Hindi kami mayaman alam ko yung feeling ng walang wala sa buhay kaya sumasama ako kay nanay sa isang organisasyong tumutulong sa mga tao, ang "SD humanitarian Services" o SDHS. Simula nung high school ako pag kauwi sa bahay nagpupunta ko sa "house of zion" parang meeting house iyon para sa mga projects na gagawin at para rin makasalamuha ang mga tao doon may mga matatanda,bata,at mga kabataan.
May nakaassign na mga foreigner din na kasamang tumutulong doon minsan sumasama ako sa kanila bumisita sa mga tao, noong nagkolehiyo ako madalang na lamang ako bumisita doon at sumama sa kanila dahil sa sobrang busy at kailangang tutukan ko ang aking pag aaral at baka matanggal ako sa scholar.
4'11,45kg.kayumanggi ako,hindi ganun kagandahan na kagaya ng mga princess
sa mga palabas. Hindi pa ako nagkakaboyfriend dahil sa paniniwalang kung sino ang first sya na rin ang last.
Sunday morning,nagpunta ako sa house of zion ng makita ko ang mga bagong mukha. 2 na bagong naka assign ang aking nakita.
Nakaupo kami at may2 foreigner ang nag pakilala ang una ay taga Australia na si Fredrick William.
at ang
isa ay taga Netherlands,Green eyes,maputi,6'2 yung height at mukhang prinsepe. kung nakikilala nyo si Ansel elgort o si Augustus Waters ng (the fault in our stars) ganun ang mukha nya pero naka barbers haircut
Sinabi nyang nag 3mons. training daw sya para sa filipino language kaya hindi na nakakapagtaka na magaling syang managalog pero kahit ganun gusto nya parin daw mabihasa.
disenteng disente talaga ang dating nya, and yes ! exactly ganun ang dreamboy ng karaniwang mga babae kaya habang tinitignan ko sya sinabi ko sa sarili ko na sya na.....
BINABASA MO ANG
I thought you were my prince
Short StoryNakita nyo na ba ang prinsipe nyo? Akala ko sya na e, nagkamali ako. Naranasan nyo na ba mag kagusto sa isang taong hindi dapat? na hanggang pag papantasya lang ang kaya mong gawin para maging masaya ka.. Sa pagiging filipina natin hindi dapat na ta...