Chapter Four: Music

53 3 0
                                    

Sa panahon ngayon, wala na akong naririnig mang-harana, siguro dahil na-trauma na sila na baka mabuhusan sila ng arinola na puno ng ihi ni lola. Pero bakit nga ba nawala ang tradisyong ito? Hindi ba mas nakakakilig kung ang isasalubong sayo ay isang madamdaming kanta kesa sa teddy bear at tsokolate? Effort at talento ang puhunan pero sigurado ako na kahit sinong babae ang haranahin sa panahon ngayon ay kikiligin at mapapa-oo nalang.

"When words fail, music speaks." Iyan ang sabi ni Hans Christian Andersen, ang author ng mga fairytale na binabasa ng mga bata ngayon katulad nila Snow White, Little Mermaid, Thumbelina at marami pang iba. Totoo naman kung tutuusin. Kapag nalulungkot ka, kumakanta ka. Kapag masaya ka, kumakanta ka. Itanggi mo man o hindi, ito ay isa sa mga takbuhan mo kapag wala ka nang kakampi sa buhay.


"Sa totoo lang Gloom." mahinahon na sagot ni Tina. Mukhang hindi maganda ang mga susunod na sasabihin niya.

"Kakagaling ko lang sa isang long term relationship. Gusto naman din kita pero sana maintindihan mo na ayokong gawin kang rebound." Fuego! Sapul nanaman ang puso ko.

"Ahhh ganun ba." wag kang iiyak Gloom. Kaya mo to, lalaki ka! May pagka-babae ka pero lalaki ka parin!

"Oo eh. Sana maintindihan mo ang sitwasyon ko ha. Ayaw lang kitang masaktan, bestfriends tayo Gloom at hindi ko kayang makita kang nasasaktan dahil sa akin." ang lambing. Sobra. Pero ang sakit na ang hinanda kong speech ay parang nakasira sa pagkakaibigan namin. "Love is friendship on fire." Ayun, nasunog nga.


Ang daming nang dumaan sa akin na babae. May pangit, maganda, mabait, masungit, mukhang artista, mukhang impakta, mukhang tatay ko at mukhang kakatapos lang i-embalsamo pero lahat minahal ko. Kahit yung iba ay ginawa akong rebound pero kahit anong mangyari hindi ako makakapayag na rebound lang ako ni Tina dahil mahal ko siya, higit pa sa pagmamahal ko sa sarili ko. Iniisip ko siya bago kumain, habang nanunuod ng tv, bago matulog at pagka-gising.


Pero mukhang dito nalang muna ang istorya namin. Gabi-gabi kong iniisip ang mga sinabi niya sa akin noong araw na iyon. Tatlong linggo na siyang hindi nagtetext, hindi rin siya nagpapakita sa akin. Dahil sa ginawa ko, nawala ang bestfriend ko. Nawala ang natatakbuhan ko. Nawala si Tina.


"Gloom!" sigaw ni Sam

"Oh pare, jamming tayo?"

"Sige ba! Pero teka parang may problema ka ah. Alas tres palang nagyayaya ka na ng jamming. Ano ba meron?" tanong niya sa akin habang isa-isa kong kinakalabit ang string ng gitara niya

"Umamin kasi ako kay Tina pare at binalak ko rin ligawan siya."

"Eh baliw ka pala ehh. Bestfriend mo tapos liligawan mo?"

"Kasi mahal ko naman talaga siya ehh. Inamin ko nga lahat ng nasa puso ko sa kanya pero ang sagot niya ay ayaw niya daw akong maging rebound."

"Hayaan mo muna siya mag-isip, naguluhan lang siguro siya sa mga nangyari. Tara jam na tayo. Anong kanta ba gusto mo?"

"Harana."


Uso pa ba ang harana? Marahil ikaw ay nagtataka. Sino ba tong mukhang loko nagkandarapa sa pagkanta at nasisintunado sa kaba? Meron pang dalang mga rosas, suot na may maong na kupas. Teka baka mademanda na ako ni Chito sa pag-gamit ko sa kanta niya. Pero uso pa nga ba talaga ang harana? Bakit hindi ko kaya subukan? Pero susundin ko muna si Sam, hayaan ko muna mag-isip si Tina. Hahanap nalang ako ng ibang pagkakataon.


Definition of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon