Prologue !
"Darren, samahan mo nga ako doon. Please?"
Tanong ko sa kanya with matching puppy eyes habang hinihila siya papunta sa canteen kung nasaan ang crush kong si Juan Karlos Labajo.
"Ayoko na, Sam. Kanina pa natin sinusundan 'yang JK na 'yan a. Di ka pa ba napapagod?"
As expected, 'yan nanaman ang isasagot niya. Ewan ko ba dito sa Darren Espanto na 'to! Kung di ko lang 'to best friend, matagal nang nakatikim sa 'kin 'to. Ang sungit sungit e. Dinaig pang nanay ko. Hmp!
"Sige na please? Ililibre kita ng lunch."
Pamimilit ko pa sa kanya, kahit naman alam kong 'di pa rin siya papayag. Makulit ako, at proud ko dun. Hahaha!
"Kung gusto mo pang pumunta dun, e di ikaw na lang mag-isa! Dinadamay mo nanaman ako sa kalokohan mo e. Dyan ka na nga!"
At ni-walkoutan nanaman ako ng lolo niyo. Tss. What's new? Parati naman siyang ganyan pagdating kay JK.
Siya si Darren Ethan Espanto, ang classmate slash bestfriend ko dito sa Torres Villamor Ocampo Peralta Academy o mas kilala sa tawag na TVOP Academy.
Dati, loner lang 'yan. Di siya mahilig makisama sa mga tao dahil galit daw siya sa mundo. Ang lakas nga ng loob makapandamay ng mga tao e, sa mundo lang naman pala galit. Pero dahil nga napakulit kong bata, isang taon ko 'yang kinulit para maging best friend ko.
Nung una nga, para akong tangang kinakausap 'yan e. Ne isang salita, walang mailabas sa bunganga. Tapos 'yung mata niya halos hindi kumukurap. At dahil dun, mas lumaki yung intensyon kong maging kaibigan siya. Hanggang sa isang araw, nagulat na lang ako ng bigla niya akong kausapin. At dun na nagstart yung friendship namin.
Weird ba at hindi gaanong detailed? Pasensya na, 'yan lang kasi ang kinaya ni author e. Sorry po.
At ako, ako naman si Samantha Po. Half Chinese po ako kaya Po ang surname. Si Darren nga lang ang pinayagan kong tawagin akong Sam. Dahil first of all, nagmumukhang numero ang pangalan ko sa twing Sam lang ang tinatawag sa akin, idagdag mo pa 'yung apelyido kong Po. O 'diba, e di perfect ten na. Saka pangalawa.. Umm.. Teka lang a, nakalimutan ko kasi e.
Author! Bakit nga ba ayokong magpatawag ng Sam?
Author: Aba ewan ko sayo. Story mo 'yan, dapat alam mo.
Tss. Ang sungit mo naman, author. Binigyan mo pa ako ng homework.
Ah, anyway, nevermind niyo na lang 'yung pangalawang rason.
Ako nga pala ulit si Samantha Po at ito ang storya ko.