Mayera's POV
Lumipas ang ilang buwan ay ganun parin ang pakikitungo sa akin ni Nic. Ialng buwana kong miserable, malungkot at parang namatayan ako. Sinusubukan ko siyang kausapin, tawagan, at itext, deadma lang. Ilang bese na rin akong nagpunta sa bahay nila kasama si Kyle, pero si tito Adam ang laging lumalabas sa tuwing nasa labas ako, at sinasabi niyang wala si Nic doon...
Pati ang dahilan ni tito sa pagpapaalis sa akin ay inaalam ko, pero sa tuwing itinatanong ko yun kay tito ay hindi niya tuwirang sinasabi sa akin. Bagkus, masasakit na salita ang sinasabi niya. Katulad ng tigilan ko na si Nic, pumunta nalang akong Japan, at gusto na raw akong kalimutan ni Nic ng tuluyan.
Si Kyle naman ay nagtataka rin. Sabi ni Nic sa kaniya ay masaya raw siya na hindi na niya ako nakakasama at gusto na niya akong tuluyang makalimutan.
Sa mmga panahong iyon na nagtataka ako, nalulungkot, at naguguluhan sa mga nangyayari, ay isang desisyon ang nabuo sa isip ko...
Siguro nga tama si tito Adam. Nararapat na pumunta nalang ako ng Japan..
Huling araw na ngayon ng 1st year ko sa college. Bukas ay uuwi si tita dito sa Pilipinas at sa pagbalik niya sa Japan next week ay kasama na niya ako. Hindi ko papabayaang matapos ang lahat ng ito nang hindi ko nakakausap ni Nic.
Kung ayaw niyang sabihin sa akin ang dahilan ay hindi ko na siya pipilitin. Marahil ay makabuluhan iyon... Pero ako, marami akong gustong sabihin sa kaniya. Sana naman pakinggan niya ako.
Palubog na ang araw at mukhang uulan nang makita ko siyang naka upo isang bench, malapit sa fountain. Nilakasan ko ang loob ko at lumapit sa kaniya. Matapos ang lahat ng hindi niya pagpansin sa akin, at sa lahat ng mga pinagdaanan ko, this time, sigurado akong hindi na ako iiyak.
Pakiramdam ko, naging bato na ang puso ko.
"Nic..." Paguumpisa ko.Tumayo ako sa harap niya. Tumigil siya sa pagbabasa ng libro at tumingin sa akin ng masama.
"Ano nanaman? Magmamakaawa ka na naman na sabihin ko sa'yo kung bakit ako umiiwas? Kung bakit ako galit?"
Iniling ko ang ulo ko.
"Iba ang itatanong ko..."
"Let's hear it." Ngumiti siya ng sarcastic. Bakit ganito? Pakiramdam ko ibang Dominic ang kausap ko ngayon.
"Nasaan na yung pangako mong hindi mo'ko iiwan?"
BINABASA MO ANG
BOOK 3: The Forgotten Vow (Completed)
Teen Fiction(FIRST BOOK: The Pain I knew) (Continuation - SECOND BOOK: The Battlefield) (Continuation of Book 2 - LAST BOOK: The Forgotten Vow) The last part of Mayera's story. Know how it ended happily with a twist that is not found in any other tales.