Chapter 40
Hindi muna
•••••••••••••••••••••••••••••••••••••
Nagising ako dahil sa sinag ng araw na nagmumula sa bintana. Agad akong nagmulat ng mga mata. Bumungad sakin ang kulay puting kisame.
Teka, nasaan ako? Kulay pink ang kulay ng kisame ng kwarto ko at hindi puti. Agad akong napabangon at agad kong sinapo ang ulo ko. Ang sakit noon. Naparami ata ang inom ko kagabi. Tumingin ako sa katawan ko. Sht! Naramdaman kong tanging comforter lang ang nakatakip sakin. Agad akong napayakap sa sarili ko tumingin sa paligid. Kita kong nakadapa ang isang lalaki sa kama katabi ko. Agad nanlaki ang mga mata ko ng matukoy kung sino iyon.
Si Brayden.
Hindi 'to pwede! May nangyari samin? No way!!!!
Ang tagal kong inalagaan ang Bataan ko! Tapos nakuha lang ng ganun-ganun nalang? Ni-hindi ko pa boyfriend? For Pete's sake Marionne! Manliligaw mo lang sya!
Agad na nangilid ang luha sa mga mata ko. Pilit kong inaalala ang mga nangyari kagabi. Meron akong naalala pero iyon ganoon kalinaw. Ang alam ko lang ay lasing na lasing ako at inabuso iyon ng lalaking katabi ko ngayon.
Although my head really hurts, I tried to stand up from the bed. I suddenly felt the numb thing down there. Hindi ko alam pero parang namamaga iyon at hindi ako masyadong makilos.
Kinuha ko ang mga damit kong nagkalat sa sahig saka ako pumasok ako sa cr para maligo. Kasabay ng malamig na tubi galing sa shower ay ang paglandas din ng mga luha ko. I know I shouldn't feel this, but I felt so worthless. Feeling ko wala na akong silbi ngayon. Wala na akong maipagmamalaki. Naibigay ko lang iyon ng basta-basta. Pero anong magagawa ko? Inabuso ang kalasingan ko.
Lumabas ako sa cr ng matapos na ako. Namataan ko si Brayden na natutulog pa rin. Nahimik lang siyang natutulog habang nakadapa. Totoong napakagwapo niya at talagang nakakaintimidate ang katawan niya. Pero hindi niyon mabubura ang katotohanang inabuso nya ang kahinaan ko. Siya ang nasa tamang pag-iisip kaya sana siya ang umiwas. Siya ang nagpigil. Pero hindi, mas pinili niya pang abusuhin ako. Totoong hindi ko masyadong alam ang nangyari, siguro nagpahiwatig din ako, pero Diyos ko! Lasing ako at hindi ko alam ang sinasabi ko!!
Hinawi ko ang mga luhang lumandas nanaman sa mata ko. Cheer up Marionne! Hindi ito ang katapusan ng mundo mo!
Dali-dali akong lumabas sa kwartong iyon. Saka ko lang nalaman kung nasaan ako ng makita ko si Reinee na lumabas rin sa kabilang pinto. Nasa Costa Pacifica kami.
"Oh, Good morning Marionne! Nandito ka pala? Sorry kagabi hah! Nakatulog na kasi ako sa kalasingan eh." natatawang sabi niya.
Tumango ako at pilit na ngumiti. "Good morning. Okay lang iyon."
"Uhhmmm. Si Brayden tulog paba?" bigla niyang tanong.
Nataranta naman ako sa tanong niyang iyon. Walang alam si Reinee sa nangyari kagabi dahil nakatulog siya sa balikat ni David. Bigla kong naalala ang mga kaibigan ko.
Tumango ulit ako. "Oo, tulog pa siya. Ahmmm Reinee, sila Dred at Hera??"
Kung hindi ako nagkakamali ay tulog na si Lauryn at Hera kagabi, si Mildred nalang at Trixx ang tanging babaeng gising.
"Uhmm. Sabi ni David, si Hera raw sa room ni Travis natulog. Si Mildred eh hinatid ni Jarred pauwi sakanila. Okay pa daw kasi si Dred kagabi eh kaya nagpahatid na sya" aniya.
Nanlaki naman ang mga mata ko. Si Hera? Sa room ni Travis natulog? Oh no!
"What? Si Hera kay Trav natulog??" bulalas ko.
Natatawa naman sya sa inasta ko. "Chill Marionne. Kahit ganoon naman si Travis hindi naman iyon mapang-abuso noh!" sabay halakhak niya. "Si Trav sa kwarto daw ni Jarred natulog"
Nakahinga naman ako ng maluwag ngunit kasabay noon ang panghihinayang. Bakit ako? Sana hinatid nalang ako ni Brayden sa bahay. Sana dun nalang niya ko pinatulog sa kwarto ni Travis kasama ni Hera. O kaya naman sa ibang kwarto nalang. Bakit kailangang sa kwarto niya pa?Nangyari tuloy ang dapat hindi nangyari.
"Tara na. Baba na tayo. Nasa baba na sila Trixx eh. Ang agang nagswimming. Breakfast muna tayo" ngiti ni Reinee sabay iling ko naman.
"Ay! Wag na Rein. Uuwi muna ako. Hinahanap na ako ni Mama eh" pagsisinungaling ko sakanya. Desidido talaga kong umalis agad dito sa resort. Hindi ko na rin alam ang gagawin kapag nagharap pa kami ni Brayden. Baka ay masampal ko lang siya ng wala sa oras.
"Ganun ba? Sige. Sabay na tayo baba" anyaya niya. Tumango naman ako at ngumiti. Tahimik lang si Reinee habang naglalakad kami kaya tumahimik na rin ako.
Nadatnan namin sa pool side si Lauryn, Trixx at Hera. Nagtatawanan sila.
"Oy Marionne! Lika' ligo tayo" anyaya ni Lauryn. Ngumiti lang ako sakanila tsaka umiling.
"Next time nalang Ryn. uuwi na din kasi ako. Hera, hindi ka pa ba uuwi??" Pinanlakihan ko ng mata si Hera hudgat na dapat ay umuwi na rin sya. Agad naman siyang tumango.
"Ay oo! Trixx, Ryn, uwi na rin ako" sabi lang ni Hera. Pinigilan siya ni Trixx.
"Mamaya kana umuwi girl, nagsuswimming pa tayo eh. Tsaka marami pa tayong chikahan" ani to kay Hera. Wala ng nagawa si Hera.
Inihatid nalang nila ako sa sakayan. Gigisingin daw sana ni Reinee si David para sya ang maghatid sakin pero hindi na ako pumayag. Baka maistorbo ko lang sa pagtulog si David. Si Jarred naman at Travis ay natutulog pa rin dahil nag one-on-one pa raw sila pagdating sa resort.
Nakahinga naman ako ng maluwag ng makaalis na ang tricycle na sinakyan ko mula sa Costa Pacifica Resort. Agad nanamang tumulo ang luha ko dahil sa nangyari. Hindi ko alam pero hindi ko mapigilan ang hindi mapaiyak sa nangyari. Akala ko kasi magiging okay na kami ni Brayden pero iyon pala ay hindi.
Ilang minuto lang ay nakarating na ako samin. Hinagkan ko lang si Mama tsaka pumasok na sa kwarto ko. Tinanong niya lang ako kung kumusta ang lakad kagabi, sinagot ko naman si Mama na okay lang at sa Costa Pacifica Resort kami natulog ni Hera.
Pagkahiga ko sa kama ko ay agad kong niyakap ang unan ko. Hindi ko alam pero nasasaktan ako sa nangyari. Big deal sakin ang pagkababae ko at big deal sakin na nawala na ito. Nakuha ng taong hindi ko naman boyfriend. Oo gusto ko si Brayden at nararamdaman kong mahal ko na sya hindi ako tangang babae para ibigay na agad agad iyon.
Nakaramdam ako ng antok kahit umaga pa lamang. Dala na rin siguro ng puyat at pagod dahil sa nangyari kagabi. Biglang nag-ring ang cellphone ko. Inabot ko iyon mula sa taas ng drawer ko at nakita kong si Brayden iyon. Malamang ay gising na siya ngayon. Hindi ko sinagot ang tawag hanggang sa mamatay nalang iyon ng kusa. Akala ko ay hindi na sya tatawag pang muli pero nagring nanaman iyon ay siya nanaman ang tumatawag. Hindi ko nanaman sinagot . At sa pangatlong tawag niya ay nagpasya kong o-off ang cellphone ko.
Sa tingin ko ay hindi ko siya kayang kausapin. Dahil kahit anong lakas ng loob ang gawin ko, hindi ako makahanap ng dahilan para kausapin sya. Bakit pa? Para ipamukha niya saakin ang nangyari? No way!
Sorry Brayden pero hindi kita kayang kausapin sa ngayon.
Hindi muna.
BINABASA MO ANG
Perfectly In Love (NZ1 -Completed)
Aktuelle LiteraturI will wait for the right time until I can say that I'm perfectly inlove. ❤