Isang linggo na ang lumipas ngunit wala pa din akong nahahanap na maayos na trabaho, hindi ko na alam ang gagawin ko. Halos lahat ng mga kakilala ko nahingan ko na ng tulong.
"Blag! Taaaay!" napatakbo ako ng marinig ang iyak ng kapatid kong si Ginger. Nadatnan ko si tatay na nakahandusay sa sahig. Taranta kong binuhat at dinala siya sa Hospital.
Wala sa sariling naupo ako sa labas ng emergency room habang hinihintay lumabas ang doktor. Nang may nagsalita "Asan po ang bantay ni Mr. Franciso?"
Naglakad ako patungo sa kinaroroonan ng doktor ng may kaba sa dibdib.
"Doc. Kamusta na po ang tatay ko?"
"Kinakailangan na niyang maoperahan sa lalong madaling panahon. Kailangan ng matanggal ang bara sa puso niya at medyo malaking halaga ang magagastos niyo" sagot ni doc
"Sa ngayon po wala pa kaming sapat na pera para sa operasyon ni tatay. Meron pa po bang ibang paraan kahit gamot man lang habang hindi pa siya naooperahan?"
"Tatapatin na kita delikado ang lagay niya at maari niyang ikamatay ito kung hindi agad siya maooperahan. Bibigyan kita ng pansamantalang gamot para sakanya. Sana magawan mo ng paraan bago mahuli ang lahat." Sabi ng doktor bago tuluyang umalis.
Nakita ko si nanay at ginger na papalapit sakin "Anak kamusta na ang tatay mo?" Napayuko ako pinipigilan ang luhang gusto ng lumabas sa mata ko, hindi maaring magpakita ako ng kahinaan sakanila ako lang ang inaasahan nila.
"Kailangan na po maoperahan ni tatay malubha ang lagay niya, pero wag po kayong magalala ako na po ang bahala gagawan ko ito ng paraan."
Nagpunta na kami sa kwarto ni tatay at nanlumo ako ng makita ang mga aparatong nakakabit sakanya. Masakit para sakin na makitang siyang nahihirapan, kung pwedeng ako nalang sana ang nakakaranas ng ganyan. Kailangan ko ng gumawa ng paraan.
"Nay kayo na po muna ang bahala dito at hahanap po muna ako ng paraan para kay tatay."
"Anak pasensya ka na at hindi ka namin matulungan. Alam kong nahihirapan ka na at ang dami mo na din sinakripisyo para samin. Sana huwag kang mapagod." Umiiyak na sambit ni nanay
"Nay alam niyo naman na kahit kailan hindi ako magsasawa na tulungan kayo. Kung tutuusin kulang pa po ito sa lahat ng mga kabutihan na ginawa niyo para sakin. Mahal na mahal ko po kayo at lahat gagawin ko para sainyo kahit kapalit pa nun ay mahirapan ako. Sige po nay una na po ako." Sagot ko
Tumango siya at niyakap ako "Salamat anak hindi talaga kami nagkamali ng pagpili sayo. Mahal na mahal ka din namin, magiingat ka."
Habang naglalakad palabas ng Hospital naisipan ko munang sumaglit sa chapel na nakita ko kanina.
"Lord, alam ko po na lahat ng nangyayari sa buhay namin may dahilan, ngayon palang po nagpapasalamat na ako dahil alam ko na nandyan kayo para tulungan ako. Gabayan niyo sana ang tatay ko at makahanap po ako ng solusyon sa problema namin."
Pagkatapos magdasal lumabas na ako para makapag-umpisa na maghanap ng pera para sa operasyon ni tatay. Sinilip ko ang aking wallet para bilangin kung magkakasya ba ang perang natabi ko para sa pansamantalang gamot ni tatay, na nakalaan sana para sa paghahanap ko ng trabaho, sa pagbunot ko may nalaglag na kapirasong puting papel na agad ko namang dinampot at tinignan isang calling card "GWYNETH YVONNE PAREDES, PRESIDENT/CEO OF GYP CIVIL ENGINEERING & CONSTRUCTION CORPORATION"
"So ayun pala ang pangalan niya at may -ari siya ng isang malaking kompanya sabi ko na nga ba isang siyang makapangyarihang tao." Nagbalik sa isip ko ang mga nangyari nung araw na yun "WORK FOR ME BUT BE MY SLAVE" yun ang salitang tumatak sakin.
Ito na nga ba ang sagot sa mga problema ko?, pero makakaya ko ba mag-paalipin sa babaeng mukhang walang puso, arogante, at naging dahilan ng pagkatangal ko sa trabaho? Alam kong hindi biro itong gagawin ko ngunit wala na akong ibang maisip na paraan para pambayad sa operasyon ni tatay, desperado na ako. Susubukan ko, kakayanin ko, maglalakas loob ako.
Umuwe ako upang magayos ng aking sarili, naghanda para sa desisyon na gagawin ko. Pagkalabas ng pintuan napabuntong hininga ako "woooh! Para kay tatay! Kaya ko to."
"Manong sa Pasig po tayo sa may Julia Vargas Ave. sa GYP BUILDING. Alam nyo po ba yun?" Tanong ko sa taxi driver.
"Yes sir. Malaking kumpanya po yun ha. Dun po ba kayo magtatrabaho?" Tanong ni manong driver.
"Hindi po may kakausapin lang po ako dun."
"Ah! Sikat ang kompanya na yun halos lahat ng bagong tinatayong building ngayon sa ortigas at makati sila ang gumagawa." Kwento ni manong
"Ganon po ba?"
"Opo sir." Hindi na ako muli pang nagsalita masyado ng puno ang isipan ko. Talaga palang kilala ang kompanya niya. Kaya naman pala ganun nalang siya kung magsalita.
"Sir andito na po tayo" sabi ni manong driver. Parang napaka bilis ng oras at di ko namalayan nakarating pala kami. Inabot ko na ang bayad at bumaba na ng taxi.
Tumingala ako sa napaka laki at napaka taas na building na gawa sa salamin. Napaka ganda ng pakakagawa ng architect dahil sa taas ng front door may nakasulat na GYP TOWER na gawa sa makinis na bakal.
Naglakad ako papasok sa automatic glass door bilang entrance. Namangha ako sa World-Class design ng Lobby na kulay Blue and Gray at yung sahig nito ay gawa sa pinagsamang blue, grey sandstone textile.
Sa pag punta ko ng front desk ay nakita ang isang maganda at matangkad na receptionist na naka ngiti sa akin.
"Im here to talk Ms. Paredes"
"Excuse me sir, but do you have an appointment to the CEO?"
"Nope! I don't"
"I'm sorry sir, but you have to set an appointment for you to be able to talk to her."
" Please im begging you, i have to talk to her, its an emergency"
"Im very sorry Sir, but we have a rules here, you have to set an appointment first before you can go to our CEO's office and if i let you speak to her without an appointment, i might get fired".
"Ganun ba? Ok I understand thanks" sambit ko ng may panghihinayang. Lumabas ako ng building para mag isip ng paraan para makausap siya. "Kung hindi ako pwedeng pumasok aantayin ko nalang siya sa paglabas niya, hindi pwede hindi ko siya makakausap,
Mag aala-sais na, halos tatlong oras na akong nagaantay dito. Siguro naman maya-maya lang ay palabas na siya. Ilang saglit ang dumaan may nakita a ko na mga empleyado na napahinto sakanilang paglalakad at para bang may niyuyukuan. Lumapit ako para makita kung sino, nakita ko ang isang magandang babae na naka kulay pula, nag lalakad ito palabas ng building.
"Si Ms. Paredes yun ah!?" Bigla akong tumakbo palapit sa exit ng gusali.
"Ms. Paredes! Ms. Paredes!" Sigaw ko habang kumakaway. Ngunit hindi niya ako napansin siguro dahil natatakpan siya ng dalawang mataba at isang matangkad na security guard na nkapalibot sa sa kanya.
Tumakbo ako palapit sa isang magandang itim na kotse, alam ko dun siya papunta dahil naalala ko na yun ang gamit niyang sasakyan nung araw na pumunta siya sa restaurant na dating pinagtatrabahuhan ko.
"Ms. Paredes!! Ms. Paredes"muli akong sumigaw at napahinto siya kasama ng mga security guard na umaalalay sa kanya papuntang sasakyan. Tinignan niya ako habang nakataas ang isang kilay.
"Ms. Paredes ako po si Gabby Francisco natatandaan niyo po ba ako?" Hindi siya sumagot at nagpatuloy sa pag lalakad. Binilisan ko ang lakad ko para muli siyang mahabol.
"Ako po yung sa restaurant natatandaan niyo po ba? Binigyan niyo po ako ng calling card niyo, andito po ako para tanggapin yung trabahong inaalok niyo po sa akin" hinawi ako palayo ng mga gwardya.
"Hayaan niyo siya" sabi ni Ms. Paredes
BINABASA MO ANG
She's in Control
General FictionGabby Francisco the man who will do everything for his Family. By incident he got terminated from his job because of this cold-hearted, dominating girl Gwyneth Yvonne Paredes. Swallowing his pride on bended knee asking her to convey back his job, an...