THE VIP's Queen on the multimedia! ^_^
********★********
Dara's POV
"Hyung... may bisita ka pala." Rinig kong sabi nya muli hanggang sa marinig ko ang mga hakbang nang paa nyang palapit.
Napapikit ako bigla at ramdam ko ang kabog nang puso ko at pagtulo nang luha ko.
Nakatalikod ako kaya hindi nya ako makilala at may suot ako na hoodie.
Nakauwi na sila?
Hindi ko maexplain gano kalakas ang kabog nang puso ko bawat hakbang na ginagawa nya.
Ramdam ko din ang pangingilid nang luha ko.
Ramdam kong nasa likod ko lang sya at hindi ko na nakayang kontrolin ang sarili ko kaya't napatayo ako bigla.
Tumalikod ako at parang trumiple ang lundag nang puso ko.
"Annyeong Hasse..." Napatigil sya nang maiangat nya ang ulo nya.
Nagkatinginan kaming dalawa at bakas ko ang pagkagulat sa mukha nya.
Ang mata nya... hindi na ito tulad nang dati. Emotionless....
Para bang nanigas ako at napako ang mga paa ko at nalulunod ako sa mga tingin nya.
Kaharap ko sya ngayon... ang taong miss na miss ko na.
Ang taong nanakit sakin ngunit mahal na mahal ko pa din.
Hindi nagbago ang itsura nya... Maliban sa pagpayat nya lalo at ang mga mata nyang walang emosyon.
Gusto ko syang yakapin at umiyak sa dibdib nya ngunit hindi na maari...
Hindi na kahit kelan...
Pumatak ang luha ko nang maalala ko lahat nang sinabi nya sakin nung gabing yon.
"Laruan lang ang turing ko sayo."
Mabilis ko syang nilagpasan at tumakbo na palabas nang office ni Oppa na umiiyak.
Rinig ko ang pagtawag sakin ni Teddy Oppa ngunit hindi ko ito pinansin at tuloy tuloy lang ako sa pagtakbo habang ang mga luha ko ay naguunahan sa pagbaba na kala mo ay may karera.
Umiiyak akong tumakbo papunta sa CR hawak hawak ang dibdib ko na walang tigil ang pagkabog.
Thank God at walang katao tao dito.
Naupo agad ako sa isang cubicle at nilock ang pintuan.
"Great. Tinakbuhan mo sya Dara!" Bulong ko sa sarili ko. "Kelan ka ba tatapang ha? Nasa harapan mo na sya kanina!" Sermon ko pa.
Nagrehistro na naman sakin ang itsura nya kanina at lalong pumatak ang luha ko.
Gustong gusto ko syang yakapin kanina...
OHGOD. Miss na miss ko na ang yakap nya sakin!
Yung tipong pakiramdam ko sobrang safe ako kapag yakap yakap nya ko.
"Pinaglaruan lang kita..."
Naiyak ako nang maisip ko na naman ang mga binitiwan nyang salita sakin nung isang linggo.
"Pinaglaruan lang kita..."
Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa naramdaman kong kirot.
Sobrang sakit...
Then I suddenly remembered my phone conversation with someone.
BINABASA MO ANG
Relationship Status: HIDDEN (DARAGON)
FanfictionHanggang kelan kaya matatago ni Dara at GD ang relasyon nila? What if when its already over until they decided to announce their relationship to the world. Would they dare sacrifice while its still early or just let it be hidden. And when she rea...