THE DREAM (Para sa mga hopeless romantic)

90 2 0
                                    

5 May 2015


THE DREAM



"Uy, miss sexy.. San ka na? Magpakita ka na sa akin! bakit mo ba ako tinakbuhan ha?"


Sh*t! Boses iyon noong manyak na adik na nakasalubong niya sa daan... gahhh! What to do? What to do? Shi*t! asdffghjkl!!! Brainynanny what's happening to you? Nasan ka na? Ba't ayaw mong gumana? Takbo! Takbo! Takbo lang... Jesus! Tofu! Kiam! Hingang malalim lang.. keep calm... everything will be alright. Eh, kung umalis na kaya siya sa pinagtataguan niya ngayon at subukan muling tumakbo papunta sa highway? Marami-rami pa kasing tao doon kahit na 11 na ng gabi. Pero? Paano naman 'pag hindi siya nakaabot sa highway at maabutan siya ng manyak na adik na to? Ano? Ano? ANO?! Bago pa siya makapagdecide narinig niyang muli ang tinig ng lalaki.

"Ms. Ayan na ko! Come to papa na!!! Bubusugin kita ng pagmamahal ko, kaya, lumabas ka na sa pinagtataguan mo..."


Mas lalong tumindi ang kaba na nararamdaman niya dulot ng mga pinagsasasabi nito. Hindi ito pwede. Take it easy. Malakas kang tao, kaya kaya mo iyan.. Kakayanin mo 'yan... kahit papaano nabawasan ang kabang nararamdaman niya at ang panginginig ng mga tuhod niya. Walang pagdadalawang-isip na tumakbo sya ng tumakbo. Wala na siyang paki kung nakita na siya ng manyak na lalaki, ang mahalaga makalayo siya dito. Tiyak ang direksyong tinutumbok niya... sa may Highway...


Ayun! Malapit na siya... konting-konti na lang naroon na siya nang bigla may malaking bisig at mabahong mga kamay ang humablot sa kanya...

No... no... hindi pwede.. Hindi talaga pwede... konti na lang e... konting-konti na lang eh...


Unti-unti, ang mga luhang pinipigilan niyang bumalong ay isa-isang nag-unahang dumaloy sa kanyang walang kulay na pisngi.

"Ang bilis mong tumakbo beybe... napagod ako pero lalo lang akong nasabik sayo!" wika ng lalaki habang nakaka-eskandalong inamoy-amoy nito ang buhok pababa sa leeg niya.


Kahit nanginginig buong lakas niya itong itinulak. "Bitiwan mo ako! Manyak!"

Pinalo niya ito ng pinalo ngunit babae lang siya at lalaki pa rin ito. Nagawa nitong pilipitin ang mga braso niya sa kanyang likuran habang malademonyo itong tumawa.


"Hahahahahahaha. Yan ang gusto ko sa babae... parang tigre! Palaban! Hahahahahaha."


"Bitiwan mo ako." ulit na sabi niya dito sabay dura sa pangit nitong pagmumukha.


"G*g* ka pa lang demonyita ka eh!!! Ito bagay sayo!"


Pak! (Sfx ng sampal)

Pok! (Sfx ng suntok)


Sa lakas ng impak ng sampal at suntok nito sa kanya ay napaupo siya sa kalsada.


Akmang dadaluhungin siya nito nang may magara at magandang kotse ang dumaan sa gilid nila. Para sakanya, senyales iyon ng pag-asa, kaya sa nanghihina, pagod at masakit niyang katawan ay buong lakas siyang sumigaw.... chance niya na ito para makahingi ng saklolo.

One Shot: The Dream (Para sa mga hopeless Romantic) ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon