Chapter 11

85 4 0
                                    

Kyle's POV

Balak kong hanapin buong gabi si Maye pero bago ang lahat ay pumunta muna ako ulit sa bahay niya para alamin kung nakauwi na ba siya. Sumilip ako sa kwarto niya at nagulat ako nang makita ko siya na nakaupo sa sahig, sa tabi ng kama niya. Nakatulala... Naka uniform pa siya at basang basa. Agad kong kinuha ang twalya niya at ibinalot sa kaniya iyon...

"San ka galing? Anong oras na oh. At basang basa ka, magpalit ka na muna. Baka magkasakit ka." Hindi naman siya sumagot o nagsalita. Sumunod siya agad sa sinabi ko. Naligo siya at nagpalit ng pantulog niya. Dumaretso siya sa kama niya. Humiga siya at nagtalukbong ng kumot.

"Mayera..."

"Okay na ako bukas Kyle. Huwag mo na muna akong kausapin." Yun ang tangi niyang sinabi.

What the hell is happening? Kahit na madaling araw na ay tinawagan ko si Reyna. Naroon pa raw sila ni Nic sa rooftop, kausap pa niya ang lasing na lalaking iyon. Naguguluhan ako sa mga nangyayari kaya nagpunta ako sa bahay nina Nic. Nang makarating ako sa roof top at parang baliw na pagulong gulong sa sahig si Nic habang yakap ang sarili niya.

Si Reyna naman, nakaupo sa may gilid. Tumutungo tungo na siya dahil sa antok. Nakakatulog na siya habang nakaupo.

Tinabihan ko si Reyna at nagising naman siya.

"Anong nangyari dyan kay Nic? Nauulol na ata." Pinanunood ko lang siya na pagulong gulong sa sahig, yakap ang sarili, at umuungol na parang cellphone na nagvavibrate. Ang creepy niya.

"Nakausap ko ng matino 'yan kanina bago siya nagkaganyan." Paguumpisa ni Reyna.

Magkekwento pa sana si Reyna pero biglang tumigil si Nic sa pag gulong gulong at umupo...

 

"I can't tell her to stay with me, be with me, don't go to Japan... I have no right... I hurt her... And I had forgotten her once, I'm afraid I'd forget her more often, and end up hurting her again.

 

Hindi ko siya kayang protektahan habang buhay.

 

 

Hindi ko pa sigurado kung matutupad ko yung pangako ko sa kaniya na hindi ko siya iiwan dahil sa lintek na sakit na to."

 

Pagdadrama niya...

Pagkatapos ay bumalik na naman siya sa pag gulong gulong sa sahig.

"Hoy kupal, nasabi mo na ba kay Mayera na mahal mo siya?" Tumigil siya sa pag gulong sa sahig at umupo ulit...

"Hindi pa... Hindi pa... Hindi ko pa nasasabi ang lahat sa kaniya..." Tumayo si Nic pero hindi na niya kinaya at nawalan na ng malay. Tumayo kami ni Reyna at agad na binuhat si Nic papunta sa kwarto niya.

BOOK 3: The Forgotten Vow (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon