Spin the Bottle

63 2 0
                                    

"Tara na kasi Carly!"

"Ayoko nga Lift!"

"Tara na dun sa shore! Kaya nga tayo nagpunta dito para mag-enjoy eh! Ikaw nakahiga lang dyan!"

Gaaaaaahd! Bakit ako nagkaron ng crush na ganito kakulit? Ayoko ngang lumabas kasi nahihiya ako sa pinasuot nung isa kong bestie! Baka pagtawanan lang ako ni Lift!

Pero sige na nga para masaya! Sexy naman ako eh!

Nakablack two piece kasi ako. Binuksan ko na yung pinto at bumungad sa akin si lift na nakatopless. Shetness! Ang 6 pack!

"Buti naman lumabas ka na!" Sabay hila niya sa akin papuntang shore. Nag-aya kasi yung mga kabarkada namin para pumunta dito sa beach. 7pm na din eh, magbobonfire daw kami.

"Ang pangit ng suot mo" sumimangot ako dahil sa sinabi niya. Akala ko naman maganda yung suot ko kasi kanina ko pa napapansin yung mga nakatingin sa akin na lalaki. Hindi naman pala.

Nakita kong nakaupo lahat ng kaibigan namin sa paligid ng bonfire kaya umupo na rin ako, sumingit ako sa gitna nila Chloe and Nadine. Sila yung pinakaclose ko. Si Lift naman umupo sa tabi nila Warren at Ben (rhyme :)) which is sa harap ko.

"Kumpleto na tayo kaya maglaro na tayo!" Laro?

"Anong laro" nadine.

"Spin the bottle, pero dapat may thrill. Kung kanino tumapat yung bote ay tatanungin ng lahat. Kahit anong gusto nilang itanong" umagree yung iba kaya sumali na din ako.

Natatawa ako sa mga natatapatan ng bote. Kung ano anong kalokohan yung tinatanong nila.

3 na yung natatapatan hindi pa ako natatapatan eh. Inikot nila yung bote at tumapat sa akin.

"Ako na" nahihiyang sabi ko.

"Hala! Hindi pa tignan mo nakagilid yung bote ibig sabihin kay Nadine yun!" Sigaw ni Kyla. Ha? Tinignan ko yung bote...nakagilid. Kanina nakatapat sa akin yan eh.

"Ok" sagot ko na lang. Tumapat ulit sa akin yung bote kaso sabi nila nakadireksyon daw kay Chloe.

Hayaan na nga para hindi agad ako.

Inikot na nila yung bote kami na lang ni lift yung hindi natatapatan. Sa akin tumapat kaya tumingin silang lahat sa akin.

"May first kiss ka na ba?"-Ben

"Wala pa"

"Have you been touched?"-Warren

"No"

"May secret relationship?"-Kyla

Grabe naman mga tanong nito. Parang seryoso yung mga tanong nila sa akin? Katakot ah.

"Wala" pano ako magkakaboyfriend eh si Lift yung mahal ko. Hindi naman niya ako napapansin eh.

"Nainlove ka na ba?"-Greg

"Yep"

Grabe yung mga tanong nila! Nakakakaba! Baka tanungin nila kung kanino! Patay ako!

"Eh ngayon? Inlove ka ba?"-Nadine

"Yes"

Gosh! Wag naman na yan yung tanungin niyo oh!

"Mga ilang years na?"-Chloe.

Ilang years na ba? 19 na ako ngayon. Ah 6 years na din pala mula nung maging makilala ko si Lift sa High School first year ako nun at 2nd year siya.

"6"

"Tagal na nun ah!" Comment ni Kyla. Nginitian ko na lang siya. Si Lift na lang yung hindi pa nagtatanong.

Spin the BottleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon