CHAPTER 17

1.1K 26 1
                                    

MY WHOLE body was shaking as I silently cried and lay on the bed. Kanina pa akong mag-isa rito sa opisina ni Hideo. God! Hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala sa isipan ko ang mga ginawa niya sa ’kin kanina. Ang marahas na pag-angkin niya sa mga labi ko. He touched the private parts of my body. Hanggang ngayon nararamdaman ko pa rin ang mga palad niyang iyon sa katawan ko. Ang takot sa puso ko ay hindi na nawala. Muntikan na niya akong makuha kanina. Kung hindi lamang dahil sa isang tawag na natanggap niya mula sa tauhan niya, hindi ko alam kung ano na ang nangyayari sa ’kin ngayon, kung ano na ang nangyayari sa ’min ngayon. Jesus! Ang akala ko ay kaya kong ibigay ang sarili ko sa kaniya dahil lamang sa isiping—matatapos din itong paghihirap ko sa kamay niya kung makukuha niya ang katawan ko. But when he started kissing me, doon ako labis na natakot.

Muli akong nagpakawala nang malalim na paghinga. Kumilos ang mga kamay ko at niyakap ang sarili ko habang patuloy pa rin sa pagpatak ang mga luha sa mata ko.

Hindi ko rin alam kung ilang oras na akong umiiyak dito hanggang sa nakatulog na lamang ako. Basta nagising na lang ako dahil sa pakiramdam na may mga matang nakatitig sa ’kin. Nananakit man ang ulo ko, lalo na ang mga mata ko na alam kong namamaga dahil sa pagtangis ko, pilit akong kumilos sa puwesto ko. Nang magmulat ako ng aking mga mata ay kaagad kong nakita si Jule na nakaupo sa swivel chair ni Hideo. Seryoso ang mukha nito habang nakatitig sa akin pero panay ang nguya ng chewing gum.

Nangunot ang noo ko kasabay nang pagkilos ko ulit sa puwesto ko upang umupo sa kama. Nang mahagip ng mga mata ko ang wall clock na nasa pader, doon ko lamang nalaman na alas onse na pala ng umaga. Ang tagal ko pa lang natulog.

“Good morning, señorita!”

Napatingin ako ulit kay Jule nang magsalita ito.

“Are you hungry?”

Ngunit sa halip na sagutin ko ang tanong na iyon, saglit na inilibot ko ang aking paningin. Yeah! Doon na nga ako nakatulog sa opisina ni Hideo.

“I know gutom ka na. Let’s go at sa kusina na tayo. Nagugutom na rin ako.” Tumayo na ito sa kaniyang puwesto. “Kanina ko pa gustong kumain. Kaso natutulog ka pa naman. Hindi kasi ako sanay na kumain ng mag-isa lang.” Dagdag pa nito.

“W-where—”

Pero bigla rin akong tumigil at hindi na itinuloy ang pagsasalita ko.

“Huh?”

Nagbaba ako ng mukha upang mag-iwas ng tingin.

“Come on! Sumunod ka sa ’kin sa kusina. Iinitin ko lang ulit ang niluto kong ulam kanina.”

’Tsaka ito naglakad at lumabas na sa silid.

Ako naman, nagtataka man dahil sa Jule na iyon at kung bakit ito narito na naman sa isla at inaaya ako nitong kumain sa kusina, hindi ko na lamang iyon masiyadong binigyan ng pansin nang biglang kumalam ang sikmura ko. Oh yeah! It’s almost twelve noon. Malamang na nalipasan na rin ako ng gutom ko kaninang umaga habang masarap pa ang tulog ko.

I let out a deep sigh again. Pagkatapos kong umupo at matulala, nagpasya na rin akong tumayo sa kama. Kahit papaano kumalma na ang sarili ko at hindi na kagaya kagabi ang tibok ng puso ko. Medyo kumalma na rin ang takot ko dahil kay Hideo.

Dahan-dahan na akong naglakad palapit sa pinto. Pero mayamaya ay natigilan din ako nang maalala ko siya. Paano pala kung pagkalabas ko sa kuwarto na ito ay naroon din siya sa labas? Panigurado akong magagalit na naman siya sa ’kin. Ah bahala na! Alam naman niyang sa opisina niya ako nakatulog buong magdamag. Magalit siya kung magagalit siya sa ’kin.

Lakas loob kong hinawakan ang doorknob at pinihit na ang pinto pabukas. Naglakad ako papunta sa sala. Walang tao roon, tahimik ang buong paligid. Wala rin akong maramdaman na may tao sa labas ng bahay, maging sa itaas ng bahay.

TRAPPED: Hideo Colombo Book 1 (R18+) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon