KABANATA 1

51 23 4
                                    

TINAPON ko sa gilid ang naupos kong sigarilyo. Nakakabadtrip naman 'tong si Jeron at Vida! I-nonse ako ng mga lintek. Akala ko sabay kaming uuwi ngayon. 'Di bale, makakatikim talaga ang dalawang 'yon ng words of wisdom sa 'kin bukas.

Kinuha ko ang Maxx dalandan orange kong candy mula sa bulsa ng suot kong berdeng school pencil skirt. Mahirap na't baka maamoy ako ni Papa pag-uwi.

Kanina pa ako naghihintay ng pedicab dito sa labasan ng Montecarlos High School. Malapit nang dumilim kaya kaonti nalang ang mga estudyanteng nag-aabang. Karamihan kasi sa mga estudyante ay may mio, kaya naman hindi problema sa kanila ang sasakyan pauwi. 

"Si Elvira, oh!" Tinuro ako ng lalaking nakatayo sa Angel's Burger. Malapit lang sa kinatatayuan ko.

Napairap ako nang mapagtantong si Tomas lang pala, isa sa mga kaklase kong pasikat. "Hala, pangit oh!" Tinuro ko siya dahilan para kumunot ang noo niya sa pagtataka. Ang slow ng lintek.

"Sino? Sinong pangit?" Tanong niya sa lalaking katabi niya.

"Ay, tanga! Eh, 'di ikaw!" Sigaw ko bago pinagkrus ang braso sa dibdib. Sumandal ako sa pader habang nakatingin pa rin sa kanya.

Nanlilisik ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. Kung hindi pa siya hinarangan ng kasama niya ay malamang sinugod na niya ako.

"Hoy, ang yabang mo! Anak ka naman ng adik!"

Otomatiko akong napaayos ng tayo. Aalis na sana sila ngunit may naisip akong kalokohan. Dinura ko ang candy mula sa bibig ko bago binato sa kanya at sakto namang tumama ito sa kanyang ulo. "Pipilipitin ko ang leeg mo bukas!"

Huwag nalang pala. Ang sabi sa akin ni Vida dalawang beses lang sa isang linggo maligo si Tomas. Hindi ko nalang papatulan. Kawawa ang aking pretty hands.

"Saan ka, 'day?" Tanong ng driver nang huminto sa harap ko ang pedicab niya.

Lumapit ako para marinig niya nang maigi ang boses ko. "Sa crossing lang po ng Balimbing Dos."

"Sakay na."

Hindi na ako nag-patumpik tumpik pa. Agad akong sumakay dahil baka magbago pa ang isip ni Manong. Huminto ang pedicab sa isang skwelahan na kung tawagin ay Don Bosco dahil may pumarang lalaking estudyante.

Umarko ang kilay ko nang malapitan kong nakita ang pagmumukha niya. Gwapo, matangkad, kutis mayaman, mukhang matalino kasi may hawak na makapal na libro at may suot na silver glasses. In fairness, mabango siya tapos ang tangos pa ng ilong at natural na kulay rosas ang labi.

"Saan ka, 'dong?" Tanong ni Manong sa kanya.

Nilagay ko sa aking tabi ang suot kong Christian Dior sling bag na nabili ko sa bangketa kahapon sa halagang dalawang-daan. Hah! Anong akala niya? Hahayaan kong tumabi siya sa 'kin? Of course... not!

"Sa Umbac Subdivision po." Magalang niyang sagot. Ang lalim ng boses niya.

Umbac Subdivision? Yaman, ah! Atsaka, malapit lang sa amin.

"Sakay."

Dumapo ang tingin ng lalaki sa sling bag kong nasa aking tabi. Akala ko iiwas na siya ng tingin ngunit hindi, bagkus bahagyang bumaba ang tingin niya sa pulso kong may tattoo ng malaking scorpion. Umismid siya bago sumakay at naupo sa tapat ko. Halatang hindi siya sanay umupo sa maliit at parihabang upuan na inuupuan niya ngayon.

"Matanong ko lang, 'dong. Anong Grade ka na?" Chismosong tanong ni Manong.

Nakatingin lang ako sa mga nadadaanan namin. Bahala silang mag-chika riyan. Naririnig ko naman kaya hindi ko na kailangang tumingin sa gwapong nilalang na nasa tapat ko.

LOVE MADE OF THORNS (Duma Boys Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon