A/N: Hello Readers! Sorry for the very late Update! I'm very busy right now because of our enrollment. So sorry guys :(
By the way, this Chappy is dedicated to milcajoiagarin :) Hello! Hope you'll like this chapter! Enjoy reading!
---
Jewel Krizlee's POV:
Linggo ngayong araw kaya naman naglilinis kami ni Pearl. Napansin ko kasing parang ang dumi ng bahay namin. Maraming nakakalat at gusto ko rin sanang i-arrange ang mga gamit namin pati na rin ang mga nasa kwarto ko. Ang dami kasing dust ng mga gamit. Baka kapag may bumisita sa bahay, akalain pa nilang haunted house itong bahay.
"Umpisa tayo sa mga rooms natin?" Pearl said.
"Alright. Maganda 'yan." Sagot ko at pumunta na nga kami sa mga kwarto namin.
Inumpisahan kong tanggalin ang mga bagay na hindi ko na kakailanganin sa taas ng aparador pagkatapos ay inilagay ko sa iisang kahon. Binuksan ko naman ito at ang dami din palang gamit na nakalagay at nakatabi sa loob. Isa-isa kong chineck ang mga 'yon at halos lahat ng nandoon ay hindi na magagamit. Kaya naman napagasyahan ko ring kumuha ng isa pang kahon para paglagyan ng mga gamit na hindi ko na gagamitin.
Sa kalagitnaan ng paghahakot ko, may nakita akong isang kahon na kasing-liit lang ng isang notebook. May nakalagay na pangalan ko sa gilid. Kinuha ko 'yon at bubuksan na sana para makita ang laman ngunit biglang bumukas ang pinto at pumasok ang nakangiting si Pearl.
"Baket?" tanong ko sa kanya ng nakangiti din. Napansin niya yata itong hawak ko at doon nalang siya tumitig.
"Ano 'yang hawak mo?" taong niya ng nagtataka.
"Ah, nakita ko lang sa loob ng aparador ko. Mukhang napakahalaga kasi ng nasa loob. E kasi may pangalan ko naman sa gilid kaya nakakasiguro akong sa akin ito." Sagot ko.
"Patingin." Sabi niya at inabot ko naman sa kanya ang mini box.
Nakita kong parang nagulat siya sa nakita niya sa loob pero mabilis din niyang binawi ang gulat sa kanyang mukha. Hindi ko na mabasa ang ekspresyon ng mukha niya. Hindi ko alam kung natutuwa ba siya o nalulungkot. Ano bang nasa loob nito?
"Pwede bang akin na 'to, Jewel?" nakangiti niyang tanong.
"Ano bang nasa loob ha? Patingin nga muna." Sabi ko at naglakad papalapit sa kanya.
"Wala. H-heto lang ang l-laman niya. G-gusto ko kasi itong kahon. Kaya pwede bang akin na?" nauutal na pakiusap niya at itinapat sa akin ang picture na magkayakap kaming dalawa habang nakangiti't nakaharap sa camera.
"Wow, ang cute nating dalawa rito. Hehe. Sige, sayo na 'yang kahon kung gusto mo." Sabi ko at pinagmasdan nalang ang litrato.
"Salamat ha? B-balik na 'ko sa kwarto ko." Sabi niya at tinanguan ko nalang siya.
Nilagay ko ang picture sa study table ko at nagpatuloy nalang sa paglilinis. Nang mailagay ko na ang lahat, binuksan ko rin ang mga drawer kung may natitira pa ba. Pagbukas ko ng ikatlong drawer, nakakita ako ng isang cellphone. Nakita ko ang case nito na may dalawang anime na magkayakap at may Jewel na pangalan ko sa baba. 'Akin din siguro 'to', sabi ko nalang sa sarili ko.
Sinubukan kong binuksan iyon. Oo, nabuksan ko nga pero may pin code naman kaya hindi ko rin makikita ang mga files na nasa loob. Kaya naman pinuntahan ko si Pearl para tanungin siya kung alam ba niya ang code nito.
"Pearl? Alam mo ba ang pass code nitong phone ko?" excited kong tanong sa kanya.
"Ay, hindi eh. Saan mo ba 'yan nakita?" tanong niya sakin.
BINABASA MO ANG
Memories of the Past (One Liter of Tears)
Novela JuvenilHow would he bring back all their memories of the past if he's the reason why she forgot everything? Does he deserve a second chance to make all his doings and decisions right? Would she give another chance? Would she accept his love again? Let's re...