CHAPTER ONE

0 1 0
                                    

2022
ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ
ㅤㅤㅤㅤ
A lot of people believes that dreaming is free, well, it is. However, in order for you to achieve that dream isn’t. Kahit passionate ka sa pangarap mo, kung walang laman ang bulsa mo ay mapipilitan ka talagang ibahin ang pangarap mo. Money’s powerful, maraming pwedeng gawin gamit ang pera. A lot of people have also said, money can’t buy happiness.

Well for me, it does. Everything revolves around money.

Kagaya na lang sa sitwasyon ko ngayon. Hindi pa rin ako makapaniwala habang binabasa ang text sa akin ni papa isang oras na ang nakalipas. Nasa loob ako ng CR ngayon sa school namin, umiiyak habang hawak pa rin ang cellphone ko. Malapit na ang next class ko pero parang wala na akong gana pa na pumasok sa susunod na mga klase ko. Gusto ko na lang umiyak magdamag.

Papa :
ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ
ㅤㅤㅤㅤ
Nhak.. aliz na C papa d2 saten.. D qu kce kaya Na, mdamay Ka xa mga prublema qu.. :)

Ingat k jan Frances.. mhal K ni papa tndaan Mu yn..! ;)
ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ
ㅤㅤㅤㅤ

Noong bata pa ako, laging sinasabi ni papa na magiging maayos din ang lahat— na may solution sa lahat ng mga problema namin. Kaya naman, hindi namin dapat takbuhan ’yon. Pero bakit lumalayo siya ngayon? Madalas na madaya si papa, mas naging madaya siya ngayon kasi iniwan niya na akong mag isa.

Wala na akong ibang pamilya bukod pa sa kaniya, iniwan na kami ng lahat! Napatigil naman ako sa paghihikbi nang maramdaman ko na may pumasok sa katabing cubicle.

“Wala ka bang balak pumasok, Frances?” rinig ko na tanong niya. Umiling naman ako, na tila bang makikita niya ako. Narinig ko naman na bumukas ang pinto ng kabilang cubicle, at agad bumukas ang akin.

My best friend, Delilah, was standing outside the cubicle, brows furrowed. Napa-iling na lang ako sabay labas sa cubicle. May inabot siya na isang roll ng tissue that made me laugh. “Dalawang oras ka sa loob dito, that’s why I bought the whole roll. You’re obviously wasted,” saad niya habang nakatingin sa akin. Umiling na lang ako bilang sagot.

“Umalis na kasi si papa,” I muttered under my breath. Napatingin ako kay Delilah sa salamin, hindi naman siya nagulat sa sinabi ko. “What’s new? Lagi naman na umaalis si tito, right? Saan ba siya magpupunta?” tanong niya.

Her question made my heart ache more. Akala niya siguro ay aalis lang si papa para sa trabaho, where in fact, he’s leaving permanently out of my life. Without any clear reasons. I am not even sure kung babalik pa ba siya in the future.
ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ
ㅤㅤㅤㅤ

“H-He’s leaving permanently Del.”
ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ
ㅤㅤㅤㅤ

With that, her eyes grew wide. Ang mga luha na pinipigilan ko na lumabas ay nagtaksil sa akin, kusa silang tumakas sa mga mata ko. Agad naman siyang lumapit sa akin at niyakap ako, I hugged her back. We stayed like that for a minute before she distanced herself from me a bit. “Oh my gosh, I’m sorry friend,” bulong niya.

Just when I was about to say something, the bell that indicates that we should go back inside our premises rang. Agad niya naman akong hinila papalabas sa CR at dinala ako sa likod na gate ng school. Alam ko na magka-cutting kami, yet, I still gave her a confused look. “Gaga, parang hindi cuttingera. Akyat na dali!” pasigaw na bulong niya. Natawa na lang ako habang inakyat ang hindi kataasan na pader sa likod ng school. She did the same, and when she successfully did, we hastily ran away from school.

Hindi nga ito ang first time na nag-cutting ako, pero may rason yung unang ginawa ka ’yun. Inatake sa puso si papa noon at hindi ako pinapayagan ng guro namin, kaya nag cutting ako. And this is my second time doing this thing, para kay papa ulit. Para ilabas ang lungkot at kaunting galit ko sa kaniya. Tumigil kami sa paglalakad ni Delilah sa harap ng SM City San Lazaro.

The Spell in the DuskWhere stories live. Discover now