. Parang may nahalata ako sa boses nya kya nagduda ako.

"Kayo ha, baka pinagloloko nyo lang. Baka poinagkakaisahan nyo lang ako. Kayo may gawa nito, noh?" dun ko rin tinitigan ang handwriting. Parang ka Pia yun eh.

"Anong malay namin jan. Wag kang feeling 'ne. Yung crush na lang sigurobibgyan namin kiesa ikaw."

"Pang handwriting mo talaga eh." napakunot-noo na ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 09, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

THE MAJOR VALENTINE DISASTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon