Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.***
"OH! ISA NALANG DITO!"
Isang normal na araw sa Manila, gigising, kakain, papasok sa trabaho, tapos uuwi. Ganyan ang takbo ng buhay ko araw-araw, wala naman na akong pamilya dahil galing ako sa bahay-ampunan. Ni hindi ko nga sila nakilala, pero pasalamat na rin na wala akong pamilya. Sa hirap ng buhay ko ngayon? Sarili ko nga ay hirap kong buhayin.. paano pa kaya kapag pamilya na?
Ako si Fionna Dionne Castro, 21. Highschool lang ang natapos ko sa hirap ng buhay, pero kahit papaano ay matalino naman ako. Nagtatrabaho ako sa isang Call Center, nagtataka siguro kayo kung paano ako nakapasok? Bukod kasi sa may utak ako, kaibigan ko rin kasi ang may-ari. Hindi naman sa pagmamayabang pero sa kung anong-hinirap ko ay yumaman naman ako sa utak.
Maputi ang mga balat ko, nagtataka nga rin ang ibang tao kapag nakikita ako dahil sa bukod na maputi ako ay kahit papaano ay may itsura rin ako. Iniisip ko nalang na siguro ay maganda at maputi rin ang nanay ko. Kayumangging mga mata, Makakapal na kilay, mahahabang pilik-mata, matangos na ilong at ang kulay pula kong labi. Tinatanong nga ng iba kung ano daw ang lip-tint ko, kapag naman sinasabi kong normal na kulay lang ng labi ko iyon ay hindi naman sila naniniwala.
Marami ring nagtangkang mangligaw sa akin pero wala akong sinagot, wala naman kasi akong panahon para sa mga ganon. Maraming tumatawag sa akin na 'ambisyosa' dahil akala mo raw kung sino ako, feeling maganda. Hindi ko nalang sila pinapatulan dahil hindi naman nila alam ang mga ganap sa buhay ko, mga chismosa nga naman.
"Sandali lang ho!" binilisan ko ang pagtakbo kahit naka-heels ako, mahirap na dahil nagkakaubusan ng jeep dito sa Manila. Mabilis kasing mapuno dahil maraming nag-aabang.
Nakahinga ako ng maluwag nang makasakay na ako, siksikan pa nga dahil sa dami ng tao. "Oh, dalawa pa dito!" gulat akong napatingin sa kuyang barker.
"Hoy kuya! hindi mo ba nakikita na siksikan na kami rito? Tapos magpapasakay ka pa ng dalawa?" napatingin sa'kin si kuyang-barker.
"Miss, kung may tutol ka pwede ka namang bumaba! at maghintay ka ulit na sasakyan na jeep, tignan ko lang kung hindi ka abutin ng gabi rito!" lihim akong napamura sa aking isipan. Dahil may point sya, baka abutin ako ng gabi rito kaya tumahimik nalang ako.
Nang umandar na ang jeep, pinasuyo ko na ang bayad ko, "Sa Binalate ho,".
Sa pagod ko sumandal na ako upuan. Halos isang puwet ko na nga lang ang nakasakay sa rami naming pasahero. Inaantok ako pero pinipigilan kong makatulog dahil baka malagpasan ang bahay ko.
Nakaramdam ako ng kirot sa aking paa, namula ito dahil sa pagtakbo ko kanina. Hayst, hindi nalang sana ako nag-heels pero anong magagawa ko? Required sa trabaho e. Napaigtad ako sa aking upuan nang maramdaman kong hinihipuan ako ng katabi ko. Ang kamay nya ay nasa hita ko, tumataas-baba ang kamay nya.
Nagsisimulang kumabog ang dibdib ko sa kaba, marami na akong na-encounter na ganito pero hindi pa rin ako sanay. Tinapik ko ang kamay ng lalaki at tinignan siya, naka-ngisi pa ang manyak. Napangiwi ako ng makita ko ang mga ngipin niya noong ngumiti siya, sira-sira ito at may mga tartar pa.
Lumayo ako ng bahagya sa kanya dahil naamoy ko ang mabaho nyang hininga. Lalapitan pa sana nya ako pero may pumara na pasahero kaya medyo nabawasan kami, tumingin ako sa mga pasaherong natitira, nagbabaka-sakaling may tumulong sa'kin.
YOU ARE READING
Hello, Mr. Stranger
RomanceSweet talks. Regrets. Forgive but never forget. Hello, Mr. Stranger, are you ready to be tricked or am I ready to be trick?