X13: Bad Blood

61 2 0
                                    

X13: Bad Blood

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

X13: Bad Blood

NESSIE*

"Hello bess, napatawag ka? Tapos na ba yung party?" tanong ni Ar sa kin pagkasagot niya sa tawag ko.

Nangilid na naman ang mga luha sa mga mata ko.

"Ar, si Kuya Neon kasi..." pagsisimula ko.

"Oh anyare kay Kuya Neon?" nag-aalalang tanong ni Ar.

"Nasaksak siya bess." malungkot kong sagot.

"Ha?! Pano? Kala ko ba birthday party yung pinuntahan niyo diyan at hindi bardagulan. Ba't may saksakan nang nagaganap?" may pagka-exaggerated na tanong ni Ar.

Huminga muna ako ng malalim bago ko sinagot si Ar.

"Yung matanda kasi, ininsulto si Mama. Kung anu-anong pinagsasabi nila tungkol kay Mama at sa amin. Kaya ayun, hindi ako nakapagpigil kaya nakapagsimula ako ng gulo. Tapos, tapos si Kuya... nakita ko na lang na sinaksak siya nung letseng Ikimoto na yun." paliwanang ko.

"Sinong Ikimoto? Eh nevermind, kamusta na ang lagay ng Kuya mo? Malubha ba siya?" tanong ulit ni Ar, softer this time.

Napasandal ako sa division nung cubicle dahil feeling ko umiikot na yung paningin ko.

"Hindi ko alam bess. Wala pa ngang sinasabi yung mga doktor." sagot ko sa kanya.

"Ganun ba? Eh pano yan nasa Japan kayo, pano kayo uuwi? Naku Nessie, magsisimula na yung rehearsals natin para sa Battle of the Bands sa isang araw. Makakauwi ba kayo kaagad after the operation?"

Naknang! Muntik ko nang makalimutan ang tungkol sa bagay na yun!

Napasapo ako ng noo sa kunsumisyon.

"Hindi ko alam Ar. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko." ani ko.

"Ganito na lang, bess. Mag-focus ka na lang sa mga bagay-bagay diyan sa Japan, okay? Ako nang bahala mag-explain kina Ma'am.I'm sure they'll understand." sabi ni Ar na ikinaluha ko.

Ang swerte ko talaga sa best friend ko, napaka-supportive

"Salamat Ar." mahina kong pagpapasalamat sa kanya.

"Tatagan mo lang ang sarili mo, Ness. Lilipas din to." dagdag pa niya.

"Okay." mahina kong sagot.

"Kapag kailangan mo ng makakausap andito lang ako, okay? Sabihan mo lang rin ako kung kailangan mo ng back-up at lilipad ako kaagad diyan." dagdag pa niya.

Bahagya akong napangiti.

"Thank you talaga Ar." pagpapasalamat ko ulit.

"Ito naman, parang others kung makapag-thank you sa kin. Para na kitang kapatid 'no, kaya natural lang na suportahan kita. Emotional support nga lang ang mabibigay ko sa ngayon." ani ni Ar na mas ikinalapad pa ng ngiti ko.

EXODUS: The Sakura PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon