Mahal ko sya. Mahal na mahal ko sya
. Bata pa lang kami alam ko ng may gusto ako kay Mia. Pero syempre katulad ng iba hindi ko sinabi kasi takot din akong masira ang friendship namin.Araw-araw ko syang kasama. Araw-araw kong nakikita ang mga ngiti nya. Akala ko masaya na ko kahit,ganoon lang kami. Hindi pala. Recognition namin noon nung 3rd year kami, sabi nya sakin may ipapakilala daw sya sakin.
"Best ito nga pala si Raim, boyfriend ko" sabay ngiti at akbay sa kanya ng boyfriend nya.
Nagulat ako. Parang nayanig ang buong pagkatao ko sa sinabi nya. Parang nabuhol ang mga dila ko at wala akong masabi sa kanila. Ngunit hindi ko ipinahalata ang nararamdaman ko at nakipag kamay ako sa lalaking pinakilala nya
"Kumusta pare ako nga pala si Royce bestfriend ni Mia." Sabay abot ng kamay ko sa kanya inabot naman nya ang kamay ko sabay sabing
"Ok lang naman. Raim nga pala" sabay bitaw sa kamay ko
Friday na ngayon dalawang araw na lang patapos na ang bakasyon at araw na naman ng pasukan.
Simula nung araw na ipinakilala nya sakin yung Raim na yon madalang na lang kami magkita, madalang na lang kami mag text. Andaming nagbago sa aming dalawa. Ang sakit lang sa loob ng dalawang buwan na bakasyon. Dalawang buwan din akong nagtiis sa sakit na nararamdaman ko. Akala ko ito na yung pinaka masakit na bagay na pwede kong maramdaman.
Maya-maya may nag doorbell sa bahay namin dahil ako lang ang tao sa bahay malamang na ako ang magbukas ng pinto.
Pagkabukas ko ng pintuan nakita ko si Mia na nakadress na blue at nakangiti sakin..
"Hi best!"
"Hi Mi! Pasok! Pasok!" Pinaupo ko sya sofa atsaka tinanong.
" o bat naparito sng maganda kong bestfriend?"
"Haha! Bolero ka talaga. May lakad ka ba mamayang gabi?"
"Hmm. Wait. Sa pagkakatanda ko aalis ata kami ni mommy magdidinner ata kami sa labas. Why do you ask?"
"Hmm.. ganun ba.. sayang naman.. aayain sana kita e.. May party kasi sa bahay nila Raim.. Papasama sana ako sayo.."
"Hmm. Ganun ba. anong oras ba yun?"
"7pm"
"What 7pm?! Payagan ka kaya ni tita umalis e gabi na yun"
"Oo nga. Kaya papasama sana ako sayo para payagan ako ni mommy kasi pumapayag naman yun pagkasama ka."
"E. Anong gagawin mo ngayon? E kung wag ka na lang kaya pumunta? Delikado yun gabi tas wala ka pang kasama."
"Kasama ko naman si Raim no. Di naman ako papabayaan nun. Tsaka nag promise ako sa kanya na pupunta ako e."
Natahimik ako bigla. Oo nga naman. Bat hindi ko naiisip yun. May boyfriend na nga pala sya. Hindi na ako ang nagpoprotekta sa kanya.
"Hoy best!"
"O bakit?"
"Bat natutulala ka naman dyan?"
"Wala no. May iniisip lang ako."
"Hmm. Ganun ba. Sige best una na ko ha. Bahala na kung anong sasabihin ni mommy"
"Sige Mi. Goodluck sa pagpapaalam" sabay kunwari tawa ko.
"Sira ulo! Sige una ko. Bwisit ka!"
"Ge.ingat!!"
Hinatid ko sya ng tingin hanggang hindi ko na sya makita. Bigla kong naisip sana hindi sya payagan ni tita. Hindi ko masabi sa kanya na ayaw kong pumunta sya dun. Dumeretso na lang ako sa kwarto at doon nagpatay ng oras habang nagmumukmok.
BINABASA MO ANG
The time (one shot)
Historia CortaThe feeling of regret when you should have said it earlier.