This is my very first one shot, hope you'll like it. :D
--------------------------------------------------------------------------------
Ako nga pala si Lanelyn, "Lani" for short. At crush ko ang kapitbahay kong gwapo si Gerard . Eh, sa ang gwapo naman talaga kasi niya, eh!!! Kaya lang may istorbo ang kakambal niyang si Gerald. See? Isang letra nga lang ang magkaiba sa pangalan nila. Tinamad siguro ang parents nila maghanap ng mga pangalan. *laughs* But by the way, ang dahilan kung bakit malaking istorbo ang taong kamukha ng irog ko ay dahil bigla lang siyang sumusulpot sa kwarto ko!!
As in!! Bigla-bigla parang nagte-teleport!! Alam kung exaggerated na iyon pero parang ganoon kasi ang ginagawa ng lalaking iyon. Magkatapat kasi ang kwarto namin. Hindi ko alam kung paano siya tumatawig patungo sa kwarto ko. Katulad ngayon.
"Ano na naman ba ginagawa mo dito sa kwarto ko, Gerald?!" sigaw ko sa kanya.
"Hindi ba pwedeng bisitahin ang mahal ko?" Yeah, tama ang nabasa niyo. Gusto niya ako! Bakit sa lahat ng taong pwedeng magkagusto sa akin, siya pa? Hindi naman sa namimili ako. Gwapo rin naman si Gerald. Kambal nga sila ni Gerard di'ba? Kaya lang noon pagkabata si Gerard na ang nakita ng puso ko. Corny ko, noh? Hehe. Ito kasi yun nangyari.
Umiiyak ako sa sulok dahil inaway ako ng ibang bata. Kinukutya nila ako dahil payatot kasi ako.
"Anong nangyari sa'yo?" tanong ng isang bata sa akin.
"Huhu... Away nila si Lani... Huhu..." sumbong ko sa kanya.
"Huwag ka nang umiyak. Poprotektahan kita." sabi niya sa akin sabay ngiti at bigay sa dala nitong panyo.
AH! Kahit matagal na iyon kinikilig pa rin ako!!! At kung tinatanong ninyo kung bakit ako sigurado na si Gerard iyon kahit hindi niya sinabi sa akin ang pangalan niya ay dahil magkaiba ang ugali nila Gerard at Gerald. Mabait ang irog ko habang ang lalaking iyon ay may pagkabastos pero mabait naman siya sa sarili niyang paraan. Bastos ka nga lang.
Kung bakit ko nasabing bastos siya,
"Hoy, Lani! Pansinin mo naman ako dito. Alam akong gwapo ako pero huwag mo naman akong titigan." At conceited din siya.
"Che! Bumalik ka na nga sa bahay niyo! Baka..." hindi ko na natapos ang sasabihin ko sana dahil ayun at hinalikan na naman niya ako! At sa labi ko pa!! Kaya bastos siya! Hinahalikan lang niya ako bigla-bigla. Pero sa hindi ko malaman dahilan ay mas bumilis ang tibok ng puso ko.
"Yes! Kompleto na ang araw ko!" sabi niya saka pumunta siya sa nakabukas kong bintana para tumawid sa kabilang bahay. "Bye!" At nakaalis na siya agad bago ko pa siya nasuntok! Iniwan niya na naman ako nakatulala! Lagi na lang niya iyon ginagawa tuwing umaga!
BINABASA MO ANG
Crush ko; Ang kapitbahay ko? (One Shot Story)
Teen FictionCrush ko; Ang kapitbahay ko? (Copyright 2013 © hatsuneRiko)