1

7 0 0
                                    

"Anong ipahuhula mo, hija?" Tanong ng matanda sa akin. Tinignan ko ang nagliliwanag na bolang kristal sa harapan ko bago ibinalik ang tingin sa matanda.

"Kailan ko 'ho po ba makikita ang para sa akin?" Tanong ko.

Bumuntong hininga ang matanda bago inilagay ang nga palad nya sa tapat ng bolang kristal at saka pumikit.

May mga ibinubulong sya na hindi ko maintindihan kaya kumunot ang noo ko pero hinayaan ko na lang na gawin nya iyon.

"Boo!" Nagulat ako nang bigla nyang sabihin iyon kasabay ng pagmulat ng mga mata nya.

"Sa paglabas mo, makikita mo sya. Naka suot sya ng...uhh..gray na damit." Sabi nya sabay ngiti.

"Po? Ngayon? As in paglabas ko?" Tanong ko.

Mabilis syang tumango habang naka ngiti. "Oo! Sa oras na makita mo sya ay huwag ka nang hihiwalay sa kanya! Sya ang naka tadhana sa iyo! Nakita ko na puno ng kasawian ang iyong puso dahil sa iyong nakaraan pero nakita ko rin na  mababago at magiging maganda ang buhay pag ibig mo ngayon, hija." Sabi nya sabay ngiti.

Talaga? Paglabas ko makikita ko na agad ang para sa akin? Ang bilis naman, hindi kaya niloloko ako ni manang?

Pero paano nya nalaman na puro ako kasawian?! Manghuhula nga pala sya.

"Ano pong hitsura nya?" Tanong ko.

"Ay, yan ang hindi ko masasagot. Hindi ako nakakakita ng mukha sa mga hula ko, hayaan mo na ang tadhana ang gumawa ng paraan para sa iyo." Sabi nya. Ngumuso ako at tumayo ako at lalabas na sana nang bigla nya akong pigilan.

"Ang bayad mo! Baka makalimutan, tatlong daan lang naman." Sabi nya sabay lahad ng palad nya sa akin at ngisi.

"Po? Tatlong daan? Ang mahal naman ho ng hula nyo." Reklamo ko habang dumudukot sa bulsa ko.

"Aba eh, wala nang mura ngayon, ano?" Sabi nya sabay taas ng kanang kilay na sobrang nipis at parang isang guhit na lang ng lapis.

"Sa iba nga ho, singkwenta lang eh" Sabi ko.

"Eh di sa kanila ka magpahula, basta ako hindi ako nanloloko, totoo lahat ng sinasabi ko!" Sabi nya sabay hablot ng three hundred sa kamay ko.

Ngumuso ako at lumabas na nang tent kung saan ako nagpahula.

Ipinasok ko ang dalawang kamay ko sa bulsa ng jacket ko at tinignan ang mga taong nagdaraan dito. Kapag hindi ko nakita ang sinasabi ni manang ay babalikan ko sya at babawiin ko ang bayad ko!

Paano kung pangit pala ang tinutukoy ni manang manghuhula, noh? Sana hindi, hindi deserve ng kagandahan ko ang ganoon pero ayoko din naman yung hindi ko ma reach reach, okay na yung tama lang.

Sumipol sipol ako habang tinignan ang mga tao dahil baka mamaya ay tama si manang at ngayon ko na mga makita ang para sa akin!

Ngumisi ako at nagpatuloy sa paglalakad. Naupo ko sa upuan at tinignan ang mga naglalarong mga bata. May mga nagtitinda ng lobo at mga pagkain katulad ng ice cream, cotton candy at mga fishballs.

Isinuot ko ang hoodie ng jacket ko at pinanood lang ang mga nagsasayang tao.

Wala na akong mga magulang at tanging ang tiyuhin ko na lang ang kasama ko sa buhay na kung hindi laging galit ay wala naman sa bahay.

Minsan nga gusto ko na syang layasan eh, sa dami ng utang nya ay sa akin nga pinaaako ang pagbabayad 'non dahil kabayaran daw iyon sa pagpapatira nya sa akin sa bahay nya.

Ako naman itong kayod nang kayod para lang mabuhay kami araw araw isama mo pa ang mga bayarin at utang nya, at tatlong taon na lang ay lalagpas na ako sa kalendaryo at hindi ko pa rin nakikita ang taong makakasama ko hanggang mamatay ako, gusto ko na magka anak! Pero ayoko naman magpa ano sa kung sino sino dyan para lang mangyari iyon, gusto ko sa asawa ko ibibigay ang sarili ko.

Maganda ako at alam ko iyon, nagkaroon ako ng maraming manliligaw at tatlong boyfriends pero lahat sila ay binigo ako. Si Josh na una kong minahal ay niloloko lang pala ako at pinagpupustahan ng mga kaibigan nya. Pangalawa ay si Ryan na katawan ko lang ang habol sa akin, nang ayain nya kasi ako na makipag talik ay tumanggi ako kaya iniwan nya ako. Pang huli ay si Creed na pinaka minahal ko sa kanilang tatlo, hindi nya ako niloko at hindi rin katawan ko ang habol nya.

Katunayan ay sya ang lalaking pinapangarap ng lahat. May kaya sya sa buhay, magandang lalaki at mabuting tao. Pero hindi sang ayon ang mommy nya sa akin dahil sa katayuan ko sa buhay. Pinadala sya sa Canada ng mommy nya kaya nagkahiwalay kami. Apat na taon na ang lumipas simula noon, kaya naka move on na ako at ready to mingle.

Tumayo ako para sana bumili ng cotton candy pero nagulat ako nang may lalaking tumatakbo galing sa bandang kanan ko at nabangga nya ako kaya natumba ako kasama nya!

Napapikit ako at naramdaman ang lupa sa likod ko habang sya ay nakapatong sa akin!

Nagmulat ako nang mga mata ko at nakita ang dalawang berdeng mga mata.

Teka? Green?

Bumaba ang tingin ko sa matangos nyang ilong na parang masarap magpadulas sa sobrang tangos habang ang mapupula nyang labi ay naka awang.

"M-Miss?" Narinig kong sabi nya kaya ibinalik ko ang tingin sa kanya at doon ko muling na realize ang puwesto namin!

Nataranta ako kaya agad ko syang itinulak dahilan para magulat sya. Tumayo ako at inis na tumingin sa kanya.

"Hindi ka ba tumitingin sa dindaanan mo?" Inis na tanong ko. Hindi porket guwapo sya ay palalagpasin ko na iyon!

"I'm sorry miss, i'm in hurry now. I need to go, i'm sorry again." Nagmamadaling sabi nya at inayos ang itim na sumbrerong suot nya bago nagmadaling umalis na parang may tinatakasan.

Napatingin ako sa suot nyang damit at nanlaki ang mga mata ko nang makitang kulay gray iyon!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 06, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Accidental BabyWhere stories live. Discover now