Dreams do Come True

85 4 9
                                    

"Jasper, anong gusto mo paglaki mo?" sabi ng batang naglalaro ng kanyang gameboy.

"Gusto kong maging engineer. Ikaw, Carlo?" sagot ni Jasper habang nagbabasa ng libro.

"Ako? Gusto kong makapagpatayo ng sarili kong bahay. Gusto ko malaki tapos may isang kwarto na puro video games. Doon lang ako habang buhay. Si Jeffrey kaya?"

"Ako? Gusto ko lang magkaroon ng pamilya kasama si Teffany." ani ni Jeffrey habang naglalambitin sa puno.

"HOY! May pangarap ako sa buhay, Jeffrey. Gusto ko muna maging magaling na ekonomista paglaki ko." sigaw naman ni Teffany na nag-aayos ng mga pinaglaruan nila.

"Ekonomista?" napatingin si Jasper kay Teffany na may halong pagtataka.

"Mahirap iexplain eh. Basta yun ang gusto ko.Maganda daw yun sabi ni Mama eh."

"Sus, sa dulo rin naman magiging asawa kita eh." Paninigurado ni Jeffrey

"Tigilan mo nga ako. 10 years old pa lang tayo noh."

"HAHAHA! Namumula si Teffany oh." Nang-aasar naman si Jasper

"HA?! Hindi kaya. Diba Migz?"

"Ewan ko sa inyo. Ako mag-iipon ako ng isang milyong piso." Bumaba si Migz sa tree house

"Ang taas ng pangarap mo. Paano mo naman magagawa yun?" tumigil na rin sa paglalambitin si Jeffrey.

"Hihingi ako."

"Baka magawa mo. Di mo yun kaya."

"Tsk. Tignan niyo na lang."

Bumaba na si Migz sa Tree House na paborito nilang tambayan magkakaibigan.

Simple lang naman ang buhay ng mga bata sa kwento.

Lagi silang tumatambay sa tree house tuwing hapon. Madalas ay nag-uusap sila tungol sa pangarap nila sa buhay.

Mahilig mag-aral si Jasper. Bata pa lang sila, lagi na siyang may hawak na libro. Lumabo na nga ang mata niya sa kakabasa eh.

Si Carlo naman sobrang hilig sa mga video games. Matalino rin naman siya. Masyado nga lang tahimik. Para bang mahiyain siya sa umpisa pero kapag nakilala mo na makulit rin pala.

Si Jeffrey naman, matagal na niyang crush si Teffany. Tahimik rin si Jeffrey parang si Carlo lang. Mahilig rin yan maglaro ng video games.

Si Teffany naman sobrang tahimik niyan. Akala mo nga sa una eh napakasungit pero mabait pala. Sadyang mahiyain lang siya.

Si Migz naman siya ang pinakasimple sa lahat. Siya ang pinakamaliit sa limang magkakaibigan. Simple ang pangarap niya sa buhay. Gusto niya lang makatulong sa pamilya niya.

Habang naglalakad si Migz, nag-iisip siya kung paano makakaipon ng isang milyon.

May plano kasi ang magkakaibigan na pagkatapos ng labinlimang taon ay magkikita ulit sila para Makita kung ano ang narating ng bawat isa.

"Paano ba ako makakaipon ng isang milyon?" bulong niya sa sarili.

"Bakit hindi mo kaya subukan maglakad lakad at manghingi ng piso sa bawat makakasalubong mo?"  biglang bumulong si Jasper kay Migz.

"Ay kabayo! Ano ba yan Jasper? Bakit bigla kang nagsasalita diyan?"

"Una sa lahat, hindi ako kabayo. Ang gwapo ko kaya! Pangalawa, napansin ko kasing ang lalim ng iniisip mo eh."

Hangaang Saan Aabot Ang Piso Mo?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon