Chapter 42

75 1 0
                                    

Chapter 42

Closure

.....................................................

"Anak, sigurado ka ba sa desisyon mo??" tanong sakin ni Mama. Inihatid niya ako sa terminal ng bus patungong Maynila.

"Opo Ma. Wag na po kayong mag-alala sakin. Babalik din po ako bukas makalawa" sabi ko matapos kumuha ng ticket ng bus sa payment window.

"Anak, pwede mo sabihin sakin kung ano ang problema.." malambing at nag-aalalang sabi ni Mama.

Uuwi ako ngayon sa Maynila para kunin ang gamit ko sa unit. Napagdesisyunan kong tumigil muna sa pag-aaral at bumalik rito sa Baler. Umalma si Mama at tinanong kung ano ang problema pero hindi ko nalang siya sinasagot. Sinasabi ko nalang na miss na miss ko sila at gusto ko silang makasama.

"Ma, wala pong problema.. Okay lang naman na dito ako di ba? Mama, ayaw nyo ba kong makasama?"

Umiling si Mama. "Hindi sa ganoon anak' pero sayang naman. Isang taon nalang at graduate kana. Kaya naman kitang tustusan sa mga kailangan mo sa Maynila... Anak, alam kong may problema ka kaya ka nagkakaganyan.. Dahil ba 'to sa lalaking nagpunta sa bahay na sinasabi ng kapatid mo?" tanong niya.

Alam na ni Mama na may pumuntang lalaki sa bahay pero hindi niya naabutan si Brayden. Nagsumbong si Maricon dahil narinig niyang nagsisigawan kami tapos hindi pa ako lumabas sa kwarto ko noon.

"Ma, napag-usapan na natin 'to hindi ba? Sarili ko 'tong desisyon. Kung iyong iniisip nyo naman ay iyong pag-aaral ko. Edi sa Mount Carmel nalang ako mag-aaral" sabi ko naman. Di bale nang walang Fine Arts na course dun. Mas gugustuhin ko naman dito kesa makasama at makita si Brayden.

"Pero anak...." ani Mama.

Hinawakan ko ang braso ni Mama. "Ma, tama napo. Hindi na po magbabago ang desisyon ko. Aalis na ko Ma." sabay yakap ko kay Mama. Alam niyang hindi na magbabago ang desisyon ko basta sinabi ko na.

Tumango nalang si Mama at hindi na ko kinulit pa. Nagpaalam nalang ako sakanya at sumakay na sa bus.

Ilang araw na rin ang nakalipas simula noon. Hindi ako lumabas nang bahay kahit na pinipilit ako nila Hera at Mildred na mamasyal. Umuwi na rin sila Brayden ayon sa mga kaibigan ko. Medyo nagtatampo nga raw sila Reinee dahil hindi na ako bumalik pa sa Resort. Sinabi ko nalang na nagkasakit ako para hindi sila masyadong magtampo.

NANG makarating na ako sa Manila ay agad akong umuwi sa unit. Matutulog muna ko rito tapos bukas ay aasikasuhin ko sa Allegany University ang mga kailangan ko.

"Sayang naman ang isang taon Ms. Esguerra. Graduating kana." sabi ni Ma'am Dangan na siyang school registrar namin.

Nasasayangan siya sa isang taon ko. Graduating na dapat ako next year. Maging ako naman ay nasasayangan rin pero buo na talaga ang loob ko. Ipagpapatuloy ko nalang ang pag-aaral pag nakaipon na ako. Oh kaya naman, sa Mount Carmel College nalang ako mag-aaral kahit hindi Fine Arts, kahit Education major nalang.

"Importante lang po Ma'am. Nagkatoon po kasi ng emergency kaya kailangan ko pong lumipat."paliwanag ko naman. Tumango nalang si Ma'am Dangan at pinirmahan na ang mga documents na kakailanganin ko.

Wala masyadong tao rito sa Allegany dahil bakasyon. Pero may pasok pa rin ang mga faculty members pati ang mga staffs ng school.

NATAPOS na ako sa mga gagawin sa school. Nagpasya na kong umuwi para mag-ayos ng gamit sa unit. Konti lang naman ang mga gamit ko kaya hindi ako mahihirapan na umuwi bukas sa Baler.

Perfectly In Love (NZ1 -Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon