Nagising ako sa liwanag ng ilaw na tumatama sa mata ko na'san ako? Naalala ko ang pagkuha sakin kanina ng dalawang lalake na naka mask. Bakit ganito ang lugar? Hindi ba dapat nasa lumang building kapag dinudukot? Bakit sobrang ganda dito. Isang malambot na kama? Isang magandang cabinet? Isang malinis na Cr. Isang maluwang na sala? Isang magandang chandeliers?at meron sariling kusina.Tumingin ako sa salamin nagulat ako dahil iba na ang suot ko ang kaninang white dress naging Spaghetti strap na hapit sa'king katawan labas din ang aking cleavage.Napatigil ako sa aking pag iisip dahil sa tunog ng cellphone. Agad ko itong kinuha sa kama at sinagot ang tawag. Hindi ko alam kung sino to dahil number lang ang nakalagay buti nalang at hindi nahulog ang cellphone ko kanina pwede ko pa tawagan si Nicole para matulungan ako. Kung si Astrid naman ang tatawagan ko alam kong wala syang pakielam sakin baka sabihin pa nun na wag na akong bumalik, ang sakit isipin.
"Hello, kung sino man kayo tulungan nyo po akong makalabas dito hindi ko alam kung na'san ako!"tuloy tuloy kong sabi kinagat ko ang aking labi hindi ko na alam ang gagawin ko baka hinahanap na ako ni Astrid.
"Hija calm down it's me Mommy Eva" nabuhayan ako ng loob.
"Mommy Eva asan po ako? Tulungan nyo po ako" i said.
"Relax lang hija ako ang nagpakuha sayo" rinig ko ang tawa ni Mommy Eva. Bakit? Anong kasalanan ko?
"H-ha? B-bakit?" kinakabahan kong sabi.
"Na'sa Beach Resort kayo ni Astrid na pag aari namin Flaire, plano ko talaga yan para magka apo na'ko" what? So nandito rin si Astrid? Bigla akong namula sa sinabi nya.
"A-andito rin po si A-astrid? " hindi maganda ang huli namin paguusap.
"Yes hija, mamaya may dadating jan na babae dadalhin ka nya kay Astrid"
"Pero Mommy Eva wag po muna ngayon" pag tanggi ko sa kanya, ayoko pa syang makita pwede ba bukas nalang? Hindi kami okay baka ibigay nya na naman sakin ang annulment paper hindi ko kaya.
"No, i want now Flaire kaya enjoy kayo jan may 1 week pa kayo para bumuo" narinig ko pa ang pagtawa ni Mommy Eva bago nya tuluyan patayin ang tawag. Bakit ba nangyayari to napahawak ako sa aking noo hindi ko alam kung pano haharapin si Astrid.
Saktong pagbaba ng tawag ang pagbukas naman ng pinto.
"Good evening po ma'am, hinihintay na po kayo sa baba" ngiting sabi ng babae.
"Hmm Can i ask something?" I said.
"Ano po yun?"
"Anjan naba si Astrid"
"Opo ma'am pinuntahan na po sya ng kasamahan namin magkatabi lang po kayo ng room"
Hindi ko maiwasan na hindi kabahan ang daming what if na pumapasok sa utak ko. What if ibigay nya na naman sakin ang brown na envelop na yun. Ang sakit isipin sobra pumikit ako ng mariin at nakuyom ang kamao.
"Ma'am ayus lang po ba kayo?" naramdaman ko ang paglapit nya.
"I'm okay, let's go" akmang aalis na ng pinigilan nya ko.
"Wait ma'am may ilalagay po ako sa mata nyo" hindi nya na ako hinintay magsalita tinakpan nya na ang mata ko.
BINABASA MO ANG
Until the End (Ongoing)
RomanceSya si Akiesha Flaire Chavez ang babaeng hindi sumusuko sa kahit anong bagay. Kahit hindi sya mahal ng kanyang Asawa kahit sinisisi sya nito dahil sa pagkamatay ng dating minamahal ng kanyang Asawa. Ano nga ba ang gagawin ni Flaire? Kapag dumating...