Orianna Quizon
Kakambal ng pangalan ko ay ang salitang maganda, mabait at matalino. Kumbaga near to perfect na. Pero hindi lang nila alam na may pagkukulang din ako. Malayo ako sa pagiging perpekto. Akala nila, matatag at malakas ako sa pagharap sa mga problema dahil palagi akong nakangiti pero dun sila nagkakamali.
Mahina ako at agad akong pinanghihinaan ng loob. Pero tinatago ko iyon lahat sa pamamagitan ng pagngiti.
"Hi Orianna" bati saakin ng dalawang ka batch ko na hindi ko kilala ang pangalan. Isa ako sa mga famous sa school namin at nagtataka parin ako hanggang ngayon kung bakit ako nasali dun.
Halos kilala nila ako dahil namamansin daw ako. Hindi ko masyadong sure friendly ba talaga ang tawag dun o pagpapakitang-tao lang. Minsan kasi kahit na wala ako sa mood mamansin, isinasantabi ko nalang at ngingiti at mamamansin. Pakitang-tao nga siguro ako.
"Hello" sabi ko at nagwave sakanila. Katulad nalang ngayon, wala ako sa mood pero pinipilit kong ipakita na masaya ako.
Akala nila lahat ng gusto ko nakukuha ko dahil mayaman ako pero mali sila. Palaging nag-aaway ang parents ko at may kutob ako na hahantong ito sa divorce kung nagkataon. Palagi nilang inaasikaso ang kani-kaniyang business nila at hindi na minsan nakakauwi dahil busy sila sa work. Or kunb uuwi man, mag-aaway lang.
Totoo nga ang sinasabi nila na 'Nobody's Perfect'. Minsan hinihiling ko na sana mahirap nalang kami pero masaya kaysa naman sa buhay kong ganito. Ang hirap-hirap na.
Isa na sa mga hindi ko makuha ay ang isang taong gusto ko na si Diether. Marami namang nanliligaw saakin pero ewan ko kung bakit siya ang nagustuhan ko. Eh hindi naman ako nun pinapansin.
Average lang itsura niya. Hindi siya super gwapo at hindi naman siya super pangit. May mas nakakaangat naman sakanya na may gusto saakin pero hindi sila ang pinili ng puso ko.
Kada makikita ko siya gusto ko siyang batiin para pansinin naman niya ako pero papalapit palang ako eh lalayo na agad siya. Na para bang may sakit ako na nakakahawa.
Ayoko nun. Nasasaktan ako. Parang kasing pinapamukha niya saakin na ayaw niya talaga saakin eh.
"Uy Orianna may meeting daw kayo mamayang uwian sabi ni president" sabi nung classmate ko. Ako kasi ang secretary sa classroom namin. At si Diether naman ang president. Nung election nga binoto pa ako bilang muse then pinapili ako kung anong gusto kong position and I chose secretary. You know the reason why.
"Ah thank you ah" sagot ko naman sakanya. Yes! Makakasama ko nanaman siya. Yun nga lang, kasama ang iba pang officer.Nakakainis naman oh! Chance ko na iyon eh.
4:00 na ng hapon. Nagpunta na ako sa library. Sa may discussion room. Mahirap na baka mapagalitan ako dahil palagi nalang akong late eh. Nung nandoon na ako, nandun na din ang president, early as always. Pati na ang vice president, treasurer at auditor. Ako nalang pala ang kulang. Kami lang kasing lima ang nagmimeeting.
Pagkapasok ko palang sakanya na ako nakatingin.
"Sorry ulit sa paghihintay" mahina kong sabi.
Nakakalungkot lang dahil isang mabilis na tingin lang ang binigay niya saakin at ibinalik na ang tingin sa notebook sa harapan niya. Nakakainis siya!.
Naupo ako sa tabi lang niya at sa gilid ko ay ang vice president. Pa rectangle ang mesa na iyon kaya isa sa pinaka una at dalawa sa magkabilang sides. Nasa side ako katabi ang vice at si Diether naman ang nakapwesto sa unahan na nagsisilbing leader ng meeting na ito.
Nagsimula na ang meeting. Diniscuss niya kung ano ang event na dadating sa month na September at kung ano-anong kaylangang preparations. Pinagsuggest niya din kami ng pwedeng ibenta sa food fest na darating.
Kasalukuyan kaming nanggugupit ng mga decorations para sa itatayong stall sa darating na food fest nang magpaalam si Wilma, ang treasurer. Pinapauwi na daw siya ng mama niya dahil 5:00 na. Strict daw kasi. Umoo nalang si Diether at kaming apat nalang ang natira.
Pinagdidikit na namin ang mga decorations nang magpaalam naman yung auditor. May emergency daw sa bahay nila. Kami nalang tatlo ang natira.
Napatingin naman ako kay Diether na kasalukuyang nagddrawing ng mga bulaklak. Nahibirapan siguro siya, halata naman sa pag-iling niya. Kahit hindi siya ganun kagwapo, naaatract parin ako sakanya. TAE!
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at kinuha ko sakanya yung cartolina kung saan siya nagddrawing.
"Alam mo ba na magaling akong magdrawing ng mga bulaklak?" ngumiti ako sakanya at siya umiling lang. Okay na yun sakin atleast sumagot siya sa tanong ko. Kyaaaaaah.
Pinagbutihan kong magdrawing para mamangha siya sa drawing skills ko nyahahahahhaa. Pagkatapos kong gawin yun ay pinakita ko sakanya.
"Anong masasabi mo" sabi ko habang malawak ang ngiti ko.
"Okay lang" Waaaah okay daw ang drawing ko. Yayks, tumitibok nanaman ng mabilis ang puso ko. Nakakainis siya! Yun lang ang sabihin niya abot langit na ang tuwa ko. tae talaga oh!.
Hindi ko masyadong pinahalata na masayang-masaya ako sa sinabi niya.
I cleared my throat at nagsimula ng gupitin ang mga bulaklak na ginuhit ko. Pero nagulat ako nang agawin niya saakin ang cartolina at gunting na hawak ko.
"Alam mo ba na mas okay kung ako ang gagawa nito?" tapos...tapos...
Ngumiti siya saakin?.
Weh? totoo? pakisampal lang ako saglit!.
Ramdam na ramdam ko ang kabog ng dibdib ko. First time niya akong ngitian at grabe! nattract na talaga ako ng tuluyan!. Hindi agad ako nakapagreact at siya ginugupit na niya yung mga bulaklak na gawa ko.
Grabe! hindi ko alam kung anong nangyari saakin nung moment na nagtama ang mga mata namin at ngumiti siya saakin. Para bang nawala ako sa katinuan ng panandalian. Takte naman Diether eh!.
Hindi kalaunan nagpaalam naman ang vice president dahil tinawag siya nung teacher namin.
Napalunok ako bigla. Kami nalang dalawa ang nandito sa discussion room. Bigla namang bumilis lalo ang kabog ng dibdib ko dahil sa naiisip ko. Masosolo ko siya ngayon yahooooo!.
6:30 na kaya naman sinabi niya na bukas nalang namin tapusin. Tumango naman ako dahil sumasakit na din ang kamay ko eh. Kanina pa kasi kami nandito. Patayo na ako nang...
"Ay teka!" napaupo naman ulit ako dahil sa medyo pagsigaw niya.
"Bakit?"
"Nawalan na ako ng load. Paano ko matatawagan ang sundo ko?" Malayo-layo kasi ang bahay nitong si Diether at walang gustong pasakayin siya sa tricycle dahil sa sobrang layo. Kaya naman nagpapasundo nalang siya kada uwian.
Sasagot na sana ako na may load ako nang maunahan na niya ako.
"May load ka? pa call" sabi naman niya habang nakatingin saakin. Makakahindi ba ako?. Binigay ko ang phone ko sakanya at nagsimula na siyang mag type ng number sa keypad.
Bigla namang nagring ang phone niya na nasa table at nagulat ako sa number na lumitaw sa phone niya.
Napatingin ako sakanya at gulat din ang expression niya.
"Sh!t! nakalimutan kong i silent!" sabi niya at ibinigay na saakin yung cellphone ko. Hindi ako makasagot. Hindi ko alam ang gagawin ko. Para bang hindi ako makahinga sa nangyayari. Hindi ako makagalaw na parang buhay na patay.
"Thank you ah, nakuha ko din number mo. Byeee"
♤♤♤♤♤♤♤♤
05/22/15
10:08 PM