Chapter 25

76 6 0
                                    

Mayera's POV

Uhhh...

Ang sakit ng ulo ko...

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Nasaan ako? Pinagmasdan ko ang paligid. Mukha akong nasa... Ospital? Nasa tabi ko si Nic. Hawak ang kamay ko.

Ipinikit ko ulit ang mga mata ko.

"How do you feel, Mayera?"

Ilang saglit lang ay naalala kong... Nabunggo ako ng kotse. Iminulat ko ang mga mata ko at umupo. Kahit masakit ang ulo ko ay hindi ko ito inisip.

"Nic... Si baby kamusta? Si baby?"

 

Tumungo lang siya.

"Tell me baby's okay... Nic. Look at me. Look at me!"

 

He looked at me with a sad expression.

"Yera... Baby's gone. I chose to save you... I'm sorry." Mahina niyang pa gamin sa akin. Pumaosk bigla ng kwarto si Reyna at tita, kasama si Kyle.

"Bakit?!" Galit na tanong ko kay Nic. "Limang buwan kong iningatan sa tiyan ko ang bata! Bakit hinayaan mo lang siya?!"

Nagsimula akong umiyak. Hinawakan ko sa damit si Nic at inalog-alog siya.

"Palibhasa kasi Nic lagi kang wala! Hindi mo alam! Wala kang alam! Mahal na mahal ko yung anak natin Nic! Dapat iniligtas mo siya!"

 

"Kapag ginawa ko yun, ikaw ang mawawala sakin Mayera." Mahina niyang sagot. Inaawat naman ako nina Reyna. Sa ingay namin sa loob ay nagsipuntahan na rin sina Dr. Castro, at si Ryota.

"Ano ba kasing alam mo kung gaano kahalaga si baby sa akin? MAHALAGA SA AKIN ANG ANAK KO! NASA TIYAN KO SIYA NIC! SAMANTALANG IKAW—-"

"TAMA NA MAYERA!" Natigil ako sa pagsigaw nang nagtaas na ng boses si Nic. Nagumpisa siyang umiyak na rin.

"Mayera... Anak ko rin siya. Pero kailangan kong gumawa ng desisyon. Mahal ko ang bata pero mahal din kita. At kung pwede sana, huwag mong isumbat sa akin na lagi akong wala dahil nagtatrabaho ako para sa ikagagaling mo. Hinahanapan ko ng solusyon ang sakit mo Mayera..." Humagulgol si Nic... Ngayon ko lang siya nakitang ganito.

"Sinusubukan ko lang namang iligtas ka Mayera... Sorry... Sorry..." Napaluhod sa sahig si Nic habang umiiyak. Tinakpan niya ang mukha niya at patuloy na umiyak. Pinapatahan naman siya ni Dr. Castro at niyakap naman ako ni tita.

Sa pagkakataong iyon ay narealize kong mali ang sinabi ko kay Nic. Tila nawawasak ang mundo habang pinagmamasdan ko si Nic na nagkakaganito.

Hindi ko maisip kung gaano kalaki na kaya ang sakripisyong ibinigay ni Nic. Nasa isip ko na nasasaktan ako sa mga nangyayari. Pero siya... Siguro mas nasasaktan siya. Marahil ay hindi niya ipinapakitang nahihirapan siya para mapalakas ang loob ko. Pero ngayon...

BOOK 3: The Forgotten Vow (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon