,

64 1 3
                                    

Special Mention to AdvanceGirl.

Bitch.

 February 13. Tanghaling tapat,

sobrang init. Yung tipong may makikita kang alon sa bubong ng bahay nyo, di na kinaya ng

electricfan dahil pati ito gusto nang bumigay.Gumagawa ako ng homework noon sa Draw(Drafting),

halos lahat na mainit. paligid, hangin pati na utak ko over heat na. Napasigaw ako ng "TED!

PATULONG NAMAN NG ASSIGNMENT! IKAW NA GUMAWA NETOO!"--- walang imik kahit san sigaw na ako ng sigaw.

"TEEED!!! ANO BAA?"

kinabahan na ako dahil parang napanood ko na to sa movies.may serial killer o psycho na sasaksakin ka sa tagiliran hanggang bumulwak ang dugo mo sa haba ng hiwa.

Sinubukan kong lumabas ng kwarto

"WOOSH"

Isang malamig na hangin ang tumambad saakin.

Naisip ko na masamang pangitain na ito may nangyaring masama! tumakbo ako hanggang sa labas ng laking gulat ko!

PULA!! PARANG DUGO!! SANA SAKIN NALANG NANGYARI bakit siya pa!!!

si Ted~ bumili ng ice scramble yung strawberry.

Nakita agad ako ni Ted at sinabing

" JD! kunin mo na nga to! kanina pa kita hinahanap saan ka ba nagpupunta? init init dyan sa loob ng bahay eh!"

agad na sinabi kong

"Akala ko na-pano ka na! laki mong epal! yung 15pesos bilin mo sakin para malaki!".

Binilan ako ni ted ng masarap at malamig na strawberry ice scramble, yummy parang wow ulam lang pero si Sam Pinto ang model.

Hapon na at medyo bumababa na ang araw. Niyaya ko si Ted maglakad papuntang bayan,

"Ted, Punta tayong bayan." dagliang sabi niya sakin " Naka shabu ka ba? anong bayan pinagsasasabi mo? Lapit lapit ng SM eh"..

Doon ko palang na realize na ang hirap pala talaga ng Draw. Nakakabangag. Isang oras kami sa SM Moa, wala lakad lakad lang.

paguran tingin lang ng tingin.nagaabang ng mga koreana na cute. haaay buhay nga naman walang mapaglaanan ng pagmamahal.

nag yaya na si ted umuwi

" JD tara uwi" ,

"ge" sabi ko.

Gabi na noong makauwi kami mga 7 30 daming pinapanood ni ate Nat sa youtube,

kung ano anong teleserye na di nya naabangan mga teenager na nagaaral sa school,

may mga lovelife at mayayaman, parang walang problema sa mundo kundi ang hiling nilang

magustuhan sila ng kabarkada nila. wala nagiikutan lang dun.

"Ate Nat, ano ba meron dyan?eh malayo naman yan sa katotohanan eh. parang di naman talaga yan nagaaral. kung gusto nila makakuha ng magandang storya dapat yung makatotohanan. yung hirap na hirap sila na makakuha ng 3 o kaya 70 na passing, puro projects at group work. eh parang props lang dyan yung school eh ",

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 23, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon