Sa ilalim ng madilim na gabi ay tanging yabag ng mg paa sa bubong ang narinig ng mga karaniwang tao marahil ito ay si Noah na hinahabol ang mga babaylan na nasobrahan sa kapangyarihan kaya nagwawala ito at nangangain ng mga spirito ng mga taong gumagala sa kalye
Ilang sandali pa ay narinig nila ang malakas ng sigaw ng babaylan na nakaluhod sa lupa habang nakatingin kay Noah ng matalim
"Ikaw ang tanging banta sa aming mga babaylan kung hindi dahil sa banal na saserdotisa ikaw ay matagal na namayapa kasama ang iyong pinakamamahal na asawa "
Banal na saserdotisa or divine priestess
"Kung gayon mauna ka" sabay gilit nito sa leeg at tumalsik ang dugo nito sa sa spada na hawak ni Noah.
Nakatingin kay Noah ang lahat ng tao sa paligid walang sinuman ang nagsasalita lahat ay natatakot sa kanya
limang taon ang nakalipas ay namatay na ito ngunit nabuhay muli dahil sa tulong ng banal na saserdotisa at itinalaga ng tagapuksa ng mga nagiging ligaw na babaylan
Ang araw na naging makapangyarihan si Noah ay ang araw din na namatay ang pinakamamahal niyang asawa na kahit limang taon na ang nakalilipas ay hindi niya malilimutan
"Ina" mahinang Saad ni hiraya habang sinusuklay ng ina ang buhok nito "kailan po ako maaaring umalis sa kwartong ito?" Napatigil si Dolce sa pagsusuklay sa anak
"Habang buhay ka rito, hindi ka maaring umalis" tanging buntong hininga nalang ang tanging naging sagot nito sa ina
Limang taon na ang nakalipas at nakakulong siya sa isang malaking kwarto, Wala siyang ideya sa labas dahil limang taon na rin ang nakalipas na nawala ang kanyang ala-ala.
"Aking hinihilong na sana dadating ang araw na ako'y makakalaya"
BINABASA MO ANG
Destined to love you
FanfictionAng pag-ibig ay dadating kung kailan hindi mo inaasahan Hiraya Mendoza Isang dalagang tanging mithi ay makamit ang kalayaan sa loob ng limang taong pagkabilango sa loob ng tahanan Noah De Leon ang tagapuksa ng mga ligaw na mga babaylan na kumaka...