pAgsubok lang yan Dre! <3

160 1 1
                                    

            Pagsubok? Wala akong alam sa salitang pagsubok , para sa akin isa lamang ito sa mga taong nag-emo-emuhan sa buhay, mga taong puro kalungkutan ang nasa isip,mga taong puro salita at walang ginagawa para umasenso at nag hihintay lamang ng pag ahon ng kanilang buhay.Ngunit lahat ng aking akala tungkol sa pagsubok ay mararanasan ko pala sa hinaharap,na kahit sa panaginip ay hindi ko aakalain .

            Ako sa Jay,pangalawa sa magkakapatid , masayahing bata, simpleng tao at may simpleng pamumuhay .Para sa akin ,napakaswerte ko dahil meron akong mga magulang na mapagmahal ,mga kapatid na mahal na mahal ko,at mahal na mahal ako,nakakapag-aral at nakakakain ng tatlong beses sa isang araw na hindi nararanasan na ibang bata.Akala ko,ako na ang napakaswerteng bata sa mundo,akala ko habang buhay kong mararanasan ang masaganang buhay, akala ko habang buhay na ang kaligayahang nararamdaman ko.Akala ko ,Oo akala ko lang pala..

Sundan niyo ang aking buhay.

---------------------

“Hoy Jaylord,gumising kana malalate ka na sa school”

Araw-araw yan ang aking naririnig tuwing umaga,ang boses ng aking mama.Ang pangalan ng mama ko ay Flor , maganda,masipag,maalaga,maalalahanin at higit sa lahat ay mapagmahal na ina.Kahit na minsan ay nag-aaway-away kaming magkakapatid,lagi syang may mahabang pasensya.

“Opo Ma,babangon na po” sagot ko

“kumain ka na dyan ha,hindi ka aalis hangga’t hindi mo nauubos ang pagkain mo”

“opo, mama nasaan si papa?” tanong ko

“umalis na kanina pa” sagot ni mama

Jun ang pangalan ng aking papa,siya ay Driver sa isang kumpanya,kaya maaga syang umaalis na bahay.Mabait ngunit strikto ang papa ko at laging ginagampanan ang responsibilidad sa amin,kahit lagi na lamang ito ginagabi kung umuwi.Mayroon akong dalawang kapatid si kuya Jayson ang panganay sa amin.Masungit ang kuya ko at minsan sinasagot si mama kaya’t lagi kaming nag-aaway ng kuya dahil sa ugali nyang yun.Ang bunso naman namin ay si Jun,kapangalan nya ang papa ko.Magkaiba naman sila ng ugali ng kuya ko.Mabait at sweet ang bunso namin.Ngunit kahit magkakaiba ang ugali namin masasabi ko pa rin na isa kami sa PERPEKTONG PAMILYA.Ganito lang aming daily routine puro masasayang sandali lamang ang aking nararamdaman.Sabi nga nila pag puro saya may kaakibat itong lungkot,pero hindi ako naniwala dun.Hanggang sa dumating ang malalaking problema sa aming buhay na nagpabago sa aking paniniwala.

            Isang gabi,habang nasa kalagitnaan kami ng pagkakahimbing nagising kaming magkakapatid dahil sa pagtatalo ng aming magulang.

“Bakit ba lagi ka na lang umuuwi ng lasing ha?” sigaw ni mama kay papa

“minsan lang naman ito,gusto ko lang naman magpakasaya paminsan-minsan !” sigaw din ni papa

“anong paminsan-minsan ?! Eh halos nga gabi-gabi ka na lang ganyan!”

“buong buhay ko,ngayon lang ako nagpakasaya pati ba naman yun ipagkakait mo pa?!”

            Nasa isang sulok lang kaming tatlong magkakapatid habang umiiyak.Ngayon lang naming nakita na nag-away sina mama at papa . Ilang linggo na ang nakakalipas ay wala pa ring pagbabago kina mama at papa.Araw-araw pa rin silang nag-aaway hindi na lamang sa pag-uwi ni papa na lasing kundi pati na rin sa nababalitaang pambababae ni papa.Hangga’t maaari ayoko kong maniwala sa balitang yun,ngunit hindi inaamin ni papa kung totoo o hindi ang mga balitang yun.Minsan na lamang kami inuuwian ni papa at sa minsanang iyon hinihiling ko na walang babae si papa.Isang araw nakita naming nag-uusap sa mahinahong paraan sina mama at papa.

“Iuuwi ko na lang kayo sa Probinsya” sabi ni papa

“pero bakit ?”tanong ni mama

“mahina na ang kinikita ng kumpanya na pinapasukan ko , hindi ko na kayo masusustentuhan ng maayos ,mabuti dun madali lang ang buhay ,makakakain kayo ng sapat,hindi niyo kailangan ng maraming pera para mabuhay.Wag kayong mag-alala papadalhan ko pa rin naman kayo ng pera e.Para rin sa inyo ‘tong gagawin ko” mahabang paliwanag ni papa

pAgsubok lang yan Dre! &lt;3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon