The Sun & Moon

578 25 10
                                    

Simula

Hindi lang ang sakit ng katawan ang iniinda ko pati na rin ang sakit ng puso ko. I can see pain in his eyes, but anger is more evident. He'll do everything to survive. No matter what it take. Sigurado ako. Things you'll do for family.

Isang punyal ang pinakawalan ko at ka-agad namang tumama sa likod ng isang lalaking sasaksakin sana siya. Agad itong bumagsak dahilan kung bakit lumingon siya sa gawi ko ngunit agad din naman akong nag-iwas ng tingin at nakipag-laban muli.

Naubos ang mga kalaban at kaming dalawa na lang ang natitira. Ang distansya namin sa isa't isa ay hindi naman gaano kalayo. Sapat ito para makita namin ang isa't isa ng malinaw at maayos. Gusto kong tumakbo, yakapin siya at humingi ng tawad.

Ngunit wala sa amin, ni isa, ang gumagalaw at kumikilos subalit ang mga mata namin ay nangungusap 'tila ba may sariling komunikasyon ang mga ito.

Baby, do we really have to do this- fight each other?

Humakbang siya paharap pero humakbang ako patalikod. Hindi ko na kaya ang katahimikan na bumabalot sa aming dala. Nilulusaw ako ng mga titig niya.

"Why did you save me?" I got stunned. Hindi ako maka-sagot. Galit. Galit ang nakikita ko sa mata niya. Isang butil ng luha ang pumatak sa mata ko. "Why did you betray your comrade only to save me?"

Because I love you.

"Akala ko lang kalaban. I was wrong." malamig kong tugon.

"Liar!" sigaw niya. Pinakawalan niya ang pana niya at inasinta sa gawin ko ngunit agad akong naka-iwas. Tumalon ako patungo sa direksyon niyang naka-amba ang kutsilyo sa dibdib niya ngunit nasalo niya ang leeg ko.

I did not feel any fear or pain. Mas nararamdaman ko ang kaligayahan na napigilan niya ang tangka kong 'yon. Hindi ko siya nasaktan.

Expected kong sasaktan at papatayin niya ako pero hindi niya ginawa. Ibinaba niya ako at tinanggal ang pagkakahawak sa leeg ko. Hinila niya ako't niyakap.

"Hindi ko kaya, Selene." habang kinakapos ang hininga.

Hindi ko din kaya pero isa lang ang dapat matira.

Nag-unahan sa pagtulo ang mga luhang kanina pa nagbabadya. Naninikip ang puso kong maramdaman kung gaano kasikip ang paghawak niya sa'kin dahil sa pangungulila. Nadudurog akong marinig ang hikbi niya.

Iginaya niya ang pisngi ko paharap sa kanya. Pinutol niya ang katahimikan sa pagitan naming dalawa, "You don't just mean the world to me. You mean much more than that. Even the whole universe doesn't come close. I love you just like the way the sun lets her rays ached to death just to breathe life to the moon. Ikaw ang buhay ko, Selene."

Ang sakit. Naramdaman ko ang labi niyang dumampi sa labi ko. Pinaubaya ko ang sarili ko sa kanya. Hindi ko mabaybay ang salita na dapat kong bitawan sa sitwasyong ganito. Hinayaan ko siyang halikan ako. Kung sabik siya, sabik din ako. Sa pamamagitan nito sana maramdaman niyang mahal ko din siya. Mahal na mahal

Masakit, oo pero umaasa ako sa sinabi niya na baka pwede kami, na baka pwede namang hindi namin kalabanin ang isa't isa, na pwedeng kalimutan naming Lunar ako at Solis siya.

Naramdaman ko ang isang punyal na tumarak sa dibdib ko. Tumigil siya sa paghalik sa'kin. Nanatili akong nakatitig sa kan'ya.

Nilalabanan ko ang katawan kong bumigay pero mabigat na ang pakiramdam ko at kinakapos na ako ng hininga. My eyes are shutting down.

I want to ask him why he had to put a knife in my heart after he confessed how much he love me? Pagkatapos ng mga sinabi niya akala ko hindi kami aabot sa puntong mayroon ngang mamatay sa aming dalawa. Hindi ko lang akalain na kaya niya pala. Naiintindihan ko..

Isa lang ang dapat matira

Hindi ko maiwasang masaktan kasi umasa ako na kahit papaano hindi niya ko kayang patayin kagaya ng dikta sa amin ng mga magulang namin pero gusto kong sabihin na naiintindihan ko ngunit kinakapos na ako ng hinginga.

I guess, moon was never meant for sun. Just like Selene was never meant for Apollo. We are bound to kill each other.When the last teardrop fall, I whispered his name, "Apollo..."

The Sun & MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon