Trespasser [EXO-K Kai]

4.4K 54 22
                                    

Copyright © 2013 by SweetyAnn

Trespasser [EXO-K Kai]
written by: SweetyAnn

"Hyacinth Sy Amparo!! Hindi ka nanaman pumasok sa klase mo! Xiufu nǐ de shenghuo! (fix your life!) Ano ba? What are you planning to do with your life? Why are you such a brat?! WTF!!---" gigil na sabi ni mommy. Ghaad. kung makapag-Chinese, akala mo Chinese!

Pinindot ko na ang end call at sobra nang nadadamage ang precious eardrums ko. But the hell I care, nalaman niya sigurong 2 weeks na ako'ng hindi pumapasok sa school.

Well, duh, She wants me to become a teacher just like her! Ang hirap kaya ng pinipilit ka sa bagay na hindi mo gusto. I'm more inclined to painting rather than teaching. At kung susukatin ang pasensya ko sa bata, mas mahaba pa ang buhok niyo sa ilong.

Napabuntong hininga nalang ako. Kelan ko kaya mapapapayag ang ina ko na payagan ako sa gusto ko? Daig pa niya ang isang diktador kung makapag-manipulate sa buhay ko. Kulang nalang ilista ko lahat ng orders niya sakin.

Pag nakikita ko nga siya, napipicture-out ko sa face niya ang words na "DO's and DON'TS" sa dami ng mga bagay na sinasabi niya. She's like a living machine gun. Pag nagsasalita siya puro *Bratatatata* *Braatatatata* lang naririnig ko. :))

"Can you please pass the chips?" sabi ko sa yaya ko na kanina pa ko pinapaypayan. Ang init kasi dito sa Batangas. Magtataka siguro kayo kung bakit at the age of 19 eh may yaya pa rin ako. Simple lang ang sagot jan, mayaman kami.

Yes, you heard it right. Dito ako nagstay for 2 weeks na nawawala ako na kung iisipin ay sobrang layo ko sa bahay namin which is in Ortigas pa. Good luck nalang sa inyo sa kahahanap sa akin. Tama talaga yung kasabihang habang pinipigilan, lalong nagmamatigas. I will not go back to Ortigas hangga't si mommy parin ang nasusunod sa lahat, sobra na siyang nakakasakal.

"Yung Cheppy po ba o yung Ve-Cut?" my nanny said. Hehe

That's one of the reasons too why I brought her with me. Lagi niya ako'ng napapatawa in times na badtrip ako. Infact, mas masaya pa siyang kausap kaysa sa ina ko.

"Nay Lita, yung Pringles nalang po," saya ko rin kausap noh? Wala sa options niya ang pinili ko.

Tinanaw ko ang magandang view. Nandito kami ni Nanay Lita sa isang kubo na nakapwesto sa gitna ng dagat. Private property ko to and hindi alam ni Mommy na saakin to dahil nung binili ko to, It is under the name of Hyacinth Sy. Ginamit ko ang middle name ko to make sure na hindi ako mattrace ng ina ko. Clever right?

Mahal na mahal ko ang lugar na to, kung pwede nga lang dito nalang ako lagi. Ang sarap pa tignan ng sobrang linaw na tubig. Isama mo na ang nakakakalmang tunog ng alon. This is very peaceful.

"Magpahinga po muna kayo Nanay. You can sleep in the guess room if you like,"

Trespasser [EXO-K Kai]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon